Chapter Three

763 44 2
                                    

Chapter Three

Mabilis nang lumipad ang oras, patuloy parin ang buhay ni Louise na para bang walang nangyari. Kahit na paminsan minsan ay sumasagi ito sa kaniyang isipan ay binabalewala niya rin ito agad. Oo nga't gusto niyang makita ulit si Reigan ngunit ngayon ay kilala na niya ito at alam niyang hindi lang pwedeng lapitan ng basta basta, pumasok sa kanyang isipan kung paano ang layo nilang dalawa. Saka malabong mangyari na makita niya ito sa Hemlock's kahit na doon pa sila kaumain ng lunch, linggo ngayon. Hindi naman niya alam ang schedule nito, kahit na sa training, dahil hindi naman siya ganon ka stalker.

Sa lumipas na tatlong araw ay wala namang bago sa twitter account nito. Oo, pinanindigan na niya ang pagiging stalker, inisip naman niyang hindi siya nag iisa. Sa daming fangirls nito ay hindi talaga siya nito mapapansin, mukhang nakilala lang talaga siya nito kaya ito nag follow back. Hindi naman niya iyon binaggit sa kanyang mga kaibigan, kahit kay Danah ay hindi siya naging kumportableng i-kwento ito. She feels like the Reigan topic was private, yung hindi pwedeng i-kwento sa iba. Ayaw niyang may makaalam na nakilala, at paano niya nakilala ito.

She'll just go with the flow now. Like always. She will not be affected and continue her life.

Kasasakay lang nila ng Van patungong Lawton, halos mapuno nila ito kaya masaya dahil ang ingay ng mga ka tropa nilang lalaki. Umiling lang siya at sinalpak ang kanyang earphones.

Kagagaling lang nila ng Feast Bacoor, naging normal na sa kanila ang magkita tuwing Sunday ng umaga para umattend dito. Dahil High School palang sila ay ugali na nilang umattend dito, it was a breath of fresh for Louise dahil nakakabawas ito ng stress para sa kanya. Iyon nga rin ang nakakatuwa, dahil lahat sila sa religious. They were connected by faith and by God. Kahit na ang makikisig at maloko niyang lalaking ka tropa ay mas masipag pang umattend ng Feast kaysa sa kanilang mga babae.

Sinama niya rin si Danah sa Feast ngunit umuwi rin ito agad at hindi na makakasama sa kanila sa Manila dahil may lakad daw ito kasama ang kanyang pamilya.

Kahit na nakikinig siya sa music, rinig parin ang pag tili ng mga babaeng nasa kanyang unahan. Mahina lang naman kasi ang tugtog dahil nakikinig parin siya sa usapan.

Bigla namang humarap si Allyza sa kanya hawak nito ang kanyang cellphone at pinaka kita ang picture ni Reigan Del Fierro na may malapag na ngiti.

"Gwapo no?" Tawa nito.

"Bagay siyang model ng Penshoppe" Singit ni Jam.

"Sean O'pry lang ang peg" Tawa naman ni Maria na ngayon ay katabi ni Louise.

Ngumiti lang si Louise at tumango, alam niyang iikot na naman ang mga leeg nito pag dating nila sa Hemlock's.

Iyon nga ginawa ng mga ito nang makarating sila. Tinatawanan lang ito ng mga lalaki, na may halo ring pang aasar.

"Bakit kasi nag hahanap pa kayo ng gwapo e andito naman kami?" Humalakhak si Yvan.

"Tse! Sawa na kami sa mukha mo!" Ismid naman ni Jenny dito.

"Kitang kita pala dito ang SAU no?" Sambit ni Kimberly nang maupo na sila.

"Grabe naman kasi 'dyan. Nakakamatay yung tuition" Sagot naman ni Edwin.

Pinagpasa pasahan na nila ang menu, mabilis naman sinabi ni Louise ang kanyang order at iginala ang paningin sa buong resto. Puro Locals ang narito ngayon ay mukhang walang SAU Student dahil nga linggo katulad na ng inaasahan niya.

"Kahit na madalas na kong nakakapunta rito, nakaka asiwa parin talaga yung hangin" Reklamo ni Marko sabay paypay sa sarili. Sampu lang sila dahil hindi naka sama ang iba. Anila'y busy raw, o may family affair kaya hindi sila nakasama. Ayos lang naman iyon, marami naman sila kaya masaya parin. Maiiwan naman ang apat, si Mariana, Mikhail, Yvan at Wesley dahil uuwi na sila kanilang apartment at condo ngayon dahil linggo na. Tuwing Friday sila ng gabi umuuwi o kaya'y sabado ng umaga sa Cavite para doon matulog sa kani kanilang bahay. Kung siguro ay dito nag araw sa Manila si Louise, magkasama sila sa iisang condo ni Mariana.

Untitled StoryWhere stories live. Discover now