12

4.1K 134 9
                                    

🔥🔥🔥Chasing Hell🔥🔥🔥
Chapter 12: Allison
Allison's Point of View
Tumango ako sa doctor bago ito lumabas ng kwarto. Tumingin ako kay Zein na nakaupo sa kama at may benda ang sugat sa kaliwang braso na natatakpan ng puting tela. Tulala ito sa bintana.
Kinagat ko ang labi ko. Naiinis ako sa sarili ko. Lumabas ako sandali para magpahangin. Pinagmasdan ko ang mga bulaklak sa garden nitong hospital but I just can't appreciate it.
"Kamusta na sya?"
Tumingin ako kay Jazz. Pinilig ko ang ulo ko. Ramdam ko pa rin ang lakas ng pintig ng puso ko. Nang marinig ko ang pagsabog at pagkabasag ng mga salamin, parang nawala ako sa sarili ko. Nagdilim ang lahat sa akin.
"Mukhang mababawasan pa ata ang ipon mo." Natatawang wika nya. "Malaki-laking halaga ang napinsala ng kapati--"
"At sa tingin mo may pakialam ako doon?" Bumigat ang paghinga ko na ikinatahimik nya. "Sa tingin mo hindi ko kayang gastusin lahat ng perang pinaghirapan ko para sa kapatid ko? Iniisip mo ba na mas importante ang pera kesa sa kapatid ko?"
"No.. That's not what I mean. Sorry."
Pinihit ko ang paa ko para umalis na doon. "Kapatid ko ang pinag-uusapan dito. Kadugo ko. Mahal ko. Wala akong pakialam sa mga material na bagay dahil kapag buhay ng kapatid ko ang nanginib... maglalaho ang lahat ng pangarap ko." Nanginig ang boses ko kaya minabuti ko ng bumalik sa loob.
Kasalanan ko ang lahat, alam ko. Hindi ko dapat sya binigla. Hindi ko sana sya nilagay sa panganib. Tangina! Gusto kong murahin ang sarili ko. Nakakainis! Dahil sa akin muntik ng mapahamak ang kapatid ko.
Naabutan kong ganon pa rin ang posisyon nya. Tulalang nakaharap sa bintana. Hindi ko alam kung anong iniisip nya. Galit kaya sya? Maiintindihan ko.
"Z-Zein..." Umupo ako sa tabi nya ay niyakap ang kanyang likod. "Sorry... Sissy, I am so sorry." Bulong ko.
Naramdaman kong hinaplos nya ang kamay ko at parang nawala lahat ng hinanakit ko sa aking sarili dahil doon. Oh God! I love my sister that much.
"Wala 'yon."
Humarap sya sa akin na nakangiti. Hinawakan nya ang pisngi kong hindi ko naramdamang basa ba. Pinunasan nya ang luhang dumaan roon nang nakangiti.
"You are crying... I thought big girls don't cry."
Napangiti ako nang maalala na sinabi ko sa kanya 'yon. Ayokong nakikita syang umiiyak. Ayoko sa mahinang tao at ayokong maging ganoon ang kapatid ko. Pero mukhang ako ngayon ang naging mahina.
"H-Hindi mo ito sasabihin kay Ace."
"Nasabi ko na."
Napailing na lang ito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina kaya natawagan ko ang lalaking 'yon. Dinig na dinig ko ang pagbigat ng hininga nya sa kabilang linya nang sinabi ko sa kanya ang nangyari. He cares too much for my sister. Ngayon, mukhang naiintindihan ko na kung bakit nahulog ang isang Zein Shion sa isang Ace Craige.
Napangiti ako.
Nagulat kami nang pabagsak na bumukas ang pinto at iniluwal nito si Ace na kagat-kagat ang labi.
Tumikhim ako at lumabas.
***
Zein's Point of View
Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin kay Ace na nanatiling nakatayo sa pinto. Mariin ang pagkakakagat nya sa kanyang labi at kitang-kita ang labis na pag-aalala sa kanyang mapupungay na mata.
Lumapit sya sa akin. "You are hurt." Bulong nya kasabay ng pagbalot nya sa akin.
Napangiti na lang ako nang marinig ang malulutong nyang mura. Marami syang sinasabi pero parang nabingi na ako sa lakas ng pintig ng puso ko. All I can hear is my pounding heart and the scream of love.
"Nasaktan ka. Wala ko sa tabi mo." Kumawala ito at tumayo. Naghahabol ito ng hininga at alam kong nagpipigil sya ng galit. "Tangina!" Sinipa nya ang maliit na lamesa na ikinapikit ko.
Lumikha 'yon nang nakakabinging ingay at alam kong nasira 'yon. Bumukas ang pinto at iniluwal nito ang isang nurse na nag-alanganin pa kung papasok.
Nanatiling nakatayo si Ace sa gilid ko habang hinahayaang i-check ng nurse ang sugat ko. Dinig na dinig ko pa rin ang mahihinang mura ni Ace.
"P-Pwede ka ng makauwi mamaya kung gusto mo since maliit na sugat na lang ang natamo mo."
Kinuha nito ang alluminum na tray at lumabas. Halos takbuhin nito ang daan palabas na ikinangiti ko. Nakakatakot naman kasi ang presensya ni Ace na tikom ang bibig.
"Does it still hurts?" Umupo sya sa tabi ko. Mas kalmado na sya ngayon habang nakatingin sa sugat na natamo ko. "Just tell me, darling. I'll bring you the best doctor." Bulong nito.
Umiling na lang ako. Bumuntong-hininga ito at hinawakan ang pisngi ko. Kinagat ko ang labi ko nang maramdaman ang malakas na boltahe ng kuryente na dumaloy doon kaya mabilis na iniwasan ko ang kamay nya. Damn!
"You mad?" Tanong nya. "Darling, I am sorry." Bulong nito.
Lumunok ako. Naalala ko ang naging usapan namin nung isang gabi. Aaminin ko, nagselos ako pero hindi ako galit. Hindi ko sya maaring pigilan sa mga bagay. Hindi ko sya pag-aari.
"You are really mad... I understand."
Tumingin ako sa kanya at sinabayan ang malalim nyang titig. Hinang-hina ang kanyang mata. Pumupungay ang mga 'yon at halatang kulang sa tulog.
"I'm not mad, juts jealous." Sambit ko. 'Yon ang katotohanan. Wala akong karapatang magalit pero may karapatan akong magselos. Boyfriend ko sya, girlfriend nya ako. I have the right.
Hindi ako mababaw na tao. Hanggat kaya ko, iintindihin ko ang lalaking katabi ko. Kahit na dumating ang araw na mawala man ang pagtingin nya sa akin, hindi ako magagalit.
Nangunot ang noo ko nang makita ang kotse ni Ace. Mabilis na iniliko nya ang daan namin at nilagpasan ang kanyang kotse na ikinakunot ng noo ko.
"That's your car..."
Umiling ito pero hindi nakatingin sa akin. "Hindi ko 'yon kotse." Maikling sagot nito bago sinenyas ang cellphone nya dahil may tatawagan ito.
Muli kong sinulyapan ang kotse. Hindi ako maaaring magkamali. Kotse 'yon ni Ace pero bakit ganon? Puno ng tama ng baril? Sino ang may gawa no'n?
Tumingin ako kay Ace na seryosong nakikipag-usap sa kanyang cellphone. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila dahil malayo sya sa akin. Kitang-kita ko pa rin ang mabigat na paghinga ni Ace. Parang pagod na pagod ito.
Nakangiting bumalik sya sa akin. Muli nyang sinulyapan ang mga sugat ko. "I'll talk to your sister later." Wika nito.
"No... baka may sabihin na naman syang hindi maganda sa'yo."
Natatakot akong baka ano na naman ang sabihin nya. Ayaw nya kay Ace kaya alam kong gagawin nya ang lahat para magkalabo kami. Naiintindihan ko sya, pinoprotektahan nya lang ako sa mga maaaring makapanakit sa akin at si Ace ang pinaka makakapanakit sa akin kung sakali.
