39

3.4K 124 0
                                    

🔥🔥🔥Chasing Hell🔥🔥🔥
Chapter 39: The Revelation (Part 2)
Zein's Point of View
Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi awa. Nawala lahat ng hinanakit sa akin dahil sa mga sinabi ni Ate Allison. Naaawa ako sa kanila ni Raze.
Kahit na nagawang pagbuhatan ng kamay ni Raze si Ate Allison ay hindi ko magawang magalit. Naiintindihan ko at alam kong ganon din si Ate. Niloko nila si Raz---Lux. Ngunit naaawa rin ako kay Ate Allison.
Pagmamahal... Gaano ka ba kahiwaga at nagagawa mo ang mga ganito?
"Z-Zein..." Tinangka akong yakapin ni Ace ngunit pinigilan ko sya.
Umiling ako. Kahit na malabo na ang mata ko ay nakita ko pa rin ang pagpatak ng luha sa kanyang mata.
"Naaawa ka ba sa akin, Ace?"
Kumunot ang noo nito. Naguguluhan ito sa sinabi ko.
"W-What?"
"K-Kanino, Ace? Sino ang minahal mo?" Tanong ko. Nanginig ang buo kong katawan nang isa-isang mabuo ang mga ideya sa aking isipan. "Si Ate Samantha o Ate Allison?" dugtong ko.
Hindi ko maiwasang magduda. Hindi ko alam kung mas masasaktan ba ako 'pag nalaman kong si Ate Allison 'yon.
"A-Alas?" Napatakip ako sa aking bibig nang makitang nakatayo si Raze sa gilid ni Ace. "M-May itinatago ka rin ba sa akin?" Tanong nya.
Oh.My.Ghad!
Hindi ko na ata kaya ang mga susunod pang mangyayari. Hindi na kakayanin ng puso ko... Namin. Masyado na kaming wasak at hindi ko alam kung mabubuo pa kaming muli.
Bumalin sa akin ng tingin si Ace.
"Zein, mahal kita. Hindi ko 'yon kailangang ipaliwanag kasi mahal kita at 'yon lang ang mahalaga." Sagot nito sa akin na hindi pinansin si Raze. "Darling, I love you. 'Yon lang ang nais kong malaman mo." Napaupo na lang ako sa sahig.
God! Bakit ko ba pinagdududahan ang pagmamahal nya sa akin? Alam kong totoo ang lahat. Naramdaman ko 'yon at patuloy nyang pinapadama sa akin.
Ganon magmahal ang isang Ace Craige. 'Pagmahal ka nya, mahal ka nya. Hindi nya kailangang ipaliwanag kung gaano dahil ipaparamdam nya ito sa'yo. Wala syang panahon para ipaliwanag sa iba ang nararamdaman nya dahil ang importante sa kanya ay alam nya ang totoo.
He's innocent in a sexy way...
He's a devil...
He's Ace Craige and I love him... Damn... So... Much.
Mahinang tumawa si Raze. "Kakayanin ko pa ang mga sinabi ni Allison ngunit parang bibigay na ata ako 'pag may sinabi ka rin, Alas." Natatawa nyang sambit.
Luxury Valdez... Raze Silvenia.
"Kuya, patawarin mo ako."
"Tangina, Alas! Pinapatawad na kita kaya pakiusap, ilabas mo na ako."
Napangiti ako nang makitang niyakap ni Ace ang kanyang kuya. Nanginig ang kawatan ni Ace at sa unang pagkakataon... Sa tagal ng nakasama ko si Ace. Ngayon ko lang sya narinig na humikbi.
Nasasaktan ako...
Napatingin ako kay Ate Allison na tulala na lang. Nakatingin ito sa magkapatid na wala man lang reaksyon. Hindi ko alam kung ano na ang iniisip nya at kung ano na ang gagawin nya.
Ngunit, isa lang ang sigurado ako. Tapos na sya... Nailabas na nya lahat ng sikreto. She's done with hell. Hell is finally stopped chasing her... I'm proud of you.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hindi ata ako napansin nito dahil diretso pa rin ang kanyang tingin.
Umupo ako sa tabi nya at niyakap ito.
"A-Ate... Tapos na. Makakapagpahinga ka na. Malaya ka na." bulong ko. "Magpahinga ka na muna." Ipinatong ko ang kanyang ulo sa aking balikat.
Hinaplos ko ang kanyang buhok habang patuloy ang pagtulo ng luha sa aking mata.
Pumayag ako sa kagustuhan nila para dito. Nakipagkasundo ako kina Hanz at Winzy para sa mga sandaling ito.
Noon pa man ay napansin ko na. Hindi kumpleto ang ngiti ni Ate, naramdaman ko 'yon. Limitado ang mga salita nya. Nag-iingat sya sa mga binibitawan nya kasi baka may masabi syang hindi maganda. Nilimitahan nya ang sarili nya at ikinulong ang sarili sa madilim na lugar.
Sinarili nya lahat ng nalalaman nya at alam ko kung gaano kahirap 'yon. Hindi ko alam kung gaano sya kalakas para magawa 'yon kaya hindi ko maiwasang mamangha sa taglay nyang lakas ng emosyon. Hindi ko alam kung saan nya nahuhugot 'yon.
Napatingin ako kina Hanz at Winzy. Sa unang pagkakataon matapos kong makilala si Hanz.... Nakita ko syang ngumiti habang nakatingin kay Ate Allison.
