Chapter Six

671 38 8
                                    

Chapter Six

"Oh my god! That was you?!" Nanlaki ang mata ni Sasha at tinuro pa si Louise. Napayuko naman si Louise sa hiya dahil nakita niyang may mga tumingin sa gawi nila, and also Reigan's laugh.

"What a small world..." Tawa rin agad ni Sasha at umiling.

"A small world indeed."

Inangat ni Louise ang kanyang tingin at saktong tumama ito sa naka ngising si Reigan.

"So ganon nalang 'yon? nung nakita mo na lalayasan mo?" Mataray na tanong ni Sasha kay Reigan sabay turo kay ulit kay Louise.

Her cheeks flamed dahil sa eksena nila ngayon. God. She can't take this. Gusto na niyang tumakbo palabas.

Hindi siya maka paniwala na ang mga kaibigan ni Yvan at kaibigan rin ni Reigan. Ibig sabihin na 'non ay kilala ni Yvan si Reigan?

I guess Social Media accounts wasn't our only connection. Small world talaga.

"She won't talk to me" Tawa naman ni Reigan pabalik holding his hands up in defense.

"Of course she won't talk to you, bakit? Sino ka ba?" Keanu snorted.

"I'm her Twitter follower and friends na kami sa Facebook" Reigan reasoned.

"That doesn't make you automatically friends," humalakhak si Sasha sabay ngisi kay Reigan. "We're friends dahil we've been introduced to each other by Yvan."

"Kilala mo si Yvan?" Tanong ni Reigan kay Louise. She really can't believe na umaabot ang Social Circle ni Yvan sa SAU. Matindi talaga ang pagiging Social Butterfly ng isang 'yon.

"Uhh I think I better go..." nagmadaling lumabas si Louise. Mahigpit ang kapit niya sa kanyang bag. Marami pa namang bookstores rito, at malaki ang MOA kaya sigurado siyang hindi na niya makikita ang mga ito. Nakita na niya si Reigan, at kinausap. That's enough right? Iyon lang naman ang gusto niya. Nung nangyari na, she made a fool out of herself. Alam naman niyang wala na siyang maisasagot pa rito, ngayon kilala na niya kung sino ito. Kaya lang naman siya nagkaroon ng lakas ng loob kausap ito sa SAU noon dahil hindi pa sila magkakilala.

She sighed nang makapasok na siya sa loob ng Mall. Mag l-lunch muna siguro siya bago maghanap ulit.

She was having lunch alone sa isang tahimik na resto, mas pinili niya iyong hindi masyadong maraming tao. Mahirap rin dahil linggo, family day. Tinanggal na muna niya ang kanyang blazer para naman malamigan ang kanyang balat habang binabasa ang text ni Danah.

From: Danahee

Pleaseeee do me a favor. You'll understand my situation naman e!

To: Danahee

Ano ba kasi yun? Sabihin mo na hangga't nandito pa ako at may sipag mag hanap.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ito mag reply.

From: Danahee

DUDE I NEED YOU TO BUY THE KILL ORDER OR ELSE I'LL DIE KUNG HINDI KO PA YON MABASA. I CAN'T ESCAPE THIS HELL HOLE RIGHT NOW SO PLEASEEEEEE

Natawa siya. Alam niyang ang The Maze Runner series ang binabasa nito ngayon and Danah is currently at a business lunch kasama ang kanyang buong pamilya. Halata naman na b-bore na ito roon. Pumayag rin naman siya sa gusto nito, marami siyang baon ngayon at naisip niya rin na bilhin na ang bagong copy ng Fallen, dahil nasira na ang una niyang copy. Basta kung ano ang matipuhan niya. Sana lang ay wag siyang mawalan ng gana.

Pagkatapos niyang kumain ay tumungo na siya sa Powerbooks. Naging mabilis na rin ang oras, sunod noon ay nakipagkita na siya sa kanyang Mama at kapatid. Pagkatapos nilang mag grocery at bilhin ang kailangan ng kapatid, umuwi na rin sila. It was a very tiring day, all throughout of it hiniling niya na huwag nang makita sina Reigan. She feels really awkward around them, the fact that they know who she is...napapailing nalang siya.

Untitled StoryWhere stories live. Discover now