9

4.7K 156 3
                                    

🔥🔥🔥Chasing Hell🔥🔥🔥
Chapter 9: Deal
Zein's Point of View
Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis kay Ate Allison dahil sa mga sinabi nya. I get it, hindi nya gusto si Ace but it doesn't mean na may karapatan na syang siraan ito. Kung ayaw nya sa boyfriend ko, why not just shut up lalo na kung wala rin namang kwenta ang lalabas sa bibig nya.
Hawak-hawak ko ang cellphone ko habang papunta sa kusina. Nagpalinga-linga muna ako para kumpirmahing wala sa paligid si Ate Allison. Hanggat maari ay iiwasan ko na lang sya. Nagpatuloy ako sa paglalakad at dumiretso sa kusina kung saan si Tita Mira lang ang naroon. Matagal na namin syang kasambahay.
"Oh, Zein? May gusto ka ba?"
Umiling ako at kumuha ng gatas sa ref at nagsalin sa baso. "Umalis ho ba si Ate?" I asked habang nagsasalin ng gatas.
I gulped my milk. Umupo ako sa high chair at binigyan ng tingin si Tita Mira. "Sinong ate?" Tanong nya na ikinakunot ng noo ko.
"Si Ate Allison ho, may iba pa ba akong ate?" natatawang tanong ko na bahagya nyang ikinabahala.
"A-Ah? Oo-Hindi, baka nasa labas lang." Mabilis na tumalikod sya sa akin at binalik sa ginagawa nya ang atensyon.
Nilagay ko sa sink ang baso ko at kumuha ng apple sa lamesa nang magvibrate ang phone ko na inilapag ko sa lamesa. Halos matapilok ako para takbuhin ito.
Parang tumalon ang puso ko nang makita ang message nya sa akin.
"Can't stop thinking of you."
Napakagat ako sa mansanas na hawak ko nang mabasa ito. Shit! Isang message nya lang ay parang tanga na ako. Mariin kong ipinikit ang mata ko para pakalamahin ang nagwawala kong lamang loob.
Mabilis na nagreply ako sa kanya habang kagat-kagat ang mansanas. Nanginginig pa ang kamay ko na animo'y isang artista si Ace na nagreply sa akin na fan na fan nya. Damn it!
"Umayos ka... No night out, please." I replied.
Hindi naman mahilig gumala si Ace tuwing tabi at mas pinipili nyang manatili sa loob ng condo namin kasama ako pero kasama nya ang kuya nya. Raze is an ass at alam kong walang mabuting maidudulot 'yon kay Ace.
Naramdaman kong may dumaan sa gilid ko kaya minabuti ko na lang na ituon ang atensyon ko sa cellphone na hawak ko. It was Ate. Malamang na kumuha rin sya ng gatas.
"Umalis na sila mom at dad, Tita?" Dinig kong tanong nya.
"Oo, kanina pa." Nakita kong pinunasan ni Tita Mira ang kamay nya bago hinarap si Ate. "Maiwan ko na muna kayo. Mamamalengke ako, ubos na stock." Paalam nito.
What?! Kami ni Ate Allison? GHAD! Ayoko nga syang makasama tapos ngayon maiiwan kaming dalawa? Parang ang awkward non or ako lang ang nakakaramdam nito? Damn, Zein.
"Uh? Tita, is it ok kung kami na lang ni Zein ang mamalengke?"
Napatingin ako kay Ate na nakatingin sa baso ng gatas ang kanyang mata. Gusto kong magpumiglas sa sinabi nya. Alam naman nya sigurong iniiwasan ko sya, 'di ba? Bakit nya pa gagawin ito? UGH!
"Ok lang ba sa'yo, sissy?" Napapikit ako nang mariin nang marinig kong tinawag nya ang tawag nya sa akin dati.
Tell me... how can I say no? UGH!
"Ako na ang magdadrive." Suhestyon ko dahil ayokong magdrive si Ate Allison.
She's a reckless driver! Damn! Papatayin nya ang mga kasama nya sa sobrang tulin ng pagpapatakbo nya! Wala syang pakialam sa mga alituntunin. Red light is still go for her! There's no limit for the speed. Overtaking even the signs says no. Allison Shion, the hell driver.
"Gagamitin ba nating kotse ang kay Mom?" Tanong ko nang makitang hindi ginamit ni Mommy ang kanyang kotse na nakagarahe lang. Malamang na ginamit lang nila ang kay Dad na malimit nilang ginagawa.
Umiling si Ate Allison kasabay ng pagkawala ng ngisi sa kanyang labi and I am telling you... It's not good.
"WHAT?!" halos malaglag ang panga ko nang makita ang gagamitin namin. "No way..." Umiling ako habang tinatapunan ng tingin ang kanyang motor na gagamitin namin.
Gusto kong maiyak sa mga pagkakataong ito dahil alam kong kahit na magmatigas ako ay sa huli... Sya pa rin ang masusunod.
"Yes, sissy." Sumakay na sya sa motor nya at binuhay ang makina. Halos mabingin ako nang pinatunog nya ito ng ubod ng lakas habang may ngisi sa kanyang labi.
OH GHAD! Ano itong napasok ko? Pwede pa rin naman siguro akong umatras? Magdahilan? Masakit ang tyan? LBM? Masakit ang ulo? Ngipin? Puso?
"No excuses my dear little sister." Humalakhak ito. Damn!
Nanginginig na umangkas ako sa likod nya. Nanginig ang katawan ko nang maramdaman ang buhay na motor nya. Kinagat ko ang labi ko habang hinahayaan syang lagyan ako ng helmet.
"How about you?" Tanong ko dahil isa lang ang helmet nya.
"My little sister's safeties first..."
Yumakap ako sa kanya nang maramdamang bahagya nyang pinaadar ang kanyang motor. Nakangising sumalubong sa amin si Tita Mira na binuksan ang gate.
"Bonding huh?" Puna nya pa na ikinahalakhak ni Ate.
Pagkalabas namin ng gate at hininto nya muna ang kanyang motor. "Hold on, sissy. This will be fun." Sigaw nya kasabay ng pagtakbo ng sinasakyan naming motor.
FUCK IT! Kahit na sobrang bilis namin ay dinig na dinig ko pa rin ang halakhak ni Ate. Maraming bumubusina sa amin dahil sa ginagawa ni Ate. Halos lahat ng sasakyan ay i-over take nya.
Nanginginig ang katawan ko nang makitang pumula na ang ilaw pero diretso pa rin sa pagpapatakbo si Ate. Mas humigpit ang kapit ko sa kanya at ipinikit na lang ang mata ko.
God, help me.
Hindi ko na muling iminulat ang mata ko at tanging mga busina at halakhak na lang ni Ate Allison ang narinig ko. Ito na talaga ang huling pagkakataon na sasakay ako sa motor nya, swear.
Pagkapark nya sa motor nya ay halos maduwal ako habang sya ay patuloy lang sa paghalakhak. Masayang-masaya talaga syang nakikitang miserable ang mga pasahero nya. Parang goal nyang lahat ng aangkas sa motor nya ay maging ganito.
Ngumuso ako. Kahit papaano ay namiss ko ang ganito. Namiss ko ang halakhak ni Ate, ang mga pang-aasar nya sa akin. It's been a long time... Ate, I miss it.
Ako ang may hawak ng listahan habang si Ate ang nagtutulak sa cart. Pumunta kami sa meat section at kumuha ng mga karneng nakalista. Napatingin ako kay Ate na nakanguso.
"This is boring..." Dinig kong bulong nya.
Napailing na lang ako. Ano ba ang hindi boring sa kanya? Ang barilan? Putukan? Mga dugo? Mga agaw-buhay na eksena? UGH! Abnormal talaga ang isang ito, bagay na bagay sila ni Raze.
"How's Raze?" Tanong ko habang kumukuha ng mga gatas na nakakahon.
Konti na lang at matatapos na kami. Nagugutom na rin ako kaya siguro, kakain na lang kami sa isangfast food chain dito sa loob ng mall.
"We're not that close, stop asking." May diing wika nito.
Natawa ako dahil bakas sa tono nya ang pagkairita. Hindi pa naging ganito si Ate sa mga lalaking umaaligid sa kanya pero sa pagkakataong ito... matatalo ata sya. Si Raze na ba? Sya na ba ang katapat ng isang Allison Shion?
"He's a jerk..." Dugtong ko.
"Yeah, and an asshole." Dugtong din nya.
Pumila na kami para magbahayad. Mejo mahaba-haba rin ang pila kaya malamang na mag-aaksaya kami ng ilang minuto rito.
"Zein, ayos ka lang?!" Alalang tanong sa akin ni Ate na ikinakunot ng noo ko.
Napatingin din sa akin ang ilang mga tao rito kaya nakaramdam ako ng hiya. Ano bang sinasabi ni Ate? Malamang na ok lang ako unless may ligaw na balang tumama sa akin nang hindi ko man lang nararamdaman.
"Masama ba ang pakiramdam mo?"
"Wha---"
"GHAD! Makakasama 'yan sa baby nyo ni Ace. Sabi pa naman ng doctor na mahina ang kapit ni baby."
OH MY GHAD! Alam ko na ang gusto nyang mangyari at gusto ko na lang maglaho sa kinatatayuan ko.
"Ay Ate, mauna na kayo sa pila oh." At marami pang nakisama kaya kami na ngayon ang nasa pinakaunang pila.
Kagat-kagat ko ang labi ko habang iniiwasan ang nag-aalalang mata ng mga tao sa paligid.
"Delikado pala ang kalagayan mo ineng. Dapat hindi ka na masyadong naglalabas." Dinig kong sabi ng matandang babaeng nasa likod ko.
Payak na ngumiti na lang ako habang sinasamaan ng tingin si Ate Allison na pilit itinatago ang kanyang ngisi.
"Ang bata mo pa para magkaanak... Hay naku, ang mga kabataan nga naman."
Nang matapos na kami ay hinila ko na si Ate palayo roon.
"What was that?!"
"The better plan... I hate boring." Nakangising sabi nya at parang gusto ko na talagang umuwi.
Mas gugustuhin ko naman ata ang boring kesa ang ganito. Mas lumala si Ate at kailangan nya ng malunasanan na tanging si Raze the jerk lang ang makakagawa.
"Saan natin ilalagay ang mga pinamili?" Tanong ko nang maalala na nakamotor kami.
May kinuha naman syang maliit na device sa kanyang bulsa at may pinindot doon. "2 minutes." Wika nya sa device na 'yon bago muli itong ibinalik sa kanyang bulsa.
"Para saan 'yon?" Tanong ko ngunit umiling lang sya.
"2 minutes." Sabi nya na ginawa naman namin.
Napasapol ako sa aking noo nang maalala na nakalimutan ko pala ang cellphone ko sa lamesa. GHAD! Baka may reply na si Ace. Bakit ko ba kasi nakalimutan? UGH! Dahil kay Ate, masyado nyang niyanig ang sistema ko na nagkalabo-labo na ang isip ko.
Wala pa mang 2 minutes ay may isang lalaking pumunta sa harap namin. Naka sun glass ito at naka blazer na itim. Binigay ni Ate ang mga pinamili namin at tinguan ang lalaking mabilis na nawala sa mata namin.
"I'm hungry..." Humawak pa ito sa kanyang tyan.
Ako na ang namili ng kakainan namin at ang napili ko ay ang isang fast food na may figurine na bubuyog na kulay pula.
"You sure? Gusto mo talaga rito?" Tanong nya. Sinabi ko na ang mga order namin sa cashier at binigyan kami ng number.
Umupo kami sa bakanteng pangdalawang upuan at ipinatong ang number na ibinigay sa amin sa lamesa.
"Sabi ko sa'yo gulay hindi ba?" Sabi niya.
Si Ate Allison ang naghikayat sa akin na mahiligan ang gulay pero marami nang nangyari. Mahilig pa rin naman ako sa gulay pero hindi ko naman maaaring itakwil ang impluwensya ng isang lalaki sa akin.
Dumating na ang order namin at tahimik kaming kumain nang magbivrate ang phone nya. Pinanuod ko syang basahin ang nagmessage sa kanya na nagpangisi rito.
"Finally, he accepted my deal." Nakangising wika nya.
"Uh?" Nalilito kong wika.
Ngumisi ito sa akin at pinunasan ng tissue ang kanyang bibig. Ramdam ko ang excitement sa aura niya. Nararamdaman ko na naman ang action but this time, ano na namang klaseng action?
"I have a deal with someone..." wika nya sa akin. "Kapag nanalo sya ay hindi ko na sisiraan ang kanyang kapatid sa'yo pero kapag ako ang nanalo... Titigilan na nya ako sa pangungulit niya." Humalakhak ito.
Kumunot ang kilay ko bago napagtanto ang kanyang sinabi. GHAD! Ano raw?
"S-Sinong ka deal mo?" Tanong ko kahit na alam ko na kung sino ang tinutukoy nya. Hawak-hawak ko ang hininga ko habang hinihintay ang kanyang sagot.
"Race deal with Raze Silvenia."
-
-
-
TO BE CONTINUE.....

hell univirsity chasing hell season 2Where stories live. Discover now