Chapter 7

13 2 0
                                    

Chapter 7

"Who's that guy? Bakit palaging nakabuntot sayo ang lalaking 'yon? Kilala mo ba siya? Ngayon ko lang nakita ang pagmumukha niya sa school." sunod sunod na tanong sa akin ni Grant habang nagmamaneho ito. Diretso ang tingin nito sa daan at hindi ito tumitingin sa akin. Eto ang dahilan kung bakit gustong gusto kong sumama sa kaniya, pakiramdam ko safe ako kapag kasama ko siya.

Kahit pa kung minsan ay napaka sungit niya at hindi mo maintindihan ang ugali. Kahit pa ang hirap basahin ng kinikilos niya at expression niya, kahit pa kung minsan binabalewala ako nito.

Umiling ako rito, "Hindi ko siya kilala. New student siya at kaklase namin. Wala siyang kaibigan kaya sa amin tinatangkang sumama. Sino ba naman kami para humindi? Kawawa naman 'yong tao kung hihindian namin." saad ko na agad nitong nginisian at dahan dahang tinanguan.

Sa kauna unahang pagkakataon ay sumulyap ito sa akin at agad ring bumalik ang tingin sa harapan, "Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin. Sa sabado ka daw gustong imbitahin ni Mommy sa bahay for dinner." saad nito at iniliko pakanan ang kotse.

Ngumiti ako, "Sure. Pupunta ako. Anong oras ba dapat akong pumunta roon?" tanong ko rito.

"Mga seven dapat nakaprepare kana. Susunduin nalang kita sa bahay niyo. Matagal ko nang hindi nakakausap si tita at Daya kaya mag he-hello narin ako sa kanila." saad nito dahilan para tanguan ko at mapangiwi ako.

Naalala ko palang sa bahay nakatira si Triton. Itatago ko nalang siguro ang lalaking iyon o ililigaw ko.

"Sige." saad ko nalang rito. Hindi na muli ako nagsalita at ganon din naman siya. Agad akong napatingin sa side view mirror upang tignan kung nakakasabay ba sa amin si Triton o naligaw na pero nakakasabay naman.

"Anong ginagawa mo?" tanong sa akin ni Grant kaya agad kong tinuro ang side view mirror.

"Tinitignan ko lamang si Triton, baka kasi naligaw na." saad ko kaya siya naman ang tumingin sa side view mirror niya.

Nangunot ang noo nito dahilan para macurious ako, "May kasama ba siya? Sino iyong babae na katabi niya? Hindi ko alam na may dala pala siyang babae, hindi ko napansin iyon." saad niya dahilan para mapatingin ulit ako sa side view mirror.

Ngunit wala naman akong nakikitang kasama nito. "Nasaan? Wala akong makita. Wala naman siyang katabi." saad ko kaya agad itong nailing at nagfocus sa harapan maya maya lang ay tumingin ulit ito sa side view mirror niya.

"Wala na ang babae." bulong nito na narinig ko naman, "Mukhang namamalikmata lang ako. Hayaan mo na. Wag mo ng intindihin." saad nito na siyang tinanguan ko.

"Magpahinga ka kasi. Sunod sunod ang projects mo tapos isinasabay mo pa ang pag aaral mo. Sigurado akong pagod na pagod ka." saad ko rito. Napangiti ito atsaka tumango tango at hindi na nagsalita pa. Pagkarating na pagkarating namin doon sa park ay agad itong lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.

"Thank you." nahihiyang anas ko rito. Ngumiti lang ito sa akin at agad ring isinara ang kotse.

Agad nitong hinawakan ang kamay ko, "Let's go." saad nito at hinila ako papasok roon.

"Hey wait!" tawag sa amin ni Triton kaya agad akong huminto para hintayin ito. Baka kasi kung saan saan pumunta, kapag 'yan naligaw ako ang may kasalananan. Baby pa naman 'yan ni Mama.

"Baka gusto mo ring hawakan kita sa kamay? Kalalaki mong tao para kang babae kung umasta." naiinis na saad ni Grant kay Triton pagka lapit palang nito sa amin.

"Sure. Here." itinaas ni Triton ang kaniyang kaliwang kamay dahilan para mapa ngiwi ako dahil tinapik iyon ni Grant at agad ako nitong hinila papaalis doon.

THE LIGHT IN THE DARK : TWO DIFFERENT WORLDWhere stories live. Discover now