Chapter One

1.7K 72 12
                                    

Chapter One

Tagaktak ang pawis ni Louise habang tumatakbo palabas ng Beunaventura Hall. Yakap niya ang isang folder, na laman ang printed pictures ng inatupag niya sa University'ng ito, at ang kanyang pencil case. Kalalabas lang niya sa San Antonio Art Gallery kung saan sinadya niya talagang dayuhin dahil sa isang project para sa isa niyang subject. Halos narito kasi ang mga Paintings at Sculptures na kailangan niyang alamin ang background, nasa kanya naman ang mga picture nito kaya Search by Image lang sa Google ay nahanap na niya agad ang mga ito, nagbunyi naman ang katauhan niya nang malamang nasa San Antonio University lang pala, medyo may kalayuan dahil sa Manila pa ito at taga Cavite siya. Ayos lang naman dahil para naman ito sa kanyang pang aaral. Kapag siya ang unang nag pasa, mas mataas ang makukuha niyang grade, mahilig pa naman mag bigay ng extra points ang kanilang professor pag mga ganitong project. Parang Scavenger Hunt. It was fun though, kahit na nakakapagod. Siya lang kasi mag isa, individual ang project na ito dahil iba iba ang mga set ng art bawat students. Merong magkakaparehas ng isa but over-all, mix ang bawat isa. Laking pasasalamat niya talaga dahil nahanap niya agad ang kanyang buong set...

Well, except for one.

May isang painting na hindi niya mahanap ang background kahit na sa google, wala na naitulong si Google sa kanya dito kaya abot langit nalang ang frustration niya, Nag baka sakali rin siyang nasa SAAG rin ito ngunit wala. Mukhang ito ata ang tinutukoy ng kanyang Prof na 'Golden Grade' dahil may plus pa kapag nahanap ito. Ito nalang ang kulang para makumpleto niya ang buong set at masimulan na itong itype para mapasa na agad.

Kinuha niya ang kanyang panali at tinali ng pa-messy bun ang kanyang buhok, kahit na aircon ang Art Gallery ay hindi parin ito umepek sa kanya, pag labas niya parang Climate Change naman ang nagyari kaya ngayon halos waterfall na ang pawis sa kanyang noo.

Nakakahiya naman.

Bumagal ang kanyang lakad at bahagyang yumuko, nakakahiya sa mga tiga San Antonio ang kanyang itsura ngayon. Napaka haggard at parang tumakbo pa ng Marathon, samantalang ang mga ito ay puro fresh pa at magaganda't gwapo tignan. Kahit nga siguro mag pawis ang mga ito ay hindi magmumukhang haggard.

Di hamak naman na mas maganda ang San Antonio University kaysa sa Dela Merced University Cavite, kung saan siya nag aaral. Sanay naman siya sa Manila dahil dito siya lumaki at nagkaisip but nanibago lang siya ngayon dahil halos hindi naman siya umaabot dito pag naggagala, hanggang Mall of Asia lang siya, O di kaya'y sa condo ng kanyang kaibigan na si Mariana ngunit matagal na siyang hindi nakakapunta roon dahil busy siya sa College, pati na rin ang mga ito. Wala na rin silang masyadong bonding ng buong tropa dahil may kanya kanya na silang buhay at hindi tugma ang araw at oras ng kanilang mga pasok, ngunit may contact parin naman sila sa isa't isa. Iyon ang maayos doon, kaysa naman wala talaga silang balita sa isa't isa.

Mas bumagal ang kanyang paglalakad nang tumunog ang kanyang cellphone. Inilabas niya ito at tuluyan nang tumigil sa ilalim ng isang puno.

From: Badet

San ka na?

Inayos niya ang kanyang mga dala bago mag type ng reply.

To: Badet

Palabas palang ng Beunaventura Hall, andyan na kayo?

From: Badet

Oo. Ikaw nalang kulang. Gutom na kami.

Ngumuso siya. Kailangan ba talaga nitong i-mention na gutom na sila para mas lalo pa siyang mag madali? Kaibigan nga naman.

Tuluyan na siyang naka labas ng Buenaventura Hall, kailangan pa niyang pumunta sa terminal ng jeep para tuluyang maka labas ng SAU. Kanina ay naglakad lang siya papasok dahil wala pa namang araw at gusto niyang malibot ang buong San Antonio University ngunit ngayon ay naghihintay na sa kanya ang kanyang mga kaibigan, na puro gutom, kaya no choice. Sasakay na talaga siya para naman hindi na mag hintay ang mga ito ng matagal.

Untitled StoryWhere stories live. Discover now