Chapter 4

29 1 0
                                    

Chapter 4

"Ikaw, wag na wag kang aalis sa tabi ko. Wag na wag kang pupunta sa kung saan ng wala ako. Kapag nawala ka ako ang malalagot, akong anak ang malalagot kapag nawala ang isang saling pusang kagaya mo. Alright?" tinaasan ko ito ng kilay habang nakaturo ang daliri ko malapit sa mukha nito. Lumayo ito ng kaunti at umiwas ng tingin.

Nagulat ako ng hawakan ako nito sa balikat at iatras ako, "Ikaw, wag na wag mo rin akong sinusungitan. Ayaw ko sa mga masusungit na babaeng kagaya mo. Kapag tayo ang magkasama, hindi mo ako kailangang alalahanin, hindi ako bata. Maliwanag ba?" tinaasan ako nito ng kilay at ginulo ang buhok ko, ngumisi ito at naunang mag lakad.

Napairap nalang ako sa kawalan at naiinis na napasigaw rito, "Hoy! Napaka plastik mong lalaki. Kapag meron sina Mama at Daya akala mo kung sino kang maamong tupa pero kapag tayong dalawa nalang napaka pangit ng ugali mo!" sigaw ko rito.

Huminto ito sa paglalakad at unti unting tumingin sa akin, "Sa isang babaeng kagaya mo, kakaiba ka. Napaka ingay mo at satsat ka ng satsat. Wala bang preno iyang bibig mo?" sigaw nito sa akin pabalik.

Naiiling na naglakad nalang ako at hindi siya pinansin. Ewan ko ba, kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Siya lang ang kauna unahang taong sobrang kina aayawan ko. Siya lang ang taong sobrang gustong gusto kong tirisin.

Hindi na kami ulit nagkibuan hanggang sa makarating ako sa wide space. Nandoon na sila lahat, nagsisimula naring mag warm up.

"Hey, sorry late ako." ani ko, napatingin silang lahat sa akin at nagsilapitan, pinagdikit ang aming mga palad at agad ring pumuwesto.

"Ayos lang 'yan." saad ni kuya David na siyang tinanguan ko. Nagtungo ito sa harapan at agad na nagsalita.

"Ako muna ang mag babantay sa inyo sa ngayon. May importanteng gagawin si Kuya Zhed, ako ang inatasang mag bantay. Sana naman, walang magtitigas tigasan ang ulo sa inyo upang mabilis tayong matapos at makauwi rin kayo kaagad, para narin hindi tayo abutin ng alas diyes." ani nito na siyang tinanguan naming lahat.

Napatingin tingin ako sa paligid at agad na nakita si Triton sa isang upuan na medyo malayo sa kinaroru unan namin. Nakaupo ito ng diretso, nakatingin sa kalangitan at mukhang malalim ang iniisip.

Agad kong napansin ang pagbabago ng itsura nito. Mas malinis na siyang tignan ngayon. Pina salon ba siya ni Mama at gumanda ng ganiyan ang buhok niya? parang hindi buhok ng isang lalaki. Ang suot niya ay isang plain black pants at isang white na polo. Sobrang plain pero magandang tignan sa kaniya.

Kapag dating naman sa mukha nito, gwapo naman siya. Hindi makapal na kilay at hindi rin manipis, sabihin na nating nasa gitna ng dalawang 'yon. Maganda rin ang mga mata nito, hindi bilugan at hindi rin singkit, nasa gitna rin ng dalawang iyon. Ang kanyang ilong ay napaka ganda, matangos ito at saktong sakto lang sa maliit nitong mukha, ang kanyang labi ay napaka ganda ring tignan, akala mo naka liptint ito dahil pinkish iyon.

"Sid, start na tayo. Ano pang kinikilos mo diyan? takbo na." ani ni Kuya David, napalunok ako at agad na tumango at sumunod narin sa linya ng pagtakbo. Masyado akong nalulong sa pagtitig sa kanyang mukha.





"Sobrang nakakapanibago pala sa mundo ng mga tao. Ibang iba sa mundo natin, mahal na hari. Ibang iba ang ginagawa ng mga tao rito, sa mga mamamayan ng Hanyang." nanatili ang paningin ni Minseo sa kalangitan. Sa kanilang mundo, napaka ganda ng kalangitan ngunit rito sa mundo ng mga tao, kakaiba ang kalangitan nila.

Pagdako ng gabi ay halos walang mga bituin, ngunit sa mundo ng Hanyang ay punong puno ng bituin na napaka gandang tignan.

Ano kayang ginagawa nila ngayon roon? Nagkaroon naba ng pagdiriwang gayong wala na ang sakit sa ulo ng mahal na hari? Kamusta na kaya ang kanyang nakababatang kapatid, ang mahal na inang reyna, at ang mga babae niya roon?

THE LIGHT IN THE DARK : TWO DIFFERENT WORLDWhere stories live. Discover now