Chapter 12

23 2 0
                                    

"I can't believe this. Kanina lang ay si Grant lang ang inaalala at inaalagaan ko. Ngayon naman dumagdag kapa, Triton. Kung bakit kaba naman kasi nagpaulan? Sira naba ang tuktok ng utak mo? Kahit kelan ka talaga!" sermon ko dito habang naka akbay ito sa akin at hinahawakan ko siya sa kaniyang bewang upang alalayan. Buti sana kung hindi siya mabigat, eh sobrang bigat naman niya.

Ano ba naman kasi ang pumasok sa isipan nito at nagpaulan pa sa labas? Meron pa naman siyang ilang oras para umalis at umuwi ng pagsarhan niya ito ng pinto. Bakit ba naman kasi bigla bigla nalang itong pupunta rito? At talagang nanatili pa sa labas kahit na ilang beses mo na siyang gustong paalisin?

"G-Gusto kitang... b-bantayan. Hindi ko alam at baka, m-manyakin ka ng gagong 'yan. Ayoko namang, m-mangyari 'yon sa'yo. Subukan lang niya, h-hindi ako mag dadalawang isip na p-patayin siya." saad nito kaya agad na nagsalubong ang kilay ko. Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito? Ako, mamanyakin ni Grant? Baka siya pa manyakin ko.

"Kung ano anong sinasabi mo. Maupo ka muna diyan at maghahanap ako ng puwede mong masusuot sa mga damitan ni Triton." ani ko at agad na aalis na sana ng hawakan nito ang palapulsuhan ko at agad akong hinila, dahilan para mapahiga ako sa taas niya. Pakiramdam ko ay naging slow mo ang nangyari kaya agad na nanlaki ang mata ko.

Bumigat ang paghinga ko habang nakatitig ng malapitan sa mukha niya. Napakurap kurap ako. Napaka perpekto nga talaga ng mukha niya. Para iyong ginawa lamang o inembento.

"Napakaganda mo talaga, hahaha." saad nito habang mapupungay ang matang nakatitig sakin. Ang tawa niyang 'yon, napakagandang pakinggan.

Agad akong tumayo ng pumasok sa isipan ko kung anong ginagawa ko. Napalunok ako at napatitig sa kaniyang nakangisi habang nakatitig sakin, kahit pa ang mga mata niya ay kaunti nalang at babagsak na.

Napatalikod ako, "K-Kukuha lang ako ng damit mo." ani ko at agad na tumakbo papasok sa loob ng kuwarto ni Triton. Pagkasara ko ng pintuan ay agad akong napapikit at napahawak sa dibdib ko. Sobrang lakas ng tibok niyon dahilan para mapayuko ako.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko tuwing nandiyan siya? Bakit ganoon? Ibang iba. Sa totoo lang kay Grant ko lang naman nararamdaman ang ganito dati.

Umiling ako at tinampal tampal ang pisngi ko. Hindi! Hindi dapat ganto! Si Grant ang gusto mo diba? Kay Grant ka lang may gusto. Ang lalaking yan, misteryo lang siya at siya ang kinaiinasan mo! Dapat hindi ganito ang nararamdaman mo!

Umiling nalang ako at napabuntong hininga atsaka pumunta sa drawer ni Grant para maghalungkat ng pupuwedeng maisuot ni Triton, "Anong nangyayari sayo? Bakit mukhang problemado ka? Nahirapan kaba sa pag aalaga sa akin? Ayos lang ako. Pupuwede ka ng umuwi." ani ni Grant na gising na pala.

Agad akong umiling iling sa kaniya at lumapit dito, "Hindi ah. Medyo ayos naba ang pakiramdam mo?" tanong ko at agad na pinatong ang kamay ko sa noo nito.

Ngumiti ito, "Oo. Medyo ayos na." saad niya kaya agad akong tumango.

"Y-Yveon! Ang damit! N-Nilalamig na ako!" sigaw ni Triton mula sa labas kaya agad na nanlaki ang mata ko at agad na nagtungo sa drawer ni Grant para magtingin ng masusuot.

"Sino 'yon? Ba't may ibang tao dito sa loob ng bahay?" tanong ni Grant ngunit nagpatuloy lang ako sa paghahanap ng masusuot. Nanlaki ang mata ko ng makitang mga brief ang nandoon kaya agad kong sinara at naghanap sa closet niya.

"Mamaya ko na ipapaliwanag sa'yo. Mahabang kuwento." ani ko at kinuha na ang shorts at damit na nakita ko at agad na lumabas na doon at nagtungo kay Triton.

"Kaya mo bang magpalit? Tayo kana at magpalit kana ng damit upang dika lalong magkasakit. Stand up, will you? Anong gusto mo ako pa magpalit sayo? Stand up!" sigaw ko rito ngunit ngumisi lang ito at mapupungay ang matang tumayo. Inalalayan ko ito ng makitang nanginginig pa siya.

THE LIGHT IN THE DARK : TWO DIFFERENT WORLDWhere stories live. Discover now