Chapter Five

713 51 1
                                    

Chapter Five

Hindi na maalis ni Louise sa kanyang sistema ang kaba simula nang in-accept niya si Reigan. It's been a week, tuwing umuuwi siya ay kinakabahan siya tuwing nag l-load na ang notifications niya. Nothing was out of the ordinary sa makalipas na linggo, no new tweets or even statuses. Ngayon napagtanto na ni Louise na hindi ito madalas mag online, di tulad niya na halos gabi gabi.

Naka open ang kanyang mobile data habang nag s-scroll down sa kanyang news feed. Maiingay namang nag uusap ang kanyang tropa sa tabi at sa unahan, okupado nila ang gitnang line sa second and third row sa taas ng Cinema 7 kung saan ginaganap palagi ang Feast. Natatabunan rin naman ng ingay ng banda sa stage ang usapan ng kanyang mga kaibigan. Worship song ang umaalingawngaw sa buong cinema at halos puno na rin ito. Tinignan ni Louise ang oras sa kanyang cellphone, ilang minuto nalang ay magsisimula na ang countdown.

Yung iba niyang kaibigan ay hindi pa nadating, may oras pa naman at halatang hindi sila makukumpleto ngayon. Madalas nalang kasi mangyari iyon dahil may kanya kanya na silang buhay.

Narinig na niyang magsimula ang countdown kaya't agad niyang tinago ang kanyang phone. Natahimik naman ang lahat ngunit tumayo rin para maki sing along sa mga worship songs na tinutugtog.

Louise felt at ease again, kumportable siya tuwing nasa Feast. Bawas stress, and it's really fun.

Sa free hug minute ay nagyakapan sila, ang ibang mga kaibigan niya noong HS ay umakyat rin para makiyakap, dito nalang kasi niya nakaksalamuha ito.

Umupo na rin sila and listened to the talk.

Sa kalagitnaan ng pagsasalit ng Preacher, umakyat ang isang lalaki. Damit palang ay kilala na ng lahat kung sino ito.

Nanatili ang mata ni Louise sa harapan, kahit na si Yvan at ang kasama nito ay umupo sa harapang row nila katabi ang mga lalaki nilang tropa. The guys isn't familiar, nasilip niya ang itsura nito pa side view. Hindi naman mapakilala ni Yvan dahil tuloy pa rin ang talk sa harap ngunit napansin ni Louise na tinanguan ito ni Wesley at Edwin. Tumango rin ang lalaki pabalik.

Nakinig nalang si Louise sa talk hanggang sa matapos ang Feast. Sabay sabay na silang nag babaan at kumuha ng Verse of the Day sa exit ng Cinema. Nag tipon naman silang lahat sa harap ng mga showing posters, habang binabasa ang kanya kanyang verse.

"Bagay sa'kin 'to ngayon ah" Kumento ni Jamaica at ibinulsa ang maliit na papel.

Nilingon ni Louise ang exit door at nakitang palabas na rin ang mga boys. Nahuhuli si Yvan at iyong kaibigan niya, mukhang may pinaguusapan sila.

"Guys, si Tommen. Tommen, my one and only tropa since High School" Pakilala agad nito nang magkumpulan na sila.

"Anong plano?" Tanong kaagad ni Edwin pagkatapos ng pakilala session.

"Movie Marathon?" Suggest naman ni Jam.

"Game. Kaninong bahay? Sa inyo Jam?" Ani Jenny.

"Sandali lang, paalam lang ako." Inilabas naman kaagad ni Jam ang kanyang iPhone habang natawa naman ang iba. Alam ni Louise ang insiip ng mga ito, ang tanda na nila at kailangan pa talaga nitong magpaalam. Para namang hindi pa sila nakakapunta sa bahay nito.

"Hindi ako makakasama, kayo nalang. May pupuntahan pa kami." Sambit ni Yvan at tinuro si Tommen sa kanyang tabi.

"Ayos lang pre," tugon kaagad ni Edwin.

"Kayo Maria? Anong oras kayo uuwi?" Tanong ni Yvan kay Mariana na ngayon ay kabulungan si Mikhail.

"Baka mamayang 5 or 6, sasabay nalang siguro kami kay Papa."

Untitled StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon