Chapter Two

858 48 7
                                    

Chapter Two

Dumaan ang dalawang linggo, nag focus lang si Louise sa kanyang pag aaral katulad ng dati. Hindi naman siya mahilig gumala, o mag liwaliw, nagagawa lang naman niya ang ganon tuwing kasama niya ang tropa. Ngayong College na siya, sila, kaonti lang ang nakakasalamuha niya. She prefers it that way kaysa sa isang kumpol na kaibigan na hindi ka naman kilala, tanging sa pangalan lang, ugali ay hindi na. Kaya nga ngayon ay isa lang ang kaibigan niya.

Bumuntong hininga siya nang matapos na ang kanyang huling klase na para sa araw na ito. 7pm na, ayaw na ayaw niyang nauwi na ng gabi ngunit wala naman siyang magagawa dahil ito ang kanyang schedule. Na miss niya tuloy bigla ang kanyang High School life, iyong bago pa mag alas sinko ay nasa bahay na siya at nagpapahinga, hindi naman uso sa school nila noon ang homework kaya kung hindi nag iinternet, nag babasa, ay tulog na kaagad siya pag uwi.

Noong Freshman siya ay halos mamatay na siya dahil sa homework, kaya ngayon ay napaka importante ng tulog sa kanya. Buti ngayon ay wala siyang gagawin kaya pwede siyang matulog kaagad pag uwi, pagagalitan na naman siya ng kanyang Mama kapag lumiban na naman siya sa dinner kaya kahit na hindi siya gutom ay kailangan niyang kumain.

Inayos niya ang kanyang gamit at lumabas na ng room, sabay silang lalabas ng kaibigan niyang si Danah ngayon kaya kailangan pa niya itong hintayin.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin si Danah. Tamad na tamad itong tumabi sa kanya kaya natatawa niyang inaya ito umuwi.

"Bakit napaka stressful ng college?" Buntong hininga nito. Ngumiti naman si Louise, hinintay muna nilang kumonti ang tao palabas ng gate bago sila maki halo dito.

"Ganyan talaga ang life. Mas mahirap pag matalino ka, mas focus ka sa pag aaral. And College is Reality." Siniko niya ang tagiliran nito.

Sumimangot naman si Danah, "What are you implying?"

"Matalino ka kasi e, mas seryoso ka pa sa'kin"

"Tse! Mas matalino ka! Balita ko ikaw ang unang nagpasa nung project niyo at mataas ang nakuha mo!"

"Stalker ba kita?" Tinaasan niya ito ng kilay.

"Hindi. Binalita lang ni Jam sa'kin, na galing naman kay Yvan."

Natawa naman si Louise. May crush it okay Yvan, pa minsan minsan ay nakikisama rin naman si Danah sa iba niyang kaibigan kaya kilala siya ng mga ito.

"Kaya si Yvan ang stalker mo at hindi ako."

Umiling nalang siya at nakitang naroon na ang sundo ni Danah. Nagpaalam siya dito at tumulak na patungo sa sakayan ng jeep. Sinalpak nalang niya ang kanyang earphones sa tenga buong byahe pauwi, natagalan pa dahil sa traffic palabas ng Imus dahil sa ginagawang daan. Nang maka uwi siya ay sakto ring kakauwi lang ng kanyang Mama kaya diretso dinner kaagad sila, inatupad niya rin ang kanyang pagiging panganay, meaning 'taga linis' dahil walang silbi ang kanyang nakababatang kapatid, bago tuluyang makapag pahinga. Kapag may pasok ay ang Tita naman niya ang nagaasikaso sa kanila, kaya minsan ito rin ang nagawa ng gawaing bahay.

Binuksan niya ang kanyang tablet at nag online na sa lahat ng kanyang social accts.

Napansin naman niya ang tadtad na messages sa group chat ng kanilang tropa sa Facebook.

Jenny: Jam ano na?

Jamaica: Wait lang. Hindi umuubra yung stalking skills ko. Sandali lang talaga.

Allyza: Nahanap ko na!

Parating 'seen' lang naman ang ginagawa niya sa mga usapan ng mga ito, hindi naman siya nakikisali dahil wala rin naman siyang sasabihin ngunit mukhang kanina pa itong pinaguusapan nila. Mag b-back sana siya nang may bagon message si Allyza.

Untitled StoryWhere stories live. Discover now