chapter1

26.6K 428 35
                                    

🔥🔥🔥Chasing Hell🔥🔥🔥
Chapter 1: Strange
Zein's Point of View
"Zein, wake up,"
I shift my position ignoring someone squeezing my cheeks. I almost shout at anger when the jerk grabbed my comforter.
Iminulat ko ang mata ko pero ako ang napanganga nang makita kung sino ang lalaking nakapoker face na nakatingin sa akin.
Shit! I forgot!
"Psh." Inis na expression nya.
"What are you doing here?" Halos takpan ko na ng unan ang aking mukha para hindi nya makita ang itsura ko.
Damn it! I almost forgot! Narito pala kami sa Condo na binili nya para sa aming dalawa. Para hindi na namin kailangang magbyahe ng matagal araw-araw since malapit na rin dito ang school na papasukan namin.
"To wake you up," Tumalikod na ito sa akin. "Magbihis ka na at mag-almusal." Wika nito bago tuluyang makalabas ng kwarto ko.
Dali-dali akong lumapit sa salamin para tignan ang itsura ko. OH.MY.GHAD! Mukha akong ginahasa ng kapre--- Err.
Ngumuso ako nang makit ang wall clock. Alas sais pa lang ng umaga at ang pasok namin ay alas otso. GHAD! I forgot, I am living with the president.
Damn it! Mukhang araw-araw masisira ang tulog ko dahil may kasama akong taong bawat segundo ay mahalaga sa kanya. GREAT! UGH!
"Faster!" Sigaw nya sa labas na parang alam nyang hindi pa ako kumikilos.
Nag-inat-inat pa ako bago kumuha ng towel at pumasok ng banyo. Napapikit ako sa lamig nang balutin ang katawan ko ng malamig na tubig.
Ngayon ang first day namin as a college student and yep, we are in the same school. Kinuha kong course ay HRM habang sya naman ay Business Management para matulungan nya si Raze sa pagmanage ng kompanya na iniwan ng kanilang ama.
The President is richer than me and I think, it's bad.
Matapos kong magpatuyo ng buhok ay lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko si Ace na nakaupo sa sofa at nanunuod ng cartoons. Dumapo sa akin ang kanyang mata kasabay ng pagsilip ng ngiti sa kanyang labi.
"Maganda ka pa sa umaga,"
Gusto kong sumimangot pero hindi ko kaya. Napangiti ako sa sinabi nya. Ang agang pambungad naman nito sa akin. Parang nawala ang inis ko sa kanya dahil lang sa kanyang ngiti.
Damn his smile!
"Breakfast na," Iginaya nya ako sa kusina.
Napapikit ako nang maamoy ang isang pamilyar na amoy na nagpakalam sa tiyan ko. "Adobo?!" Masaya kong wika at agad na umupo.
Pinanandok nya ako ng kanin at ulam at agad ko naman itong nilamon. Ramdam ko ang titig nya sa akin pero hindi ako nagpatinag. Gutom ako at wala akong panahong mahiya.
"Hinay-hinay lang."
Sinulyapan ko sya na mahinhing nginunguya ang pagkain. Nahiya naman ako sa kanya. Mas mukha pa syang babaeng kumilos sa akin.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa sofa at nag-usap tungkol sa mga dapat at hindi ko dapat gawin. Seriously? I am not a kid anymore! In fact, I can already give him a child---Err.
"Here," Inabot nya sa akin ang cellphone na binili nya.
Pagkakita ko ng casing nito ay parang gusto kong mahiya. "Don't be shy," May halong panunuya nyang wika. "You love Dora, right?" Dugtong pa nito.
"Yes but... Damn it! Hindi mo naman kailangang bilhan ako ng casing na Dora!" Sigaw ko na ikinahalakhak nya.
He waved his cellphone. "I am your boots," He said. Ang casing nya ay isang unggoy.
Ngumuso ako dahil hindi nya ba alam na nakakakilig 'yon? Hindi nya ako hinayaang mag-isa.
"You are Dora and I am your boots therefore, you are not allowed to go in an adventure without me by your side."
"Fine but, you really looks like a monkey."
Naningkit ang mata nya kaya alam kong seryoso sya at wala syang panahon makipagbiruan. Ang awkward lang na nagjoke ako at ako lang ang natawa. My killjoy boyfriend.
"I am dead serious, Zein."
"All right," Pagsuko ko.
Binuksan ko ang cellphone na bigay nya. Default pa rin ang wallpaper nito at may nag-iisang number lang ang nakasave sa phonebook nito.
