4

5.9K 181 11
                                    

🔥🔥🔥Chasing Hell🔥🔥🔥
Chapter 4: Tamed
Zein's Point of View
Hindi ko alam kung paano paamuhin ang isang lalaking kagaya ni Ace. Hindi pa sya nagtampo ng ganito sa akin. Hindi ko alam kung galit ba sya o ano pero isa lang ang alam ko--- It was all Raze the jerk's fault.
Seryosong nakatingin si Ace sa laptop nya habang ako ay nanunuod ng palabas na hindi ko maintindihan. Wala ako sa huwisyo dahil lumilipad ang aking isipan sa kung paano ba ako makakabawi.
Una, nakalimutan kong anniversary namin kahapon. Pangalawa, wala akong regalo though alam ko naman na ok lang 'yon sa kanya still gusto ko pa rin syang regaluhan and lastly yet the worst of all, nalaman nya na hinalikan ako ng kuya nya.
I am definitely doomed!
"Ace?"
"Hmmm?"
Napapikit ako nang hindi man lang nya ako nagawang tapunan ng tingin kahit na sulyap lang. I hate it! Hindi ako sanay at kailan man ay ayokong masanay. Gusto ko sa tuwing binabanggit ko ang pangalan nya ay sa akin ang tingin nya! Not on his laptop!
Damn it!
"Hindi ba pupunta ka sa company nyo?" Pagpapaalala ko.
Nanlamig ako sa hindi malamang kadahilanan matapos sabihin 'yon. Parang may mali na hindi ko mawari kung ano.
"Why? You want to see my brother?"
That's it! 'Yon ata ang mali sa sinabi ko. I shouldn't say that. Alam kong mami-misinterpret nya ang sinabi ko dahil nasa dimension pa rin sya ng pagseselos.
/>
What should I do? How to tame him?
Napapikit ako nang may idea na pumasok sa isipan ko and I guess, it was the worst idea I came up with. Alam kong hindi ko kaya at hindi ko rin alam kung anong magiging reaksyon nya but still--- I made up my mind.
Alam kong tao lang din sya--- Lalaki to be exact. Alam kong kagaya rin sya ng iba, he is weak on seduction, I guess?
Lumunok ako bago hinipo ang kanyang braso. Natigilan ito sa ginagawa nya at ako naman ay nanginig sa ginawa ko. OH.MY.GHAD! Anong ginagawa ko?
I bit my lower lip when I caressed his biceps. Shit! Sobrang init ng pakiramdam ko and I don't know why. Napamura ako nang alisin nya ang kamay ko sa braso nya.
"You don't know what will happen if I let you doing this shit." Malamig nyang tugon na ikinabagsak ng panga ko.
Tinawag nya itong shit when in fact it tooks all my guts just to do that move. Naramdaman ko ang paglagapak ng mga lamang loob ko at unti-unting nabubuhay sa akin ang inis.
Wala ba akong alindog? WTF!
Niyakap ko ang likod nya at naramdaman ko ang pagkagulat base sa reaksyon ng katawan nya. Sigurado na ako sa ginagawa ko. If it is the only way for him to forgive, Hell! I would give it.
"Darling..." tawag ko sa kanya pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya.
"You are dangerous."
"I'm sorry..."
"And I want that kind of danger, Zein."
Napakagat ako sa aking labi nang alisin nya ang pagkakalingkis ng braso ko sa katawan nya. I watched him closed his laptop and stood up.
Nanatili syang nakatayo ngunit nakatalikod sa akin. Tumingala naman ako para tignan sya.
"Magbihis ka na, pupunta tayo kay Kuya..." Saglit nya akong tinapunan ng tingin. "I know you already miss him." And he left me after that.
What the fuck!
Habang nakababad ako sa bath tub ay patuloy na umiikot sa aking isipan ang mga ideas kung paano ba ako makakabawi. Ayoko sa sitwasyon namin. Nag-iisip din ako kung paano makakaganti kay Raze.
Hindi ko alam kung paano ako nakatapos sa pagligo at ngayon ay nakadamit na. Nagsusuklay ako sa harapan ng salamin nang maalala ang cellphone ko.
Hindi pa kami nagkikita ni Cedric kaya hindi ko rin alam kung nasa kanya ba ang cellphone ko. Baka itanong ko na lang bukas.
Naghintay akong katukin ni Ace ang pinto para itanong kung ready na ako na lagi naman nyang ginagawa ngunit walang katok ang bumuhay sa loob ko.
