21

3.2K 108 0
                                    

🔥🔥🔥Chasing Hell🔥🔥🔥
Chapter 21: Letter
Ace's Point of View
"What do you want?"
Ang malalim na mata ni Nicky ay nakatingin sa akin. Wala kang mababakas na emosyon sa kanyang mukha. Ibang klaseng babae. Paano nya nagagawang maging kalmado sa lahat ng oras?
Inilatag ko sa lamesa ang mga picture nya na kuha ng CCTV. Ito ang mga picture na nakalagay sa brown envelope.
Kitang-kita ang pagsakal ni Nicky sa lalaking pinagbabantay ko kay Zein hanggang sa mawalan ito ng hininga at dahil sa sobrang higpit nun ay mejo nawarak pa ang leeg ng lalaki.
"Hmmm. I like these stolen shots." She commented.
Sinuri nya ang mga litrato habang nakangisi.
"Why?" I asked.
"What?" Mejo natawa ito bago sumandal sa upuan. "Aren't you going to thank me? I just saved your girlfriend." She flashed a playful smirk.
I knew it. May rason talaga kung bakit nya ginawa 'yon at alam kong sa ikakabuti 'yon.
"You asked for our help. Wish granted."
"Pero sya ang inatasan kong magbantay kay Zein."
"Magbantay?" Mejo natawa ito sa sinabi ko. "O baka naman pumatay? Someone manipulated him. Kahit na hindi ko kilala ang nasa likod nito ay napansin ko 'yon. Pinag-aralan ko ang kilos nya and to my surprise... Binalak nyang patayin si Zein 'pag pumasok sya sa CR." Pagpapaliwanag nito.
Natahimik ako sa sinabi nya. Bumaliktad sa amin ang tauhan ko? Bakit? Sino ang nasa likod nito? Was it Hell?
"To make it short. Inunahan ko sya, I killed him to save Zein."
Binalot kami ng katahimikan matapos ang sinabi nya. Napakaraming bagay ang umiikot sa aking isipan at wala man lang akong maisip na matino. Ang labo.
"Hindi mo ba talaga kilala ang mga nasa likod ng ito?" May pang-aasar na tanong nya.
Sumeryoso ako ng mukha. "I have a lead but--- Malabo pa rin." Naguguluhang kong sagot.
"Malabo? Talaga? Baka naman ayaw mong tanggapin?"
"Ano bang sinasabi mo?" Mejo naiirita kong tanong.
She shrugged her shoulder at hindi na muling nagsalita. Bigla kong naisip si Zein dahil baka uwian na nila kaya tumayo na ako. Baka naiirita na naman 'yon sa waiting shed.
"I have to go."
"Hunting by the past."
Hindi ko na ito pinansin at nagdiretso na lang ako palabas ng kanyang opisina na pinagtatrabauhan niya. Halos takbuhin ko na ang parking lot para habulin lang ang oras.
She must be tired of waiting.
Kailangan ko na sigurong sabihin lahat kay Zein. Tama si Mr. Sebastian, kailangan nyang malaman. Hindi ko malulutas ito ng mag-isa, I need her.
Pinaharurot ko ang aking sasakyan palabas ng parking lot. Napansin ko ang cellphone ko na nasa sahig na malamang ay nahulog ko kanina dahil sa pagmamadali.
Inabot ko ito at binuksan. Mabilis na kinain ako ng kaba nang makita ang two missed call galing kina Zein at Cedric. Pero mas kumunot ang noo kay kay Cedric.
Nakita ko rin ang isang voice mail galing kay Zein. Nanginginig na play ko ito at dahil connected sa speaker ang aking cellphone ay dinig na dinig ko lahat.
Mabilis na napreno ko ang sasakyan.
"A-Ace... Ace. Natatakot ako. T-Tulungan mo ako. Ace, please."
Nanlambot ang buong katawan ko. It was sent 1 hour ago. Kanina pa ito at ngayon ko lang nakita. Natulala ako matapos marinig 'yon.
Ramdam ko ang takot sa nanginginig nyang boses at ang pangangatog ng katawan nya.
FUCK! Not again, please.
I tried to call her but it is unattended. Ipinikit ko ang mata ko at kahit na anong pagpapakalma ko sa aking sarili ay nanginginig pa rin ako. Ilang mura na ang sinabi ko sa aking sarili.
Nagpabaya ako. Ngayon, anong nangyari? Asan si Zein?
Mabilis na tinawagan ko rin si Cedric na mabilis namang sumagot.
"Where is Zein?" Ang unang tanong ko.
I'm expecting a relief from his answer but I was wrong.
"I don't know. Sabi nya may pupuntahan sya pero hanggang ngayon ay wala pa rin sya."
"We have a fucking deal and you just fucking let her go alone! Fuck you!"
Natahimik ang sa kabilang linya. Habol-habol ko ang hininga ko. Hinampas ko ang busina nang ilang beses. Shit! Where the hell is Zein?
'Pag may nangyaring masama kay Zein. Papasabugin ko ang mga bungo nila. Damn! Wala akong pakialam kung sino sila.
"Where are you?" Mejo kumalma na ako pero hindi sapat.
Hanggat hindi ko nasisiguro na ligtas si Zein ay hindi ako kakalma. I will fucking kill that bastard if something bad happens to my girl and I will also kill myself. Fuck! It's my fault. I'm sorry.
Pumunta ako sa isang park na sinabi nya at mabilis na tinigil ko ang sasakyan ko. Lumabas ako at sinugod ito. Mejo nagulat pa sya sa paghawak ko sa kanyang kwelyo.
"Where the hell is Zein? Answer me!"
"I told you! Hindi ko alam! Yes, I was with her a while ago. Sinamahan ko syang mag grocery pero sinabi nyang mauna na ako at may pupuntahan sya."
Binitawan ko ang kanyang kwelyo at hinilamos ang aking mukha gamit ang aking palad.
I'm fucking scared it's slowly killing me. Zein, where are you? Please, be safe. Please.
"Wait, naka open ba ang GPS ng phone nya?" He suddenly asked.
Naintindihan ko naman ang gusto nyang sabihin kaya binuksan ko ang cellphone ko. Nabuhayan ako nang loob ng matrack namin ang kinalalagyan nya.
"Let's go." Sabi ko.
Sumakay kami sa aking kotse at pinuntahan ang direksyon na itinuturo ng GPS na kinalalagyan ni Zein. Hindi ko makalma ang sarili ko at bawat minuto ay nahahampas ko ang busina.
"Hindi ko inakalang magiging pabaya ka rin."
"It's no longer my fault. Sinunod ko lang ang gusto nya."
"Oh, shut up. I don't need your explanation."
Narinig ko ang malulutong nyang mura na hindi ko na pinansin. Nanlumo ako nang mapagtanto kung ano ang maikita namin sa dulo ng daan na ito.
Matarik.
"May sira ba ang GPS mo?" Tanong niya. "Bangin na ang dulo nito." Dugtong pa nya.
Umakyat ata lahat ng dugo sa aking ulo at nanlamig ang buo kong katawan. This is not happening. Hindi mangyayari ang iniisip ko.
Huli na ba ako? Shit! No. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko 'pag may nangyaring hindi maganda kay Zein. Baka ako pa mismo ang pumatay sa sarili ko.
Nabingi kami sa katahimikan nang makita na ang hangganan. Hininto ko na rin ang aking sasakyan. Natulala na lang ako habang nakatingin sa bangin at ang malawak na karagatan sa baba.
Naunang bumaba si Cedric na mabilis kong sinundan. Natatakot akong makita ang nasa baba pero hindi maipagkakailang may nanggaling na dito kanina. May bakas ng gulong ng sasakyan ang pababa sa bangin kaya malamang na may nauna na sa amin dito.
"Shit!"
Hindi ko nagawang silipin ang baba dahil natatakot ako. Tanging si Cedric lang ang sumilip. Natulala ito.
Nilakasan ko ang loob ko at sumilip sa baba. Halos malula ako sa taas namin at halos mahulog ako nang makita sa ibaba ang halos madurog na sasakyan at ang apoy mula rito na halatang sumabog. Nasa mabato itong bahagi ng dalampasigan.
"Panaginip lang ito." Bulong ko.
Sinampal ko ang sarili ko at halos tumalon ako mula rito. Parang nawalan ako ng lakas.
"Tignan natin."
Naunang bumalik sa sasakyan si Cedric habang ako ay nagpakawala muna ng buntong-hininga. No. Hindi mawawala si Zein. Hindi pa rito magtatapos ang lahat.