Darling: 09********
"That's my number," Wika nya. "Wala pa akong number mo." Dugtong pa nito na ikinalingon ko sa kanya.
Tinaasan ko sya ng kilay. Hindi nya pa ba kinuha? "Then, save it." Inabot ko ang cellphone ko ngunit tinignan nya lang ito.
Ngumuso ito. "Text me," Wika nito. "May load na 'yan." Dugtong pa nito.
"All right,"
"It should be I love you."
Natawa ako at gaya ng sinabi nya ay tinext ko sya ng I love you. Nagbeep naman ang cellphone nya at pinakita nya sa akin ang text ko.
"I love you, too."
Matapos naming magkalinawan ay lumabas na kami ng building at dumiretso sa parking lot.
"Sabay tayo uuwi," Muli pa nitong pagpapaaalala habang nagdadrive.
Tumango na lang ako at binuksan ang radio at saktong ang kanta ay If you are not the one.
Napapikit ako nang sabayan ito ni Supremo. Parang nanumbalik naman lahat ng alaala ng kahapon. Parang kanila lang nangyari ang lahat at sari pa rin ito sa akin. Inaamin kong, miss ko na ang lugar na 'yon.
"Malayo ang BM Building sa HRM Building!"
"I know,"
"Then, hayaan mo na akong mag-isa. Mapapalayo ka pa eh!"
Inirapan nya ako. Napailing na lang ako dahil late na sya. Napasarap kami ng kwentuhan at hindi namin namalayan ng oras at parang wala lang 'yon sa kanya.
Napatigil kami sa paglalakad nang harangin kami ng isang lalaking nakangisi. Hindi ko alam pero masama ang kutob ko sa ngisi niya.
"You two are late,"
"And we are aware of it," Walang ganang wika ni Ace.
Kumunot ang noo ng lalaki at halatang nainis sa inasta ni Ace pero sino ba sya? Bakit nya kami hinarang? Anong kailangan nya? Late na nga kami tapos mas malelate pa kami dahil sa kanya.
"I am Cedric Lastimosa. The President of the Supreme Student Council."
Hindi pa rin kami nagpakita ng interest ni Ace sa kanya. Wala kaming pakialam kung sino sya, kahit na President pa sya ng school na ito.
"Excuse us, late na ang girlfriend ko."
Hinila na ako ni Ace palayo kay President Cedric na tinatawag kami. "He acts like a trash," Komento nito.
Hindi ko maiwasang matawa dahil minsan na ring naging President si Ace ng isang hindi ordinaryong paaralan at kung ikukumpara sya sa lalaking 'yon? Isang insulto 'yon para kay Ace Craige.
Huminto kami sa room 321. Nakasarado na ang pinto kaya alam kong nag-uumpisa na ang klase nila.
"Ok na ako,"
Sandali akong inusisa ni Ace na parang sinusuri ang bawat anggulo ng mukha ko. Nagpakawala ito ng buntong-hininga.
"You are driving me insane," Inis na ginulo nya ang buhok nya at ako naman ay walang magawa kundi ang pagmasdan sya.
Minsan talaga, hindi ko sya maintindihan--- Or should I say, madalas na malabo sya at hindi maipinta.
"Malelate ka na,"
"Zein, is it ok if I'll shift t-"
"Ace!"
"All right! Just kidding, Darling." Nagulat ako nang yakapin nya ako. "It is just that I am afraid. Natatakot akong malayo sa'yo. Minsan pa naman ay padalos-dalos ka." Wika nito.
Inis na tinulak ko sya palayo sa akin. Humalakhak ito. "Well, see you later." Wika nito.
Nang mawala na sya sa paningin ko ay kumatok na ako. Hindi naman ako napagalitan dahil first day pa lang naman kaya nagpakilala na lang ako sa harap bago umupo sa tabi ni Vanessa.
"Bakit ngayon ka lang?" She asked.
"Because we are late." Walang ganang sagot ko bago kumuha ng note at nagsulat.
"May ginawa kayo ni Ace?"
Napaisip naman ako.
"Oo, kumain kami." Sagot ko.
"Anong kinain nyo?"
Hindi na ako sumagot dahil alam kong wala namang patutunguan ang usapan na ito. Kung ano man ang iniisip nya ay hindi 'yon totoo. Alam kong marumi ang isip ng babaeng 'to e.
"Anong course ni Jerome?" Tanong ko.
"Civil Engineer... Katulad ni Dave."
Tumango na lang ako. "Si Matt naman ay BM din katulad ni Ace." Wika ko naman.
Si Mia naman ay nasa America para doon mag-aral. Ayaw nya dahil malalayo sya sa amin pero wala naman syang nagawa. Kinumbinsi naman sya ni Dave at 'yon... Kahit labag sa kaloohan nya ay sumama sya sa parents nya paalis.
After a few subjects ay break time na. Nagpaalam naman si Vanessa na pupuntahan si Jerome at since maraming cafeteria rito ay baka hindi na kami magkasabay-sabay.
Iginala ko ang mata ko at agad na nakuha ng atensyon ko ang isang lalaking nakapoker face habang kinukulit ng isang babae.
Naningkit ang mata ko at agad na lumapit sa kanila. "May problema ba?" Tanong ko.
Mabilis naman na lumapit sa akin si Ace at hinawakan ang kamay ko. Tinaasan ko ng kilay ang babaeng nakanguso habang nakatingin sa kamay naming magkahawak ni Ace.
Ngumisi ako at ipinulupot ang aking braso sa braso ni Ace. "Anong kailangan mo sa boyfriend ko?" Tanong ko.
Hindi ko alam pero nakita ko ang pasimpleng pag-irap nito nang banggitin ko 'yon and swear, nagpipigil lang ako ng inis na upakan ang nilalang na ito.
"Nevermind,"
Tinalikuran kami nito at naglakad na palayo. Lumobo ang pisngi ko at tinaasan ng kilay si Supremo.
"Pinipilit nya akong sumali sa Dance Club."
"Gusto mo naman?" Inis na tanong ko.
"Hin-"
"Eh bakit hindi mo isinigaw sa kanya na ayaw mo?"
Inakbayan nya ako. "Huwag ka ngang magselos. Tara na, gutom na ako." Aya niya.
Hindi na ako nag-inarte dahil alam kong hindi ko basta-basta ipagpapalit ni Supremo sa isang 'yon. Eww lang. Parang pinagpalit nga na rin ang isang ginto sa isang putik and yes, ako ang ginto.
"How's it?" Ace suddenly asked.
Natigilan ako sa pagsubo para sumagot. "Nothing special." Maikling sagot ko bago pinagpatuloy ang pagkain.
Malaki ang University na ito kaya maraming estudyante. Katulad na lang ngayon na occupied na lahat ng seats.
"Because I was not there,"
Tinaasan ko sya ng kilay ngunit sinuklian nya lang ito ng ngisi." Wasn't it?" Tanong pa nito.
I just shrugged. This man is really full of himself. Well, a part of it was indeed right. I can't see anything special when we are not together. Err--- Is it bad? I hope not.
"Can I?"
Napatingin kami kay President Cedric na nakangisi habang may hawak na tray kung saan nakalagay ang mga pagkain nya. May isang upuan pa pala sa gilid namin.
"No---"
"Sure," Putol ko kay Ace na nginusuan lang ako.
Hinila nya ang upuan ko palapit sa kanya leaving a wide space between Cedric and I.
"I don't eat people," Natatawang wika nito kay Ace.
"I know, but I do."
Natigilan si Cedric at kumunot ang kilay. Pasimple ko namang siniko si Ace dahil nagiging harsh na sya at ayoko namang bago pa lang kami ay may kaaway na agad at isa pang President ng Student Council.
"Fatty foods huh?" Puna ni Cedric sa pagkain ni Supremo.
Hindi na lang ako kumibo dahil alam kong ayaw sa lahat ni Ace ay 'yong pinapakialaman sya and this guys just--- UGH! Ginawa ko na lahat para hindi magkagulo pero sa tingin ko ay itong estranghero na rin ang naghahanap ng ikapapahamak nya.
Wrong move, Cedric.
"I am not a goat unlike you, dude."
"I am not a goa-"
"Then, a cow? Sorry, my mistake."
"Ace!" Hinawakan ko na ang braso ni Ace na hindi man lang aware na sasabog na sa galit ang lalaking kaharap namin.
Itinapat ni Supremo ang kutsara nyang may pagkain sa bibig ko. "Darling..." Mabilis na sinubo ko ito nang matigil na sya.
Narinig ko ang mahinang pagtikhim ni Cedric kaya napatingin kami sa kanya--- Ako lang pala.
"So, you are?"
"Zein and this is Ace---"
"Her boyfriend." Dugtong ni Supremo na inakbayan pa ako.
Napatango naman si Cedric. Napansin ko na hindi na nya nagalaw ang pagkain nya. Malamang na nawalan sya ng gana matapos ang pagpapalitan nila ng sagutan ni Ace.
"Zein? Nice name. Suits you, babe."
Uh oh.
"Are you stupid as fuck? Haven't you heard her name? It's not a babe and don't call her that way..." May halong diing pagbabanta ni Ace. "I am Ace but when you try to interfere us, you can call me Devil and I'll give you hell." Tumayo na si Supremo at hinila ako palayo roon.
I guess, hindi magiging madali ang pag-aaral namin sa school na ito not because of the professors but the students like us. Numero uno na ang Cedric na 'yon. Hindi ko masisisi si Supremo kapag naglabas na sya ng kutsilyo.
Pero kung ikukumpara ang sitwasyon namin ngayon sa sitwasyon namin dati ay walang-wala ito. We will survive this.
Hapon na ngunit wala pa rin si Supremo. Ang sabi nya ay magkikita kami sa waiting shed ngunit wala pa rin sya. Ako na lang ang narito at halos papakin na ako ng lamok.
"Ate..." Napatingin ako sa batang nasa harap ko.
"Ano 'yon?"
"Pinapasabi ng lalaki umuwi na raw ang boyfriend mo."
Kumunot ang noo ko sa tinuran nya. Hindi ako basta-basta iiwan ni Supremo at hindi 'yon aalis ng wala ako. Kilala ko ang lalaking 'yon pero bakit?
Ni hindi man lang sya nagtext.
"Sinong nagsabi?" Tanong ko sa bata.
Tinuro nya ang isang lalaking nakacap. Napansin nya atang nakatingin kami sa kanya kaya mabilis syang sumakay sa kotse nya at pinaharurot ito.
Weird.
***
Ace's Point of View
Nakakainis na late na kaming nadismissed ng prof namin. Naghihintay si Zein. Halos takbuhin ko na ang daan patungo sa waiting shed.
Alam kong naghihintay pa rin 'yon dahil pinangako kong sabay kaming laging uuwi. Kapag nauna sya ay maghihintay sya sa waiting shed at kapag ako naman ay doon din.
Kanina pa ang uwian nila dahil nagtext sya sa akin.
Kumunot ang noo ko nang mapansin na walang tao ron. Imposibleng umalis na 'yon dahil sinabi kong hintayin nya ako.
Napagpasyahan kong maghintay ng ilang minuto baka sakaling may dinaanan lang o bumili pero lumipas ang kalahating oras ay wala pa rin sya kaya napagpasyahan kong tawagan na ito.
Napakagat ako sa aking labi nang hindi nya ito sagutin. Ilang beses ko syang tinawagan ngunit walang sagot.
Damn it! Pinag-aalala nya ako.
Mabilis na tumakbo ako sa parking lot para kunin ang kotse ko. Baka naman nauna na sya at nainip dahil ang tagal ko pero kilala ko si Zein. Hindi nya gagawin 'yon.
Habang nagdadrive ako ay hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-anong posibilidad. Mga posibilidad na mas nagpapadagdag sa kabang naearamdaman ko.
Mariing pinilig ko ang aking ulo.
Tinakbo ko na lang ang hagdan at hindi na nag-abalang mag-elevator. Hingal na hingal ako nang dumating sa condo namin.
Nakabukas na ang mga ilaw. Andito na sya? Mabilis na pumunta ako sa kusina at nadatnan kong nagluluto na si Zein.
Napahinga naman ako ng maluwag.
"Sinabi kong hintayin mo ako!" Mejo iritang wika ko na ikinagulat nya dahil 'di nya napansin ang pagdating ko. Humarap ito sa akin na nakakunot ang kilay. "We have an agreement!" May diing dugtong ko pa.
Tinaasan nya ako ng kilay at pinamewangan. Hawak-hawak nya pa ang sandok sa kanang kamay nya.
"Anong pinagsasabi mo?! Ikaw nga itong pinasabing umuwi ka na eh!" Gigil na sigaw nya. "Kanina pa ako naghihintay! Saan ka galing?!" Tanong nya pa.
Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang syang niyakap. Siguro dahil sobrang nag-alala ako na wala akong dinatnan at hindi nya pa sinagot ang tawag ko.
Nanginig ang kamay kong napansin kong nakakuyom na.
Sinong nagsabing umuwi na ako? Damn it! Ano na naman 'to?
"S-Supremo..."
"I love you, Zein."
-
-
-
TO BE CONTINUE.....

hell univirsity chasing hell season 2Where stories live. Discover now