Reigan

1.5K 92 16
                                    

Reigan

"Reigan, kain raw tayo sa Hemlock's!" Aya ni Chris, isa teammate ni Reigan. Tinignan niya ito at tumango.

He wasn't really hungry ngunit mas mabuting kumain na muna siya bago umuwi dahil ang take out na naman ang kahahantungan niya 'non. Katatapos lang ng practice nila ngayong araw, manhid na ang kanyang katawan dahil halos dalawang oras rin sila sa field at dalawang oras rin sa gym bago pa iyon. Maraming oras talaga ang ginugugol niya sa paglalaro ng Football dahil ito lang naman ang nagiging libangan niya.

He lives alone. May condo unit siya sa Delevinge Tower, ngunit nauwi rin naman siya sa kanilang bahay minsan. Dahil rin sa Football ay nagiging 'minsan' nalang talaga iyon. He's struggling with his studies, minsan kasi ay nawawal rin siya sa focus but Football rin ang humihila sa kanyang grades. But he has to have a maintaining GPA to stay on the team.

It's one of the things that keeps him sane.

Pag umuuwi na siya, kundi matutulog ay magbabasa nalang ng libro. Minsan ay advance reading na rin so he won't flunk his subjects. Ngayon ay diretso tulog na siya dahil sa pagod.

He got in his car and drove to Hemlock's, ang restaurant na nasa labas lang ng SAU at naging official tambayan na rin ng SAU students.

"No game tomorrow, classes lang pero half day. Ano ang balak niyo? Bar tayo?" Humiyaw ang mga ka teammate niya sa sinabi ng kanyang kaibigan na si Calixx pagkatapos nilang kumain.

"Pass" Iling ni Reigan

"Oh c'mon man! Pass nalang nang pass! May buhay ka pa ba?! Your life is so dull." Tugon agad ni Calixx.

"Tignan mo nga 'tong si Keanu, nung nagkaroon ng Sasha ang kulay na ng buhay!" Keanu smirked at what Calixx said.

"I'm not Keanu." Tinaasan agad ni Reigan ng kilay ang kaibigan. Hindi niya kasi makuha ang point nito. Sinasabi ba nito na kailangan na niya ng girlfriend? He doesn't do 'girlfriends'. Distraction lang ang babae.

"For the record man, my life is not dull." Sinimangutan niya ito.

"Okay, lets lay down everything you do in one day." Reigan watched as Calixx lifts his right hand up na para bang magbibilang, habang nakatuon naman ang atensyon ng lahat ng nasa table dito. Mukhang interisado lahat sa topic nila ngayon. Reigan hated being the center of attention, kung pwede lang niyang suntukin si Calixx dahil sa kalokohan nito ay ginawa na niya kanina pa.

"Gigising ka, either magluluto ka ng breakfast mo or bibili ka nalang ng coffee sa Starbucks bago pumasok, classes, lunch sa Hemlock's with us, Warm up, Training, Dinner, Uuwi, matutulog, and repeat."

"Since when did you become my stalker, Calixx?"

"Uy hindi ah! Mas alam pa nga nung mga tunay na stalker mo ang ginagawa mo everyday! I know those stuff dahil best friend kita and I can't have my best friend, and my freaking wing man go celebate."

"Just because I'm not sexually active doesn't mean my life is dull."

His life isn't dull.

Or is it?

He seriously didn't care. Gusto niya ito so he had to live with it. He doesn't have time to fool around. Kahit na nasa kanya na ang lahat at aware rin siya na isa siya sa lalaking pinagpapantasyahan ng SAU students, wala pa rin siyang oras na bigyan ito ng atensyon. Hindi naman siya magastos sa bagay, hindi siya ganon kaluho. Binibili lang niya ang kanyang kailangan lalo na para sa school. Minsan ay napapadpad siya sa Mall at bumibili na rin but sinisigurado niyang hindi naman sumusobra ang kanyang gastos.

Untitled StoryWhere stories live. Discover now