Chapter Four

715 42 2
                                    

Chapter Four

"Uyy ang cute naman niyan!" Puri ni Danah sa bagong notebook ni Louise. Sabay kasi sila ng vacant ngayon, three hours pa kaya naisipan na nilang dumayo muna sa Southmall at tumambay sa Starbucks. Nagsasawa na kasi si Louise sa SM Bacoor dahil puro gangster wannabes at jejemon nalang ang naka tambay dito. Masakit sa mata. Lumalabas bigla ang pagiging mapanghusga niya, she's has an inner bitch at sinisigurado niyang hindi ito bigla biglang lumalabas.

Kaya medyo malayu layu ang dinayo nila, ayos lang naman dahil matagal rin naman silang mananatili rito. Naka latag lang sa lamesa nila ang mga gamit niya at hindi niya napansin na pati iyong notebook na galing kay Reigan ay nailabas niya. Inabot ito ni Danah at tinignan, wala pa namang nakasulat rito at natanggal niya na rin ang note na nilagay ni Reigan.

Dalawang araw na ang naka lipas, patuloy parin ang stalking escaped niya kay Reigan Del Fierro. Inaasahan niya may tweet ito or post man lang ngunit wala. Pati ang mga kaibigan nito ay finallow na rin niya. Napaka stalker na talaga niya, hindi naman siya masisisi dahil naging curious siya dito. Bakit ba siya nito bibigyan ng notebook? Wala naman siyang ginawa rito, ito pa nga ang tumulong sa kanya. Tanging social media lang ang nagiging connection niya sa mundo ni Reigan.

"Dito mo to binili?" Tanong ni Danah at ibinalik ang notebook sa lamesa.

"Hindi, sa Robinson. Napagtripan ko lang bilhin ang ganda kasi e"

Yes, she lied. Hanggang ngayon ay parang sensitive at hindi siya kumportable sa 'Reigan' topic. Alam niya kasing once na malaman ng mga kaibigan niya ito ay uusisain siya and she doesn't want to answer questions.

"Maganda yung design sa Papemelroti dito no? Yung vintage bike. Gusto ko non!"

"Edi bumili ka! Mayaman naman kayo!"

"Hindi nga sabi kami mayaman! Kulit nito!"

Tumawa si Louise nang binato siya nito ng tissue. "Nung summer nga halos libutin niya na ang Asia habang ako staycation lang."

"Akala ko ba ang plano kayo ng roadtrip?"

"Baka ngayong sem break. Basta ako go lang, sama ka ba?"

"Hindi ko alam e, depende sa descision ng parents, baka kasi pumunta rin kaming Cebu. San ba plano niyo?"

Sumandal siya sa kanyang upuan at ngumuso. "I dunno. Maybe Laguna, Batangas, Baguio, or Bicol. Iyon ang choices"

Nag plano silang tropa mag Roadtrip dahil High School palang ay gusto na nila ito, ngayon namang College na, may pera na at settled na rin ang sasakyan then hindi na malayo itong matuloy. Gusto sana niya sa Bicol dahil halos lima sa kanila ay tiga roon, may matutuluyan kaagad, hindi na kailangan pang gumastos sa Hotels. Gusto rin naman niya sa Baguio dahil hindi pa siya nakakapunta roon at malamig. She just wants to travel, isa ito sa hilig niya at ngayong kasama niya ang kaniyang mga kaibigan, hindi na niya maiwasang ma excite.

"Tapos pag summer sa Cebu naman! Doon kayo sa bahay namin!"

Humalakhak si Louise. "Di kami kasya don no!"

Taga Cebu kasi si Danah, doon ito nag aral hanggang High School at ngayong College lang napagdesisyunang lumipat sa Manila. Galante talaga ito, kaya nga ayos lang kung i-offer nito ang bahay nila. Kanina nga ay gusto pa siyang ilibre nito ng Java Chip ngunit tumanggi siya. Kaya naman niyang magbayad ng sariling inumin.

"Gusto ko rin sa Cagayan de Oro o kaya Davao, basta malayo" ngiti ni Louise at pinaikot ikot ang ballpen sa kamay.

Tumunog bigla ang kanyang cellphone, mukhang madalas na siyang kino-contact ng mga kaibigan niya dito. Sinilip naman niya si Danah na ngayon ay busy sa iPad kaya sinagot na niya ang tawag.

Untitled StoryWhere stories live. Discover now