Nagtagumpay kami. Unti-unti na kaming nakakalaya sa tanikala ng nakaraan.
"Kuya, may kasalanan ako sa'yo." Muling nabalin kina Raze at Ace ang aming atensyon.
Nakayakap pa rin sila sa isa't-isa...
"Sshhh. Pinapatawad na kita, Alas. Kapatid ko, pinapatawad na ki---" Itinulak ni Ace si Raze palayo sa kanya.
"Alam mo bang minahal ko rin si Samantha?"
Imbes na magalit ay humalakhak si Raze. Habang tumatawa sya ay isa-isang pumapatak ang luha sa kanyang mata. Namumungay na ang mata nya. Pagodnasya.
"Sa tingin mo tanga ako para hindi mahalata 'yon?"
Natigilan si Ace sa sinabi ng kanyang kapatid. Halata sa kanya ang labis na pagkagulat.
"A-Alam mo?"
Tumango si Raze. Nanlamig ang buo kong katawan nang matumba si Raze. Tinangka syang tulungan ni Ace ngunit hinawi lang 'yon ni Raze. Tumayo itong muli.
Shit... Bakit? Bakit parang may iba pang nararamdaman si Raze?
"T-Tinangka ko syang kunin sa'yo, kuya."
"Alam mo bang nagparaya ako, Ace?" Natutop si Ace sa sinabi ni Raze. "Nung naramdaman kong iba ang nararamdaman mo sa kanya. Tinangka kong lumayo. K-Kasi gusto kong mapunta sa'yo ang atensyon nya." bulong nito.
Raze. Grabe... Grabe na ang sakripisyo nya para kay Ace. Tunay na maipagmamalaki ang lalaking 'to.
"G-Ganon?" Natawa si Ace. Sinipa nito ang lumang vase na lumikha nang nakakabinging ingay. "Habang nagpaparaya ka, tinatraydor kita. Tangina." Mura nito bago muling sinipa ang malapit sa kanyang lamesa.
Nakatingin lang ako sa kanya. Gusto ko syang pigilan at patahanin ngunit alam kong ito ang mas ikakabuti nya. Kailangan nyang mailabas ang mga sama ng loob nya. Kailangan nyang makahinga mula sa pagkakagapos.
"Kapatid kita, Alas. Mahal kita higit sa kaya kong ibigay sa iba."
Sumikip ang dibdib ko sa mga katagang 'yon. Pinapatunayan lang ni Raze na mas matimbang ang kadugo kesa sa ibang tao. Iba ang pagmamahal na naibibigay ng pamilya.
Pamilya. Sila ang tatanggap sa'yo kahit na anong mangyari. Sila ang iintindi sayo kahit na maging ang sarili mo ay hindi mo maintindihan. Sila ang hahawak sa patalim ng kutsilyo para maprotektahan ka lang. Talikuran ka na ng lahat ngunit mananatili sila sa iyong tabi. Handa kang yakapin 'pag pagod ka na.
Alam kong lilipas din ang galit ni Mommy kay Ate Allison. Mahina si mommy pag dating sa amin. Natawa nga ako nung tinanong nya sa akin kung may pera pa ba ang bank account ni Ate Allison. Nag-aalala pa rin sya kay ate.
"Pero bakit mo ako iniwan, Kuya?" Tanong ni Ace. "Nagplano kayong tumakas nang hindi ako sinasabihan." bulong ni Ace.
Bakas na ang pagod sa kanilang mga mata. Maging ako ay pagod na. Gusto ko ng magpahinga. Masyado ng maraming nangyari.
"Kasi, hindi naman ako aalis e. Sila lang ang itatakas ko, Ace. Kahit na anong mangyari ay babalikan kita. Hindi kita kayang iwan, kapatid ko."
"Whoa. Ibang klase." Sarkastikong sambit ni Ace. "Habang inaalala mo ako, isinuplong na kita." Sumikip ang paghinga ko dahil sasabihin na ni Ace ang kanyang itinatagong lihim.
"A-Alas?"
"Dahil sa akin, namatay si Samantha." Matabang na sambit nito. "Akala ko kasi iiwan nyo ako kaya isinumbong ko kayo kina Tito Francis." sambit pa nito.
Napansadal sa ding-ding si Raze. Napahawak ito sa kanyang ulo na animo'y hirap na hirap na. Shit. Anong nangyayari sa kanya?
"Mahal pa rin kita..."
"Nalaman nila ang plano nyo kasi ako ang nagsumbong. Isinuplong kita kaya ka nila nasundan nung gabing 'yon at kaya napatay si Samantha..."
"Mahal pa rin kita, kapatid ko."
Tuluyan nang hindi nakapagsalita si Ace.
May isang pagkakamali ang nagawa ni Ace at alam kong alam na nya 'yon ngayon. Nagkamali sya sa pagkilala sa kanyang kapatid. Minaliit nya ang pagmamahal sa kanya ni Raze. Hindi nya inakalang mamahalin pa rin sya ng kapatid nya sa kabila ng lahat.
Napatayo si Ate Allison nang makita si Raze.
Maging ako ay napako sa aking kinauupuan.
Dumudugo ang isang mata ni Raze...
Ngumiti ito sa amin at isa-isang kaming tinignan.
"T-Tapos na ba kayo? Kasi kung tapos na... Gusto ko ng magpahinga. I'm fucking tired." Napatakip ako sa aking bibig nang mapaluhod ito.
"Lux. Anong nangyayari sa'yo?"
"I'm just tired. Magpapahinga na ako ah?"
"Raze!"
-
-
-
TO BE CONTINUE.

hell univirsity chasing hell season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon