3

6.7K 193 4
                                    

🔥🔥🔥Chasing Hell🔥🔥🔥
Chapter 3: Kissed
Ace's Point of View
I took a sip from my coffee. Napansin ko ang panginginig ng kamay ko habang nakahawak sa tasa ng kape. Natakot ako hindi dahil sa nangyari sa akin kanina kundi sa katotohanang may panibago na naman kaming kakaharapin. Nakakatakot ang mga susunod pang mangyayari.
"May kakilala ka bang may galit sa inyo?" Matt asked me.
Kaninang nasa nitso ako ay dumating si Matt. Sinundan nya raw ang sasakyan ko nang mapansin na nagmamadali ako at masama rin din daw ang kutob nya. Nakita nya ang taong nagkulong sa akin sa loob ngunit dahil madilim ay hindi nya naaninag ang mukha nito at mabilis na naglaho sa kadiliman.
I let a heavy sigh. "I don't know... Hindi ko alam." Pag-amin ko.
Wala akong ideya sa kung sino man ang maaring may gawa no'n sa amin at iniisip ko ngayon na may kaugnayan ba 'yon sa taong nagngangalang Hell sa fb.
"Ano ng plano mo? Ayokong may mangyaring masama sa kaibigan ko." Seryosong banta nito.
"Wala sa plano ko ang ipahamak sya." Madiin kong sagot.
Marami na kaming pinagdaan at hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagsakripisyon ngunit handa pa akong dagdagan 'yon. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa babaeng mahal ko.
Pero, inaamin kong mas natatakot ako sa kalaban ngayon dahil hindi namin alam kung sino ba ito. Hindi namin alam kung sino ba ang tunay na kalaban hindi kagaya sa HU na alam namin kaya nakapagplano kami.
Magiging mas madugo ang mga hindi inaasahang pangyayari. Shit! That was not just some kind of prank.
"Ang mabuti pa ay mauwi ka na," Tumayo na ito at inayos ang blazer na suot nya. "Gabi na at baka nag-aalala na 'yon sa'yo." Wika pa nya bago tuluyang lumabas nf café.
Napabuntong hininga na lang ako bago pinagmasdan ang cellphone ni Zein sa kamay ko. Dumaan ako sa trash can at itinapon ito roon. Bibili ko na lang sya ng bago.
Pagkauwi ko ay isang walis tambo ang pumalo sa ulo ko. "Aww.." Angal ko kay Zein na nakahalukipkip sa harapan ko.
Hindi ko maiwasang matawa sa itsura nya na parang nalugi.
"Where the hell have you been?"
Pabagsak na umupo ako sa sofa at tinaasan sya ng kilay. "Somewhere." Walang ganang sambit ko.
Ngumiwi ito at muli akong inambahan ng palo ngunit napigilan ko na sya. "Masakit... Sorry na." Paghingi ko ng paumanhin.
"Sorry? May ginawa ka bang kabalastugan?"
Napalunok ako. Wala akong planong sabihin sa kanya lahat ng nangyari dahil ayoko syang pag-alalahanin. Hanggat maari ay magiging lihim ito.
"I'm hungry..." Hinawakan ko pa ang tyan ko.
Napabuntong-hininga ito bago ako sinenyasang sumunod sa kanya sa kusina. Mabilis na umupo ako at kumuha ng pagkain dahil gutom na rin talaga ako.
"Bakit ang dumi ng damit mo?"
Napatingin naman ako sa puti kong damit. Nadumihan 'to malamang nang pumasok ako sa loob ng nitso.
"Ahmmm.. Nadapa? Oh! Yes! I was tripped."
"Bakit sa gilid ang marumi? Hindi ba dapat sa harap o sa likod?"
Patay!
"Gusto ko sa gilid eh... bakit ba." Pagpapalusot ko. "Busog na ako..." Aalis na sana ako nang hilain nya ang damit ko.
Napayuko ito at namula. "Bakit?" Tanong ko.
Mas lalo itong namula. Kinagat nya ang pang-ibabang labi nya na animo'y nahihiya.
"A-Ano kasi... Uhmmm.. A-no---"
"What? Tell me..."
Humarap na ako sa kanya at hinawakan ang kanyang braso para pakalmahin.
"N-Nahihiya ako pero pwede mo ba akong turuan sa assignment ko?"
Mahina akong natawa nang bigla itong tumakbo papuna sa salas.
Napailing na lang ako. "Why not? Nahiya pa." Bulong ko.
Naabutan ko sya sa salas na nag-aayos ng mga gamit nya. Umupo rin ako sa tabi nya. "Saan?" Tanong ko.
Inabot naman nya sa akin ang notebook nya na may nakasulat na calculus. "Mahina ako sa math... 'Wag mo ng sabihin, inamin ko na." Panunguna nito.
Ngumiti na lang ako sa kanya. "Ayos lang kung mahina ka rito, malakas ka naman sa akin eh." Sambit ko na ikinairap nya.
Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko nang mapansin ang pasimpleng pagngiti nito. Hays. Hindi ko hahayaang mawala ang ngiti sa labi mo.
"Pero, may kapalit."
"Anything..."
"A kiss will do."
"Deal!"
Hindi naman ako nahirapang turuan ang babaeng ito dahil may part lang na hindi nya maintindihan na ipinaliwanag ko naman. Nasa kalagitnaan na ako ng pagsusulat nang mabalin sa katabi kong tulog na ang mata ko.
Binitawan ko lahat ng hawak ko at pinagmasdan ang bawat anggulo ng mukha nya. Mukha syang anghel kapag tulog, pero suplada, masungit, maldita 'pag gising.
"Ang daya mo, tinulugan mo ako." Bulong ko.
Inayos ko na lahat ng gamit namin at binuhat si Zein papunta sa kwarto nya. Maingat na inilapag ko sya sa kama.
"I'll claim your promise..." Ginawaran ko sya ng saglit na halik sa labi. "Good night, Queen. I love you." Bulong ko.
Sinigurado ko munang nakalock ang mga bintana bago pinatay ang ilaw at sinara ang pinto.
Pagkapasok ko sa kwarto ay binuksan ko ang laptop ko bago naligo.
Pagtapos kong maligo at magpalit ng boxer ay kinuha ko na ang laptop ko at pinatong sa lap ko.
I immediately opened my FB account. Hindi na bago sa akin ang maraming notifications at messages pero binuksan ko pa rin ang mga messages.
Natuon ang pansin ko sa isang message galing sa taong hindi ko kilala.
"Did you liked your adventure? It's cool, right? I want to play more... Let's play, again."
Damn it!
Napatingin ako sa picture kong sinend nya. Nasa sementeryo ako at may hawak na cellphone. Nakaedit ito na parang binabalutan ng dugo.
Ibinaba ko ang tingin ko sa taong nagsend sa akin nito.
Hell...
***
Zein's Point of View
"Wow! You've got a perfect score!" Puri ni Vanessa sa akin.
Taas noong ngumiti naman ako sa kanya. "Tinuruan ako ni Ace." Wika ko.
"Ewww..."
"At least naka perfect, eh ikaw? 1? Ewww..."
Maka-eww naman ito. Buti pa nga ako perfect eh sya 1 lang. At ang matinde dahil pa 'yon sa bonus. What if wala? Edi zero.
"Let's go..." aya ko sa kanya.
Pagkalabas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang apat na lalaki. "Anong ginagawa nyo rito?" Tanong ko kina Matt, Jerome, Dave at Ace.
"Sinusundo ko 'yong lola ko." Wika ni Jerome kay Vanessa.
"Ay! Andyan ka na pala ninuno!" Pabalang na sagot naman ni Van.
Natawa ako sa kanilang dalawa. Kahit kailan ay ganyan ang turingan nila pero huwag ka! Ganyan talaga sila maglambingan! Abnormal 'tong dalawang 'to eh.
"We will have a celebration, right pareng Ace?" Wika ni Dave na inakbayan pa si Ace na nakanguso.
Kumunot ang noo ko. Anong nilagok na naman ng mga ito?
"Ay! Nakalimutan ni Zein... Paano ba 'yan pare?" Umakbay din si Jerome kay Ace. "Nakalimutan nyang anniversary nyo ngayon." Ngumisi ito sa akin.
Nalaglag ang panga ko. OH.MY.GHAD! It is our 4th anniversary! Shit! Paano ko nagawang kalimutan ang mahalagang araw na ito?
Mapaklang ngumiti ako kay Ace. "H-Hi?" Bati ko na ikinahalakhak nilang lahat.
Mabilis na hinawakan ni Ace ang kamay ko. "Kalimutan mo na lahat, 'wag lang ako." Wika nito na ikinangiti ko.
"Saan tayo?" Tanong ni Matt.
