6

5.2K 176 8
                                    

🔥🔥🔥Chasing Hell🔥🔥🔥
Chapter 6: I do
Ace's Point of View
Kasalukuyan kong iniimpake lahat ng gamit ko sa loob ng aking bag. Mga kwaderno at makapal na libro. Hindi mawala-wala sa aking labi ang ngiti habang inaalala ang halik sa aking pisngi ni Zein.
Unexpected kiss from her is damn better than requested the one. I want to be surprise, again.
"Ace, mauna na ako." Pagpapaalam ni Matt na halatang excited.
Tumango na lang ako dahil hindi pa rin ako tapos sa pag-aayos ng mga gamit at halos lahat ng mga kaklase ko ay nakalabas na. Tanging ako na lang ang nasa loob.
I stretched my arms as I let a heavy sigh of relief. Finally, tapos na rin ang araw na ito at gusto ko na syang makitang muli. I want my stress reliever.
I turned back. Tumambad sa akin ang madilim ng labas. Umiling na lang ako bago isinuot sa likod ang aking bag.
Shit!
Napailing na lang ako nang maalala na baka kanina pa sya naghihintay sa waiting shed. Baka nakanguso na ngayon 'yon habang nakahalukipkip.
Natawa ako habang iniisip ang kanyang mukha ngunit mabilis na naglaho ang mga ngiting 'yon nang wala akong taong dinatnan sa waiting shed.
Where is she?
"Andito ka pa pala."
Mabilis na nawalan ng expression ang mukha ko habang blangkong nakatingin kay Cedric na nakatayo sa harapan ko while his both hands inside the pocket of his pants.
I didn't bother to respond. Saglit ko na lang iginala ang dalawa kong mata sa paligid. Nagbabakasakaling makita ko sya ngunit wala talaga. Ni bakas nya ay wala akong makita.
"Hinihintay mo ba si Zein?"
I faced him with a smirk on my lips. "Right. Did you see her?" I asked.
Wala namang masama kung magtanong sa lalaking ito dahil baka nakita nya ito. Siya ang President ng SSC kaya malamang na isa sya sa mga huling estudyanteng lumalabas ng unibersidad na ito lagi.
Kumunot ang noo nya. "Uh? Kanina pero nagmamadali sy--- Hey, why don't you call her?" Aniya na ikinailing ko.
Wala syang cellphone dahil ibibili ko pa lang sya bukas. Imposible namang umuwi na 'yon or baka naman umuwi na talaga. Pero may parte sa akin na nagsasabing wala akong madadatnan sa condo. I have to stay here.
"Bakit ba hindi mo na lang sya tawagan?" Mejo iritado na nyang wika.
Tinaliman ko sya ng tingin. Ano bang problema ng lalaking ito at pakiramdam ko ay maging sya nag-aalala kay Zein. Psh.
"Wala syang cellphone."
Kumunot ang noo nito na parang may mali ang sinabi ko. "Meron... Ipinakita nya pa sa akin kanina." Wika nito na parang napapaisip pa.
Ako naman ngayon ang nangunot ang noo. Umihip ang malamig na hangin ng gabi. Habang tumatagal ay mas lalong nananaig ang kadiliman at wala pa rin sya.
"Bakit ba alam mo pa sa akin?" Mejo iritado ko ng wika. "I threw her cellphone last night." Hindi ko alam kung bakit pa ba ako nagpapaliwanag sa lalaking ito.
Aalis na sana ako para hanapin sya nang muli syang nagsalita. "I am not blind, Ace Craige. She waved her cellphone with Dora as her casing earlier." Wika nito na ikinatigil ko.
I faced him with a confusing look. What the hell is he talking about? I already threw t--- Shit!
"What?" He asked me.
Mabilis na kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan nya sa contact list ko. Nanginginig na pinindot ko ang call button.... Mas nanginig ang kamay ko nang magring ito.
Shit! This can't be! Sigurado akong pinatay ko ang cellphone nya bago ko ito itinapon sa basurahan at kung may nakapulot man doon ay sigurado akong pinalitan na agad ang simcard no'n to stop the communication but still--- Not again, please.
Mariin kong nakagat ang labi ko nang babaan nya ako ng tawag. I tried to call her again but the fuck it was already unattended.
"Hei--- Is there something wrong?"
Naningkit ang mata ko habang nakatingin kay Cedric na napalunok. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa.
Sobrang lakas ng pintig ng puso ko habang inaalala si Zein. Ayoko mang mag-isip ng kung anu-anong walang kwentang bagay, subalit bigo ako dahil tumatagos ang mga ito at wala akong magawa para pigilan ang pangambang namumuo sa dibdib ko na nagpapasikip rito
Lumipad ang tingin patungo sa isang kotse sa kabilang daan. Kitang-kita ko ang nakakacap na lalaking nakangiti sa akin. Hindi ko gaanong mamukhaan ang mukha nya pero namalayan ko na lang na tumatakbo na pala ako papunta sa kinaroroonan nya. Narinig ko pang tinawag ako ni Cedric pero hindi ko na sya pinansin pa.
Napamura ako nang bigla nyang paandarin ang sasakyan. Hindi ko alam kung sinasadya nya bang bagalan ang takbo para makasunod ako o nang-iinis lang talaga sya. Naiinis ako na patuloy ko pa rin syang sinusundan kahit na tumatakbo lang ako. Hindi ko maramdaman ang pagod kahit na takbo ako ng takbo.
I will never be get tired on running just to be with her. I will still chase after her even it's way to hell.
And I don't know what's the relevance of that in this current scenario.
Tumakbo lang ako ng tumakbo kasunod sa kanya. Hindi ko alam kung saan ito patungo basta ayaw tumigil ng dalawa kong paa sa pagtakbo.
Malayo na sya sa akin at handa na rin sana akong huminto sa pagtakbo nang biglang tumigil ang kanyang sasakyan. Bumilis ang mga paa ko at ramdam ko ang pagtangis ng mga lamang loob ko. I don't know who is him pero alam kong may kinalaman sya sa nangyayaring ito.
Mahahawakan ko na sana ang kanyang sasakyan nang bigla nya itong pinaharurot. Napangiwi na lang ako habang pinagmamasdan ang kulay pulang ilaw ng likod ng sasakyan nya na maglaho sa kadiliman.
Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa noo ko at ang sakit ng mga tuhod at binti ko pero wala akong panahong mapagod at sumuko. Mariin kong nakagat ang labi ko nang maramdamang rumupok ang tuhod ko.
Napaupo ako sa gilid ng kalsada. Pagod na pagod na bumaba ang mata ko at bumagsak sa isang papel na nasa sahig.
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para kunin ito. Nanginig ang kamay ko habang binabasa ito.
You are too slow, but thank you for following me. And as a reward, look at your left side. I have a surprise for you.
Ps. It was just a glimpsed for something worse than a nightmare.
- Hell.
Nilamutak ko ang papel na 'yon at tumingin sa aking kaliwa. Lahat ng pagod na nararamdaman ko ay nawala sa isang iglap habang nakatingin sa isang babaeng nakayuko sa round table at yakap-yakap ang isang kahon.
Kitang-kita ko sya sa loob ng isang cafe dahil made up of glass ang wall nila. Mahimbing ang tulog nya.
Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago tumayo at pumasok sa loob. Nangingin ako nang biglang tumunog ang stereo sa paligid.
Now playing, Christmas won't be the same without you.
Saglit kong iginala ang mata ko sa ayos ng cafe na ito. Nakabagay na sa christmas season theme.
Muling dumapo kay Zein ang aking mata. Napangiti na lang ako nang umangat ang ulo nito. Malamang na nagising dahil sa tugtog.
Pumungay ang mga mata nito habang iginagala ang mata sa paligid. Hindi pa nya ako nakikita.
Lumapit ako sa kanya. Napunta sa akin ang mata nya at humaba ang labi nya. Namula ang mata nito. Gusto ko syang yakapin pero parang hindi magandang pangunahan ko sya.
"Zein..."
Umiwas ito ng tingin. "May nagsasalita ba? Parang may naririnig akong bumubulong." Wika nito.
Muli kong nakagat ang labi ko nang mabilis na bumagsak ang isang patak ng luha mula sa kanyang mata. Sumikip ang dibdib ko at aktong hahawakan ko na ang kamay nya nang bigla syang tumayo at umiwas.
"Mabuti pa, umalis na ako rito. May multo ata ri---" Kinagat nito ang kanyang labi para pigilan ang luha ngunit bigo ito. Parang nakabukas na gripong sunod-sunod na tumulo sa mata nya ang mga luha. "I have to go." Pumiyok ito at aalis na sana nang hawakan ko ang braso nya at hinila sya.
Ikinulong ko sya sa aking braso. Hindi sya nanlaban ngunit mas lumakas ang hagulgol nya na sumasabay sa kanta. Hindi ko alam kung anong nangyari at anong ginagawa nya rito pero paulit-ulit ko ng ibinubulong ang mga salitang 'patawad.'
"Ang daya mo naman... Akala ko kaya mo ako pinapunta rito ay may surprise ka sa akin..." Muling pumiyok ang boses nito at parang patalim naman 'yon na paulit-ulit na sumasaksak sa akin. "Paghihintayin mo lang pala ako ng apat na oras..." Humina ang tinig nito.
Iniharap ko sya sa akin at pinunsan ang luha sa kanyang mata. Sobrang pula pa rin ng mukha nya at halatang pagod na ang mga ito.
"I am sorry... Darling, I am really sorry."
"SORRY?! Sorry na naman? Ace naman eh! Mahal mo ba talaga ako?!"
"I Do, I Do
All I am, all I'll be
Everything in this world
All that I'll ever need
Is in your eyes
Shining at me
When you smile I can feel
All my passion unfolding"
Napangiti ako nang natigilan ito at napayuko. Lumapit ako sa kanya at itinaas ang ulo nya para makita ang kanyang mukha. Hinding-hindi ako magsasawang titigan ang babaeng ito.
"Your hand brushes mine
And the thousand sensations
Seduce me 'cause I"
She is a dangerous girl. The type of danger I want. All I can say is... I love that danger.
"I do cherish you
For the rest of my life
You don't have to think twice
I will love you still
From the depths of my soul
It's beyond my control
I've waited so long to say this to you"
Naiinis ako na lagi na lang akong wala sa tabi nya. Naiinis ako na hindi ko sya napoprotektahan. Naiinis akong nakikita syang umiiyak.
"If you're asking do I love you this much, Darling I do"
Napapikit ako nang bigla nyang hinila ang batok ko at inangkin ang labi ko. Iminulat ko ang mata nya at pinagmasdan ang mukha nyang sobrang lapit sa akin. Napangiti ako habang tumutugon sa kanyang halik.
Sa ilalim ng kadiliman. Sa gitna ng kalungkutan. Mga labi naming naglapatan. Pinapangako ko.... Maybabayad kayo ng higit pa sa mga ginawa nyo. You made the biggest mistake... You made my girl cry.
.
.
.
.
.
I'll chase you... I accept your game... Lets play...Hell.
-
-
-
TO BE CONTINUE.....

hell univirsity chasing hell season 2Where stories live. Discover now