Chapter 11

22 2 0
                                    

Chapter 11


"Hey, Sid. Let's watch movies. What do you want to watch? Tell me. We'll play it and watch." saad nito, kunwaring hindi ko siya narinig at nagpatuloy sa pakikinig sa musics. Nakasalpak ang headphone sa magkabilang tenga ko habang nakikinig sa kanta ng Ikon. One of my favorite korean pop group.

"I said what do you want to watch? I know you can hear me. Bakit ba hindi moko pinapansin?" tanong ulit nito. Ang totoo niyan, nahihiya ako. Sobrang nahihiya ako. Sabihan ba naman niya ako ng ganoon? Hahalikan niya ako? Sino ba namang hindi mahihiya doon, hindi ba? Lalo pa't crush mo ang nagsabi?

Nakita ko sa gilid na bumuntong hininga ito atsaka tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama nito at naglakad patungo sa akin. Ang sumunod na nangyari ang kinalaki ng mata ko at kinasigaw ko. Bigla nalang siyang hinimatay at napahiga sa sahig. Sobrang nanginginig akong lumapit sa kaniya, hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung anong una kong gagalawin. Aayusin ko ba siya o magtatawag muna ako ng ambulansiya.

Napapalunok na lumapit ako sa kaniya at niyugyog siya, "G-Grant? A-Anong nangyayari sayo? Gumising ka nga diyan. Wag mo naman akong pinag aalala ng ganito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. G-Gumising kana diyan, sige na naman oh." unti unting namuo ang luha sa mga mata ko. Sobrang nanginginig ako atsaka chineck ang noo at leeg nito, sobrang init non. Ang taas ng lagnat niya!

Pinahid ko ang luha sa mata ko at agad siyang inalalayan sa pagtayo at dahan dahang inihiga sa kama niya. Sobrang bigat niya pero tiniis ko, "G-Grant, sobrang taas ng lagnat mo. Teka, kukuha ako ng planggana at pupunasan kita." aalis na sana ako ng bigla nitong hawakan ang kamay ko at pinanatili akong umupo sa tabi niya.

"D-Dito ka lang... Wag mokong, iiwan. Please." sobrang hina ng pagkakasabi niya pero narinig ko 'yon ng tama.

Napalunok ako at umiling iling na akala mo naman makikita niya. Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit, naramdaman niya 'yon at humawak din ng mahigpit, "Kailangan kong punasan ka para kahit papaano mabawasan ka ng init sa katawan. Naiintindihan mo ba? Hindi naman ako aalis." saad ko at agad na tumayo. He groaned and i didn't mind that, basta nagtungo nalang ako sa kitchen at kumuha ng mga kailangan.

Pagkabalik ko doon ay agad kong nilagay ang planggana sa table sa gilid nito. Napalunok ako, need ko pa palang hubadan siya, pero hindi naman 'yong sobrang hubad kaya napailing nalang ako at agad na unti unting tinanggal ang polo niya. Ilang beses na ata akong napasinghap at halos hindi na ata ako huminga habang ginagawa ko 'yon. Sobrang kaba ko.

Nang matanggal ko ang polo niya ay agad kong nakita ang peklat sa bandang dibdib nito. Hindi ko alam pero unti unting lumapit ang kamay ko doon para hawakan iyon. Agad ko iyong hinawakan ng dahan dahan at hinaplos, napasinghap ako ng bigla nalang hawakan ni Grant ang palapulsuhan ko.

Tumawa ito, "Don't, may sakit ako. Atsaka mo na ako galawin kapag wala akong sakit. Pangit ang performance ko sa kama kapag may sakit ako. Willing akong magpa rape sayo kapag magaling na'ko para hindi ka mahawaan." natatawa pa ito pero halatang hinang hina.

Napasimangot ako at nakaramdam ng hiya. Uminit pa ang pisngi ko sa sinabi niya. Rape? Kama? Performance? Ano bang pumasok sa isip ng lalaking 'to? May sakit na nga manyak parin.

"Nakita ko lang 'yong peklat sa bandang dibdib mo. Saan mo nakuha 'yan? Wala akong natatandaan na nadisgrasya ka." ani ko, simula bata magkasama na kami, pero dahil sobrang sungit niya noon, halos hindi kami magkausap, pero palaging magkasama.

"I don't know. Mom said, I was on an accident before. Baka hindi mo narin maalala, bata pa tayo non." ani niya kaya agad akong tumango tango. Sabagay, malamang hindi na namin maalala, napakatagal na panahon narin kasi.

THE LIGHT IN THE DARK : TWO DIFFERENT WORLDWhere stories live. Discover now