Pinaharurot kong muli ang sasakyan hanggang sa makababa kami at mapuntahan ang sabog na taxi.
Lumabas kami at lumapit rito. May ibang parte nito ang nagkalat sa paligid at umaagos ang gasolina mula sa loob.
"Walang tao sa loob." Bulong ni Cedric.
Maging ako ay walang makita. Yupi na ang buong sasakyan pero wala kaming nakikitang tao. Tama ako. Hindi pa rito natatapos ang lahat.
Nabuhayan ako ng loob at kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Ang tanong ay nasan sya? Dito kami dinala ng GPS kaya malamang na nasa loob ng nasusunog na sasakyan na ito ang cellphone ni Zein.
Hinampas ang buong katawan ko nang malamig na hangin na nagpanginig sa akin at ang masakit na katotohanan. Wala si Zein.
Kahit na nakakakalma ang lamig ng hangin sa dalampasigan ay hindi ito umaabot sa buong katawan ko. Mas nangingibabaw sa akin ang labis na pag-aalala at pagsisisi.
"Kung sanang sinabi mo na sa kanya dati pa. Sana naging mas maingat din sya. Hindi natin sya mababantayan sa lahat ng oras." Bulong ni Cedric.
Natulala na lang ako sa malawak na dagat. Unti-unting pumapasok sa akin ang lahat ng mga pagkakamali ko. Hindi ko dapat hinayaan na humantong sa ganito lahat.
Naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko habang unti-unting pumapasok sa aking isipan na ako... ako ang may kasalanan. Naging pabaya ako. Halos hindi ko na sya mapagtuonan ng pansin dahil laging sa ibang bagay ako nakatingin. Hindi dapat ako kumukuha ng taong magbabantay sa kanya kasi ako dapat 'yon. Ako dapat ang pumoprotekta sa kanya.
Shit! I'm fucking stupid! I just let her go alone. I should be there, with her. Dapat ay natulungan ko sya nung mga panahong binubulong nya ang pangalan ko... humihingi ng tulong.
Napaupo ako sa lupa at napatingin na lang sa kawalan.
Where is Zein?
***
Kasalukuyan akong nakaupo sa bench dito sa malapit na park. Umiihip ang malamig na hangin ng gabi. Ang buong paligid ay nababalutan ng dilim.
Wala sya.
"May problema ba?"
Umangat ang tingin ko at tinagpo ang mata ni Allison. "Zein is missing." Sabi ko.
Nakita ko ang gulo sa kanyang mata na parang hindi nya maintindihan kung ano ang sinabi ko.
"What are you talking about?"
"Nawawala si Zein. Hindi ko alam kung nasan sya."
Hindi pa rin makapaniwala ang mata nya at bakas ko ang kalituhan doon base sa kung paano kumunot ang kanyang noo.
"Nagkakamali ka. Nagkita kami kanina sa bahay."
Ako naman ngayon ang kumunot ang kilay. "R-Really?" Nakahinga ko nang maluwag ngunit may malaking katanungan ang nakapatong sa aking isipan.
"May nangyari ba?" Tanong nya. "Nakita ko ang pamumula ng mata nya na parang galing sa pag-iyak." Sabi pa nito.
Umiling ako at tumayo. Kailangan ko syang makausap. Kailangan ko syang makita dahil hindi ako mapapakali hanggat hindi ko nakikita na maayos ito.
Aalis na sana ako nang may ilahad sa akin si Allison.
"She gave it to me. Ang bilin nya ay ibigay ito sa'yo."
Kinuha ko ang kapiraso ng papel sa kanyang kamay at inayos ang pagkakatupi nito. It was a hand written leter pero hindi ito sulat-kamay ni Zein.
"Sigurado kang sya ang nagbigay sa'yo nito?"
Nakita ko ang pagkagulo sa kanyang mata. "Yes. Sya ang nagbigay nyan. Niyakap nya pa nga ako pero nakita kong may sugat ang kanyang braso. Ano bang nangyari?" Alalang tanong nya.
What the hell?! Damn! Zein.
Muli kong binalingan ng tingin ang kapiraso ng papel na hawak ko.
"Roses are red, violets are blue... For the last time, you failed me.
-Hell."
-
-
-
TO BE CONTINUE....

hell univirsity chasing hell season 2Where stories live. Discover now