Six

67 27 56
                                    

Hi may inedit po ako sa Chapter trois at quantre hehehehe sa quantre may dinagdag lang ako hehehe re read nalang po kayo ^^
----

Skye's pov

Ng magising ang binata, gumising ito ng unan na lamang ang kanyang yakap at wala na si Irish. "Irish?" tawag nito dahil baka andito pa ang babae nilibot ng kaniyang mata sa paligid ngunit wala ng Irish ang nandito. "Nasan na ang babae na yun hayst!" sabi nito sakaniyang sarili.

Naupo ang binata sa gilid ng kaniyang kama at kinuha ang kaniyang telepono sa side table niya ng makita niya ang maliit na puting papel, na may naka sulat na maikling mensahe para sakaniya. Kinuha niya ang maliit na puting papel at nabasa niya ito, galing pala ang mensaheng ito kay Irish. Napatango na lamang ang binata ng mabasa niya ito.

Nagtungo naman siya sa kusina ng kaniyang condo dahil ang sabi nito ay naghanda na siya ng umagahan para kay Skye.

Kinuha ni Skye ang dalawang sandwich na nasa lamesa na may nakaiwan ding maliit na papel dito at kaniya naman itong kinuha at binasa.

Enjoy your Breakfast Mr. Skye :)

Napangiti naman si Skye sa ginawa ng babar nato. Inilagay ni Skye ang mga sandwich sa oven para maging mainit to muli.

Kalmadong na nagintay si Skye dito ng may biglang tumunog ang kaniyang telepono.

Secretary is calling....

Agad naman itong sinagot ng binata. "Yes Hello?" malamyang salita nito.

"Good morning po sir. Andito po si Mr. Bradley Sebastian. Nangungulit po siya dito sir at hinahanap kapo. Sabi kopo kasi mamaya kapa papasok" sabi ng secretary ni Skye.

"Okay punta nalang ako diyan salamat" pagkasabi ni Skye nito ay agad niyang binabaan ito ng telepono.

Mamaya lang ay tumunog na ang oven hudyat ng tapos ng mainit ang kaniyang sandwich. "Bakit naman biglang pupunta ang ama ni Thessaly sa aking opisina at mangungulit ng ganon?" tanong sa isipan ni Skye. Mabilis itong kumain at pumunta sakanyang bathroom.

Habang naliligo ang binata hindi parin maalis sakanyang isipan kung bakit andon ang ama ni Thessaly. At the same time naiisip niya ang kaniyang ama na namayapa at hindi ito nawawala sakaniyang isipan.

Pagkatapos nitong maligo ay nagbihis ito agad. Inayos ang kaniyang sarili naalala pa niya si Thessaly na dati rati ay madalas itong ipagluto ang binata ng umagahan nito. Sa tuwing isinusuot nito ang uniporme ang huli nitong ginagawa ay ayusin ang kaniyang necktie. Matapos nitong ayusin ito ay tiningnan niya ang kaniyang sarili, "Nasan na kaya si Thessaly? Walong taon na wala parin siya" kausap niya sa sarili niyang repleksiyon sa salamin. 

Naalalang muli ng binata ang mga araw na nasa tabi pa nito ang kaniyang mahal na si Thessaly, inaayos ang kaniyang necktie dahil sa maling pamamaraan nito ng pagtali dito. Na para bang ina ito sakaniya dahil parang bata sa pagaayos ng kaniyang necktie. 

Umiling ang binata "wag monang isipin yun Skye sanay ka naman ng wala siya dimo na siya kailangan, walangya ang babae na iyon" sabi nito sakaniyang sarili pagkatapos ay agad niyang kinuha ang susi ng kaniyang kotse at dali daling lumabas ng kaniyang condo. 

Paglabas ng binata ay may isang batang babae ang bumati dito. "Hi! Mr. Grayson Good Morning!" nakangiting bati dito ng batang babae na ngayon ay nakangiti at tila wala na itong mata sa kasingkitan. 

Nabaling naman dito ang atensiyon ng bata sa bigla nitong pagbati, tinitigan ni Skye ang bata "Hmm, Hi? Who are you? What''s your name?" tanong nito sa batang babae at lumuhod upang maging kasingtaas ang bata. 

"Hello! Im Averil, Averil Caspienne!" masiglang sagot ng batang babae dito ng nakangiti. "Wow! I like your energy little girl. Who is your parents? Nandito ba sila? Anong----" hindi pa natatapos magsalita ang binata ng may tumawag dito.

"Averil!?" tawag ng isang babae dito. Napalingon naman ang dalawa sa babaeng tumawag sa bata. "Yayiii!!!! Bye Mr. Grayson!" tumakbo ang bata sa taga pag alaga nito at lumapit ang babae sa binata. 

"Pasensya napo sir, malikot po kasi ang alaga kong si Averil sige po una napo kami" umalis ang batang babae kasama ang kaniyang yayi. Magsasalita pa sana si Skye ng biglang tumunog ang kaniyang telepono sa bulsa.

Secretary is calling...

"Sir, nasan na daw po kayo? hinahanap po kayo ni Mr. Sebastian" bungad nito sa kabilang telepono. "Papunta na kamo ako, kung di siya makapag intay. Umalis nalang kamo siya" masungit na sabi ng binata dito. 

Lumabas na ang binata sa gusali at dumeretsyo sa parking lot. Pagkasakay sakaniyang kotse na Bugatti ay agad niyang binuksan ang makina nito at pinainit sandali. Maya maya lang ay umalis na siya dito at pinaharurot ang kaniyang sasakyan.

Habang nasa biyahe ito papunta sakanilang kompanya ay naalala nito ang batang babae na kanina lang ay kaniyang nakita. "Ang batang iyon ay parang si Thessaly. Ang mga ngiti niya ang singkit na mata nito na may mahahabang pilikmata at ang wavy black hair nito dagdag pa dito ang magandang hugis na muka nito at defined jawline, matatangos ang ilong. Maganda ang batang babae na iyon at magaan ang loob ko dito" pagiisip ni Skye sa batang babae. Napailing nalang ito. "Namimiss kolang ata si Thessaly" at biglang hinarurot ang kaniyang Bugatti. 

Pagkarating sa kompanya ay sinalubong ito ng kaniyang sekretarya "Sir goodmorning po nasa opisina niyo po si Mr. Sebastian" sambit nito sa binata. "Ano bang kailangan niya?" tanong ng binata, kinuha naman ng sekretarya ang dala nitong bag at pumasok sa gusali. 

Pagkapasok sa loob ng opisina ay tumambad ang isang matandang lalaki na si Mr. Sebastian. " Skye, Your here!" sabi nito. 

"Bat ka naririto? Anong kailangan mo?" sagot nito dito at naupo sakaniyang swivel chair. 

Naupo din naman si Mr. Sebastian sa upuan na nakatapat sa table ng binata. "Kelan moba ibebenta ang mga shares mo sa akin?" sambit nito. Agad na napatingin ng masama si Skye dito at mahinahong nagsalita. "Anong shares? Hindi ko binebenta ang shares ko."

"Oh c'mon Skye. Ang pride mopa rin? Alam mong maghihirap kapa lalo na't wala na ang iyong ama na sumira ng reputasyon ko" mayabang na sabi ng matanda dito. 

Napatayo naman si Skye ng marinig ito. "What the hell are you talking about? Ang nangyare sa'yo at saiyong pamilya dahil lamang sa sarili mong kagagawan Bradley Sebastian!" mataas na boses nitong sambit. 

Sumenyas naman si Skye sakanyang sekretarya na ito ay lumabas na. Sumunod naman ang sekretarya nito at lumabas ng opisina. 

"Wag kang magbulag bulagan Skye. Alam natin parehas na ang ama mo ang may kagagawan ng lahat ng ito" tumayo si Mr. Sebastian mula sakaniyang pagkakaupo.

Napahampas ng kamay si Skye sakanyang lamesa at galit na nagsalita. "Walang katotohanan ang mga paratang mo sa aking ama Bradley! Wala kang patunay!" 

"Huwag kang mag alala Skye iniintay ko lamang ang aking anak na si Thessaly. Patutunayan niya ito sa atin." pagkasabi nito ng matanda ay agad na itong lumabas ng opisina ng binata. 

Nagulat ang binata sa sinabi ng ama ni Thessaly ang kaniyang minamahal. Nanghina ang kaniyang tuhod sakaniyang narinig at bigala nalamng itong napaupo sa kaniyang upuan at napasapo sa noo nito. "Ano bang nangyayare? Anong meron kay Thessaly? Ano ba ang hindi ko alam?!" gulong gulo na tanong ni Skye sakaniyang sarili at napasabunot nalamang sa buhok nito at hinagis lahat ng kaniyang kagamitan na nasa kaniyang lamesa. 

---------------------------------------------------------


Skye Grayson (Chain Of Hearts Series #1) ON GOINGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora