Chapter Seven

703 40 1
                                    

Chapter Seven

"Oh eto na. Sorry sa abala and Thank you, you really are a life savior." Inabot ni Danah kay Louise ang bayad at walang sabing tinanggap ito.

"Biyernesanto tayo, Lou? Anmeron sayo?"

"Stress." Bagot niyang sagot dito.

"Don't worry, one month nalang tapos na rin ang sem. Bakasayon na."

"And then we'll face hell again pagkatapos 'non."

"Uuwi ata kaming Cebu, what's your plan?"

Louise fiddled with her pen, alas sinko pa ang sunod nilang klase dito. She was thankful dahil halos sabay sila ng schedule ni Day kundi uuwi siya ng wala sa oras. Para sa kanya nakakabagot ang mahabang vacant. Mas gusto niya iyong tuloy tuloy ang klase.

"Tuloy ata kami sa escapade. Buti nalang may ipon na ako."

"May sasakyan na kayo diba? Saan niyo balak pumunta?"

Louise shrugged. "Sabi nila overnight sa Laguna, after that diretso na kaming Bicol."

"Magastos sa gas 'yon ah and mahaba rin ang byahe" Tumawa si Danah.

"Ambagan naman 'yon and may driver naman."

"Saan kayo mag s-stay?"

"Hotel? I dunno. Basta sa Bicol pag uusapan pa."

Nag text si Mariana kaya natuon dito ang atensyon ni Louise habang nagbabasa naman si Danah.

From: Maria

Pina-finalize na namin yung mga plano, ang problema nalang is kung saan tayo tutuloy sa Bicol. Nakapag pa book na si Josh sa Hotel para sa Laguna, overnight kasi tayo.

To: Maria

Sure na ba lahat? Baka naman biglang mag back out yang mga yan.

From: Maria

Oo daw. May mga pera naman e and matagal na naman nating plano 'to kaya nakapag paalam na rin sila.

From: Maria

Nagtatanong si Josh kung pwede daw ba sa bahay ng Tita mo sa Bicol.

To: Maria

Hindi ata tayo magkakasaya 'don.

Sa dami nila, baka hindi nga talaga sila magkasya. Pero pwede rin naman siguro. Naisip niya ang bahay ng Tita niya doon. Tatlo ang bahay na nakatayo sa isang malawak na lupain at isa doon ang sa Tita niya, sa pinsan naman nito ang isa, at ang isa ay sa pinsan niya. May maliit na kubo rin na pwedeng tulugan ngunit bawal matulog roon ang babae dahil nasa open field at malapit sa manukan at babuyan.

From: Maria

Tinatanong pa kasi kung papayag kayla Marko at Kimberly, kay Jenny naman hindi pwede kasi masyadong maliit.

To: Maria

Diba sa Albay niyo gusto pumunta? Sa Daet lang yung sa Tita ko.

From: Maria

We can drive to Albay nalang daw sabi ni Josh. Kailangan natin mapagusapan to ng maayos. Nagtatalo pa kasi yung boys kung mag h-hotel ba tayo o mag s-stay nalang sa isa sa bahay ng relatives nyo para bawas gastos.

To: Maria

I'll ask Mama muna :)

Louise was dreading to open her Facebook account sa gabing iyon, she was done with her homework kaya pwede na siyang mag hayahay ngunit naisip niya na kailangan niyang mabasa ang diskusyon about sa tutuluyan nila sa Bicol. Naalala niya na kailangan nga pala niyang mag paalam kaya't bumaba siya.

Untitled StoryWhere stories live. Discover now