Matagal ko nang tinanggap 'yon. Maaari akong masaktan sa pag-ibig na ito. 'Yon ang unang-una kong tinaggap at itinatak sa aking isipan bago ko sya minahal.
"Kahit na anong paninira ang gawin nila. Hindi nila tayo masisira. I'll fight for you, I'll fight for this love."
"No... We'll fight for us." Pagtatama ko.
Hindi lang sya ang lalaban. Kasama ako sa laban na ito
Maya-maya ay may dumating na kotse sinakay ako ni Ace sa likod kasama sya habang may lalaking nagdadrive para sa amin.
Muli kong sinulyapan ang kotse ni Ace pero tinakpan nya ang mata ko. "Look at me..." Iniharap nya ako sa kanya. "All you have to do is to trust me... Hindi kita pababayaan." Bulong nito.
Nakita ko ang pasimpleng pagngiti ng driver. "Ikaw pala si Zein." Wika nito.
Mejo may katandaan na rin ito pero hindi pa ganon.
"Yes, Sebastian. She's Zein Shion."
"It's a pleasure to meet you, Miss Zein."
Pagkarating namin sa bahay ay agad na dumiretso kami sa kwarto ko. Pumasok din si mommy na naiiyak kaya lumabas na muna si Ace.
***
Ace's Point of View
Naabutan ko si Allison na nakaupo sa sofa. Gaya ko ay mukhang gusto nya rin akong makausap. Pumunta kami sa likod ng bahay nila kung saan may swimming pool.
Hindi kami nakatingin sa isa't-isa na animo'y tinitimbang kung sino dapat ang unang magsalita.
Umihip ang malamig na hangin. Naalala ko na naman ang mga sugat ni Zein kaya kinalma ko ang sarili ko. Alam kong si Allison ang may gawa no'n kaya nakakaramdam din ako ng galit sa kanya. Binigla nya si Zein at pinasok sa isang sitwasyon kung saan walang kahit na anong ideya ito. Ipinahamak nya ang mahal ko.
Kahit na sabihin natin na gusto nya lang matuto si Zein kung paano ipagtanggol ang sarili pero muntik na nya itong ipahamak.
"I won't say sorry... Ginawa ko lang 'yon dahi nag-aalala ako kay Zein."
"Pero ipinahamak mo sya."
Kinain kami ng katahimikan. "Don't be a saint here. Alam ko ang sikreto mo at alam kong alam mo na kung sino ang nasa likod ng lahat nang nangyayari sa inyo." Madiin nyang wika na ikinahalakhak ko.
Magaling talaga sya. Bago ko pa malaman ay alam na nya. No wonder. Isa siya sa pinaka magaling sa bagay na ito.
"Layuan mo si Zein, ipapahamak mo lang sya."
"Nah, sorry. Hindi ako sumusunod sa kahit na anong utos maliban na lang kung galing sa aking reyna."
I am her knight and she is my queen. I only follow order from Zein.
"I am her sister and definitely, I will also do anything to protect her... even if I kill you."
"You are playing saint here..." Humalakhak ako. "Why so protected to your sister?" Tanong ko.
Kumunot ang noo nito. "Dahil kapatid ko sya." May diing sagot nito.
Muli akong napahalakhak. Alam ko ang sikreto mo. Sikreto na iilan lang ang nakakaalam.
"You are just guilty."
"W-What?"
Tumalikod na ako. Ayoko nang magsalita dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kumuyom ang kamao ko habang iniisip kung anong mararamdaman ni Zein kapag nalaman nya ang totoo.
Labis ang paghanga nya sa kanyang kapatid at kahit na ayokong masira 'yon, hindi ko mapipigilan ang paglabas ng katotohanan. Mga katotohanang patalim na sasaksak sa mga taong kasama sa laban na ito.
"Samantha..."
-
-
-
TO BE CONTINUE..

hell univirsity chasing hell season 2Where stories live. Discover now