Narito kami ngayon sa malapit na bar. OH.SHIT! Sabi ko na nga ba at hindi magandang si Matt ang magsuggest ng place eh!
Pinanuod kong umindak si Jerome at Matt sa dance floor. Hindi naman sila lasing pero mukha silang sabog.
Katabi ko si Dave at Ace. Habang si Vanessa naman ay pinapalakpakan si Jerome na bigay todo pa.
Nabalin kay Dave ang tingin ko nang mapansin na sa cellphone sya nakatitig.
"May problema ba?" Tanong ko.
Sumimangot ito. "Si Mia eh. Hindi pa nagrereply simula kahapon." Wika nito.
"Baka naman busy?"
"Midterm nila."
Pinalo ko sya sa braso pag kasabi nya no'n. "Kaya naman pala eh! Huwag ka ngang paranoid!" Pangaral ko.
"Eh ka-" Natigilan sya nang umilaw ang cellphone nya at nagflash ang pangalan ni Mia roon.
Napasayaw sya nang makita ito na ikinatawa ko. Mabilis na tumakbo ito palabas dahil maingay dito.
Napasandal na lang ako sa upuan at binalin kay Ace na nakatingin pala sa akin ang atensyon ko. Hindi ko alam pero nakakaakit ang mata nito.
Ang ilaw mula sa light effects ay kumikinang sa mata nya. Nilapit nito sa akin ang kanyang mukha kaya mabilis kong nalanghap ang alcohol sa kanyang bibig na humahalo sa pabango nya.
Napatingin ito sa labi ko at lumunok. Halos maglapat na ang labi namin nang may pumagitna sa amin.
"Woa! Ang saya pala rito! 'Di ba, Dark?"
Tangina!
"Kuya?"
"Alas! Bakit 'di mo ako inimbitahan! Kung hindi pa ako inimbitahan ni Matthew eh hindi ko malalaman."
Napatingin ako kay Matt na tinawanan kami. Pinaningkitan ko sya ng mata pero humalo lang sya sa karamihan ng mga nagsasayaw.
"Hoy!" Kinuha ko si Hoy sa balikat ni Raze.
"Anong Hoy?" Tanong ni Raze.
"Pangalan nya."
Kumunot ang noo nito. Teka... "Bawal ang hayop dito ah!" Sabi ko na ikinahalakhak nya.
"Sabi ko asawa ko 'yan." Humalakhak ito at hindi ko alam kung matatawa rin ako o mandidiri.
Ibang klase ang kapatid ni Ace. Hindi ko mawari kung normal lang sya o abnormal.
"Magkikiss ba kayo kanina?" Nakangising tanong nya sa amin.
Namula ako sa tanong nya buti na lang at dim ang light kaya hindi halata. Hindi naman ata magandang itanong 'yon. Hindi ba sya aware na awkward 'yon at isa pa ay kasalanan nya kung bakit naudlot?
"Kuya! Umalis ka na nga rito!"
"Alas! May kasalanan ka pa sa akin. Hindi ka na dumadalaw sa opisina. Tambak tuloy ako, 'di ko na nabibisita si baby."
Ano na kayang status nila ni Ate? Alam ko naman na si ate ang tinutukoy nyang baby eh.
"Pupunta ako bukas."
"'Yon! Mabuti naman!" Lumagok ito ng alak at tumayo na. Tumalon naman si Hoy papunta sa balikat nya. "Alis na ako. Tuloy nyo na ang naudlot nyong halikan." Humalakhak ito.
"Alis na!" Pagtatakwil ni Ace sa kanya.
"Nice lips, Zein." Nakangising wika ni Raze na ikinanganga ko. "I want to taste it again, soon." Humahalakhak na umalis ito at ako naman ay mamamatay na sa kaba.
Damn it! Raze Silvenia! What have you done?
Napatingin ako kay Ace na sobrang dilim ng mukha. Napalunok ako at aktong aalis na nang higitin nya ako.
Napaupo ako sa lap nya.
"He kissed you?"
Sasagot na sana ako nang maramdaman na may nilalagay sya sa leeg ko. Napahawak ako sa kwintas na isinuot nya na ang pendant ay isang queen's crown.
"Darling, happy anniversary." Ang huling katagang binitawan nya bago ako iniwan.
Uh oh! Galit si Darling.
Damn it! Makakaganti rin ako, Raze.
-
-
-
TO BE CONTINUE...

hell univirsity chasing hell season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon