Lavinia’s P.O.V.
Kinahapunan ay pinayagan din ng doctor na makalabas si Greyson sa hospital. Hindi ko mapigilan ang hindi magtaka sa desisyon ng doctor subalit dahil mukha namang masigla na si Greyson ay hindi ko na ito kwinestiyon pa. Kahit pa nakafocus ang atensyon ko kay Greyson ay hindi nakaligtas sa paningin ko na ang munting ospital na puno ng mga sugatan kagabi ay halos wala ng tao ngayon. I can’t help but raise my eyebrow in confusion but I decided to keep my mouth quite anyway. This hospital is small yet it is very modern, they just probably have the best doctor in the world that’s why they are able to send their patient home immediately.
Minabuti ni Greyson na manatili muna pansamantala sa tahanan ni Pyro upang magpagaling. Bahala na daw muna ang second in command nito na mamahala sa winery at sa tahanan nito. I slept last night in Pyro’s room but tonight will be different, I will be sleeping in a guest room so as Greyson.
After eating dinner I excuse myself and went to my assigned room. Tomorrow this town will held the burial for the little child who died from the incident yesterday. Sa tuwing naaalala ko ang batang namatay ay hindi ko pa rin maialis ang guilt at sakit sa dibdib ko subalit pinili ko nang itigil ang pag iyak. Bagaman nananatili ang galit at lungkot sa puso ko, hindi ko ito hahayaang tuluyan akong igupo. You can weep nonstop for your loss but you need to remember that in the end, you will not going to gain anything back for doing it. You need to use the pain as a driving force to stand up again and prepare for your next move.
Kailanman ay hindi naging madali ang tanggapin ang sakit at gamitin ito upang muling bumangon subalit kung nais mong may makaalis sa madilim na kalyeng kinaroonan mo, ang tanging paraan ay ang magpatuloy sa paghakbang. No matter how painful every step is, no matter how hard it is for you to move forward you need to keep moving. One day will come that you are going to look back to your old self and you will see that the pain ain’t the same anymore. It is not because you became numb, it is because you manage to overcome that pain and created a stronger version of yourself. Pain and happiness are part of life so as success and failure. Think of yourself as a small sprout that wanting to be a strong and beautiful flower. It will take both sun and rain for it to grow. The process might be slow, but trust me it will always be worth it.
(actually walang maisip na scene yung author kaya ayan. Inspirational speech na lang ang nilagay. XD)
Dumako ang tingin ko sa kulay puting kama sa gitna ng silid. It was not a big as Pyro’s bed but by just looking at it I guess sleeping in it can surely make you feel like a princess. Dumako ang tingin ko vanity mirror kung saan may ilang beauty products na nakalagay. Hindi ko maiwasan ang mapataas ang kilay ng mapansin ang ilang make up kits na naroon. Was this room used by another girl before me?
Lumapit ako sa vanity mirror at isa isang ininspeksyon ang mga gamit na naroon. Para lang mapakunot noo ng mapansing hindi pa nagagamit ang mga iyon. All of it are securely sealed, an indication that it is all brand new. Napakibit balikat na lang ako. Well, atleast Pyro prepared this room specifically for female guess.
Tinigilan ko ang paguusisa sa gamit na naroon at nagpasyang maligo muna bago matulog. I want to freshen up a bit before going back to bed. Habang ninanamnam ang maligamgam na tubig sa balat ko ay hindi ko maiwasang hindi bumalik ang isip ko kay Jacob. I honestly can’t still believe that he is back to his normal strong self in just one night. Hindi ako yung tipo ng tao na mapaghinala sa kapwa subalit hindi ko maialis sa isipan ko kung gaano ka peculiar ang buong lugar maging ang mga mamamayan nito.
Iniexpect ko na may local police na lalapit upang interviewhin ako sa nangyari subalit wala naman. Hindi naman sa nagrereklamo ako subalit sadyang kataka taka lang. If this happened in Rouen, it will be in the tabloid the next morning. But here, it seems that it wasn’t even became a talk of the town. I just find that a bit weird I guess.

YOU ARE READING
Bound To The Alphas (Under Editing)
WerewolfDahil sa banta sa buhay niya ay nagpasya si Laviñia na pansamantalang lisanin ang lugar na kinalakihan hangga't hindi pa nahuhuli ang mastermind sa tangkang pagkidnap at pagpatay sa kanya. Sa paghahanap ng lugar na pwedeng pagtaguan ay napadpad siya...