Chapter 5

20 0 0
                                    

Chapter 5

Karaniwan sa mga nagkaroon ng kasalanan ay humihingi agad ng tawad para mabilis na matanggal ang galit ng taong nagawan nila ng kasalanan. Pero sa kaso ko, hindi ko man lang magawang maglakad at magtungo sa harapan niya at magsabi ng simpleng salitang sorry na dapat ay bukal din sa kalooban ko.

Ewan ko ba pero nahihiya ako. Nakaramdam agad ako ng guilty sa mga ginawa ko kagabi. Lumagpas naba ako sa limitasyon ko? Masyado ko na ba siyang nasaktan? Hindi naman siguro masyado, hindi ba?

Atsaka isa pa nagsasabi lang naman ako ng totoo. Oo, hindi ko siya gusto, naiinis ako sa kaniya pero siyempre hindi ako galit. Paano ba naman kasi pakiramdam ko nasa kaniya na lahat ng atensiyon ni Mama, siya nalang lagi ang kinakampihan at siya nalang lagi ang tama.

Mas nagmukha pa ngang ako ang nakitira rito at hindi siya. Feel at home ang kuya niyo. Pero back to topic tayo. Should i say sorry, or not?

Napabuntong hininga ako at agad na ibinutones ang huling butones ng uniform ko. Pinagpag ko ang palda kong nabahiran ng pulbo na inapply ko sa mukha ko. Dahil sa nangyari kagabi, nahihiya pa tuloy akong lumabas at magpakita sa kaniya.

Pinaypayan ko ang sarili ko atsaka naupo sa kama ko. Tag lamig ngayon pero init na init ako. Ewan ko ba sa sarili ko, baliktad ang pakiramdam. Ninenerbiyos ba ako?

"Just relax, Sid. Relax yourself. This is your house. I mean, this is your Mom's house. You're the legal daughter and he's just a visitor na titira na dito at pinaaral pa ng Mama mo. Mas may karapatan ka at dapat wag kang mahiya. Dapat siya pa nga ang mahiya kasi hindi naman siya rito nakatira." pinaypayan ko ang sarili ko at huminga ako ng malalim.

Tumayo at unti unting lumabas ng kuwarto. Agad akong nagtungo ng kusina habang tumitingin tingin pa sa paligid. Baka bigla nalang siyang sumulpot, pagkadating ko ng kusina ay wala pa ito roon kaya nangingiti akong umupo doon. Kumakain na sina Daya at Mama.

"Goodmorning, Sid. Heto kumain ka ng marami bago pumasok." ani ni Mama na siyang tinanguan ko at nginitian. Buti naman at wala ang lalaking 'yon, ako ang napapansin ni Mama ngayon.

Agad akong nagstart kumain at napatingin kay Daya. Himala at maagang nagising ang babaeng 'to samantalang always siyang late at akala mo siya ang teacher ng eskuwelahan sa sobrang late pumasok.

"Anong nakain mo at ang aga mo atang nagising ngayon, Daya?" tanong ko kay Daya. Natigil ito sa pagsubo ng hotdog at nangingiting ibinaba iyon.

"Ngayon ang unang araw ni Kuya Triton sa school. Siyempre, gusto kong magpa impress at gusto kong makasama siya sa pagpasok para naman maganda ang araw ko." saad nito kaya agad akong natawa at ibinaba ang inumin kong tubig.

"Daya, simula ng nanirahan yan dito sa'tin, alam na niyang late kang gumigising. Isa pa, hindi kayo parehas ng eskuwelahang pinapasukan. Kami ang magka parehas ng school kaya asa ka pa." pinanlakihan ko ito ng mata at binelatan dahilan para naiinis na kinuha nito ang kaniyang gatas at ininom.

"Anong point mo ate —" hindi nito natuloy ang sasabihin ng biglang sumingit si Mama sa usapan naming dalawa.

"Tama na 'yang pagtatalo ninyo at kumain na kayo. Anong oras na at baka malate pa kayo. Tara na rito Triton, kumain kana rin at ng maging maaga ka sa unang pasok mo." saad ni Mama kaya agad akong napatingin sa kabababa na si Triton.

For the first time, na speechless ako sa naging transformation ng isang tao. May igagwapo pa pala itong si Triton. Parang Grant na ang pormahan at level nang gwapo pero siyempre, mas gwapo parin si Grant at lamang si Grant ng mga ilang paligo.

Kung idedescribe ko ang kalagayan ni Daya ngayon. Siya na ang pinaka the best example ng isang taong nastar struck. Titig na titig ito kay Triton, with matching blink blink ng eyes, medyo naka awang ang bunganga at ang nakaka yucky na ekspresyon.

THE LIGHT IN THE DARK : TWO DIFFERENT WORLDWhere stories live. Discover now