Chapter 6

26 2 0
                                    

Chapter 6

"Let's go. Maghanap na tayo ng table natin. Napakaraming estudyante, mukhang mauubusan tayo." ani ni Triton sa amin ng matapos kaming maka order. Ngumiti ako doon sa babae at agad na kinuha ang sukli ko at binuhat na ang tray ko na may laman ng mga food na inorder ko.

Nakahanap rin naman kami ng table na may apat na upuan. Medyo nasa pinaka likod iyon dahila punong puno na sa unahan at gitna. Agad kaming nagtungo roon ngunit ang una kong ginawa ay ang igala ang paningin sa buong kalooban upang hanapin kung meron ba si Grant ngunit wala siya.

Napabuntong hininga nalang ako at agad ng umupo sa upuan, "Can i sit next to you?" tanong sa akin ni Triton. Agad akong napatingin rito, nakatayo parin ito at hindi umuupo. Napatingin pa ako kay Sarah, kinindatan ako nito at sinabihan ng patago ng fighting girl kaya nailing nalang ako at natawa.

"Yes —" agad naputol ang sasabihin ko ng biglang may tumulak kay Triton at naupo sa tabi ko. Umawang ang labi ko ng makitang si Grant iyon.

"Napakabagal mong kumilos, kaya ako na ang uupo rito. May upuan pa riyan oh, diyaan ka umupo." tinitigan ni Grant si Triton atsaka nakangising nagsimulang kumain sa tabi ko. Gulat rin naman si Sarah sa nakita at agad nalang napangisi. Medyo napangiwi pa ako ng magdulot ng ingay ang pagbaba ni Triton ng kaniyang tray sa lamesa.

"You're not going to eat?" tanong sa akin ni Grant. Hindi kona namalayan na kanina pa pala ako nakatitig rito, "Do you want me to feed you? Tell me." tanong pa nito dahilan para mapalunok ako at nahihiyang umiling at nagstart nang kumain. Hindi nakatakas sa akin ang lihim na pagngisi ni Grant at ang pag irap sa akin ni Triton.

"Grabe. Sobrang nakaka inggit naman kapag ganito, Sid. Sana may magtanong rin sa akin kung gusto niya ba akong subuan." saad ni Sarah dahilan para matawa ako at si Grant. Si Triton naman ay hindi nagsasalita at kumakain lang. As usual, kapag nasa hapagkainan ay focus na focus ito sa pagkain.

"Sid," agad akong napatingin sa gilid ko ng marinig na may tumawag sa akin, "Here's a gift, for you." si Raphael nanaman, ang weirdong lalaki. Hindi talaga siya lumiliban sa pag bibigay sa akin ng mga kung ano anong regalo. Ang laki siguro ng allowance nito.

Kukunin kona sana ang regalo ng biglang may naunang kumuha noon. Agad ring umalis si Raphael. Napatingin ako kay Triton na kunot ang noong binuksan ang regalo kaya nailing nalang ako. Like hello, sa akin gustong ibigay yung regalo, hindi sakaniya.

"What the fuck is this?" tanong nito at inilabas mula sa loob ang isang towel na kulay violet at isang card. Binasa pa nito ang nilalaman ng card mismo sa harap namin.

"I hope you use this towel. I know violet is your favorite color." pagkatapos nitong basahin iyon ay agad nitong ibinalik sa loob ng box ang panyo at card, at inilagay sa gitna ng lamesa.

"Oh my! Violet!" si Sarah.

Napatingin sa akin si Grant at nagsalita, "Nagbago naba ang favorite color mo? I thought gray is your favorite color?" tanong nito sa akin kaya agad akong tumango.

"Yes, gray is my favorite color. I never like color violet." saad ko at kinuha ang box atsaka inilagay sa harapan ni Sarah, "Sayo na. I know your favorite color is violet." saad ko dahilan para mapangiti si Sarah at sayang saya na kinuha iyon.

"Aah, thank you Sid! You're the best bestfriend na talaga. I love you. Omg, i'm gonna spray my perfume here and use it all day eventhough i have a lot of violet towels. You know, it's special because you gave me this. Thank you, Sid." ngumiti ito at pumalakpak kaya agad akong napailing.

"You're welcome. No worries." ani ko at agad ng kumain.

"It's good." ani ni Grant. Agad akong napabaling sa kaniya.

THE LIGHT IN THE DARK : TWO DIFFERENT WORLDWhere stories live. Discover now