Napabuntong-hininga ako bago tinapunan ng huling tingin ang itsura ko sa salamin. Pagkalabas ko ay nakatayo sa gilid ng pinto ng kwarto ko si Ace na halatang kanina pa naghihintay.
"You took two hours. Why?" Malamig na tanong nito.
Makikita pa rin ang lamig nya sa kanyang mata na wala man lang reaksyon. "Akala ko kasi kakatukin mo ako..." Nahihiya kong tugon.
/>
I felt uneasiness suddenly. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa harap nya. Nakakatakot ang mga titig nya.
"I didn't bother... Baka kasi nag-ayos ka ng husto para sa kanya."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya at pinanuod syang maunang maglakad. Napairap ako sa inaasta nito. Bakit sila ni Angel? Naghalikan din naman sila pero hindi ako nagalit ng ganito!
You are unfair and I hate it!
Ibinalin ko na lang sa labas ng bintana ang paningin ko nang maramdaman ang awkwardness sa pagitan namin. Kasalukuyan kaming nagbibyahe. Seryoso syang nagdadrive habang ako ay hindi magkaundagaga sa paglipat ng paningin ko.
Pakiramdam ko ay magkaka stiff neck ako. Nakakasakal ang hangin sa loob. Napagpasyahan kong sindihan ang radio ngunit mabilis nyang pinigilan ang kamay ko.
"Ayoko ng maingay."
Lumobo ang pisngi ko. Ayoko na!
"Humingi na ako ng patawad, kung hindi mo matatanggap 'yon. Wala na akong magagawa." Malamig kong tugon.
"Tsk."
Hindi na ako nagsalita pa. I did my best but I think, my best was not good enough. I love that song pero ngayon ko lang naramdaman ang lyrics na 'yon.
Hindi na ako namangha sa laki ng kompanya nila since nakapunta naman na ako rito dati. Hindi ko alam na may kompanya pala sila sa labas ng HU.
Habang nasa elevator kami ay bigla kong naalala ang tanong ko kay Ace nung isang araw. Kung bakit hindi sila magkasurname ng kuya nya.
Nalaman ko na hindi pala lumaki si Ace kasama si Mr. Valdez at Luxury. Ang pangalan ng kanilang ina ay Veronica. Masaya naman sila no'n namumuhay hanggang sa humadlang sa kanila ang pamilya ni Tita Veronica. Pinaglayo silang dalawa. Naiwan si Lux kay Mr. Valdez.
Alam no'n ni Mr. Valdez na buntis si Tita Veronica kaya ginawa nya ang lahat para makuhang muli ang mag-ina. Nanganak si Tita Veronica kay Ace at sa kagustuhan ng kanyang magulang ay sinunod nila ang apelyido nito sa kanila. Craige.
Lingid sa kanilang kaalaman na may dinaramdam na palang sakit no'n si Tita Veronica. Nalaman na lang nila nang malala na ito. At bilang huling pakiusap nito ay hiniling nyang ibigay si Ace kay Mr. Valdez na sinunod naman ng kanyang mga magulang.
Sampong taon lang si Ace nang mamatay ang kanyang ina. Labis ang pagdurusa nya higit kay Lux dahil sya ang naging kasama nito sa mahabang panahon.
Dahil sa labis na pagmamahal ni Mr. Valdez kay Tita Veronica ay hindi nya ipinalibing ito at priniserve lang ang katawan. 'Yon ang dahilan kung bakit ginusto rin ni Mr. Valdez na makuha ang formula na kayang bumuhay sa patay.
Hindi ko pa alam kung bakit napunta sila sa Hell University. Gusto ko ring malaman pero sa ngayon ay aasikasuhin ko muna kung paano kami mag-kakaayos.
Last year pala nang ipalibing na nila si Tita Veronica sa tabi ng puntod ni Mr. Valdez, sa loob ng Hell University. Nakakamangha ang taglay nitong kagandahan at hindi rin maipagkakaila ang kagwapuhan ng kanilang ama. Namana ata nila ang mapupungay na mata ni Mr. Valdez.
"Zein Shion!"
Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ang sigaw ni Ace. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala kami nakatayo sa labas ng elevator.
"S-Sorry..."
"Damn it! Akin lang isip mo! Ako lang ang dapat mong isipin! Ako lang, Zein Shion!"
Nagmadali itong nauna sa akin. Sya naman talaga ang iniisip ko ah. Ano bang problema ng mokong na 'yon at over na sya masyado.
'Pagkapasok ko sa loob ng opisina ay sinalubong ako ng yakap ni Raze. Namutla ako habang nakatingin kay Ace na nakaupo sa table ni Raze at may hawak na baril.
"I miss you, Ze---Shit!" Natigilan kami nang marinig ang pagputok ng baril at pagkabasag ng glass wall sa likod.
Napalunok ako nang makitang ngumisi ito sa amin.
"Whoa! Easy, Ace. I am just being friendly." Itinaas nito ang dalawa nyang kamay.
"You are a very sweet friend that I want to kill you. Right here, right now, Kuya."
Humalakhak si Raze sa sinabi ni Ace. Napakurap ako ng ilang beses nang sa isang iglap ay nakuha na ni Raze ang baril ni Ace. Napalunok ako. That was too fast! GHAD! Tao ba talaga ang dalawang ito?
Nag-umpisa na silang dalawa. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa na seryosong nag-uusap.
"Watta brilliant idea, Ace!" Bulalas ni Raze. "That's my bro!" Dugtong pa nito.
Nginisian naman sya ni Ace bago dumapo sa akin ang kanilang mga tingin. "What do you want to eat, Zein?" Raze asked me.
Umiling ako. "I don't want to eat knowing you are with us." Wika ko na ikinalaglag ng panga nya.
Nakita ko naman ang pasimpleng pagngisi ni Ace.
"You are too rude." Ngumuso ito. "Just like your sister."
Lumapit ako kay Ace. "Punta lang akong mall." Paalam ko.
"I'll go with you."
"No, malapit lang naman ito."
Nakita ko ang pagtutol sa kanyang mata. Napangiti ako sa loob ko. "Aalis na ako." Paalam ko.
"Samahan na kita." Ani Raze.
Hindi ko na ito pinansin. Bago ko pa masara ng tuluyan ang pinto ay narinig ko na ang mga salita ni Ace na halos magpatalon sa akin sa kilig.
"Take care, Darling."
Nagtingin ako sa mga accessories nang maaring ipanregalo kay Ace pero hindi ako makapagdecide. UGH!
Dumapo sa isang bagay ang aking tingin. Hindi naalis doon ang tingin ko at sa isang iglap ay binili ko na 'yon.
Saglit akong naglibot sa mall. Napansin ko ang lalaking naka cap na nakatingin sa akin. Hindi ko ito mamukhaan pero parang sya rin 'yong weird na guy sa waiting shed ng school.
Tumakbo ito at naglaho sa karamihan ng mga tao. Hindi ko alam kung bakit pero iba ang pakiramdam ko sa kanya.
Pagkalabas ko ng mall ay malakas na ulan ang sumalubong sa akin. Shit! Wala akong dalang payong at wala rin akong cellphone para sana itext na lang si Ace.
Sa kabila pa ang sakayan at sa tingin ko ay wala na akong magagawa kundi suungin ang malakas na ulan.
Nasa kalagitnaan na ako ng daan nang maramdaman kong namanhid ang mga paa ko.
Isang malakas na busina ang narinig ko at parang naging blured na ang lahat.
Napamulat ako nang maramdaman na may yumakap sa akin. Parang slow motion namang napatingin ako kay Ace at sabay kaming bumagsak sa sahig ngunit hindi ako nasaktan dahil pinaibabaw nya ako sa kanya.
Umawang ng konti ang bibig nya dahil sa impact ng pagbagsak nya.
"Are you ok?!" Tanong nya.
Basang-basa na kami ng ulan. Mabilis akong tumayo nang magbadya ang luha sa mga mata ko. Tumalikod ako sa kanya para hindi nya ako makita.
Shit! Naiinis ako sa sarili ko.
Naramdaman kong hinawakan nya ang braso ko at iniharap sa kanya. Napahagulgol ako nang makita ang mga galos nya sa siko.
"Zein, ok ka lang ba?!"
I hate you! Ikaw nga itong nasaktan ako parin ang inaalala mo.
Hinawakan ko ang kamay nya at isinuot doon ang regalong binili ko. Patuloy pa rin ang pagpatak ng luha sa mata ko at nanginginig ang kamay ko.
Napangiti ako nang makitang bagay sa kanya ang wrist watch na binili ko. "Darling, happy anniversary. I am sorry." Wika ko.
Naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko at mabuti na lang ay nayakap na ako ni Ace.
Napatingin ako sa sasakyan na muntik ng makabangga sa akin. Sumilip ang driver nito at ngumisi sa akin.
Tumayo lahat ng balahibo sa katawan ko sa klase ng ngiti nito. Pakiramdam ko ay ngisi 'yon ni kamatayan na dapat naming iwasan.
-
-
-
TO BE CONTINUE....

hell univirsity chasing hell season 2Where stories live. Discover now