Dix-neut

12 3 0
                                    

"Tama napooo! Maawa kayo sa mga anak ko" sigaw ng isang ina habang ang dalawa niyang anak ay walang awang hinahampas.

"Patayin moko! Hindi ako natatakot. Makokonsensya karin sa iyong gagawin, sinusumpa ko yan." sigaw ng isang matandang lalaki habang ang mga ulo ay nakasilid sa sako.

"Magbabayad kayong lahat!"  isang babae na tatahiin na ang kaniyang bibig.

Isang pamilya buong pamilya na naliligo sa dugo. Mga anak na parang mga karne utak ng ama na nakakalat sa sahig. Ina na tahi ang bibig.

Matanda na balat ang muka.

Isa pang babae na tahi ang bibig at nakasabit sa puno

"ahhhhh!" napabangon si Castriel sakaniyang napanaginipan at hinihingal ito.

"Kuya ayos kalang?" tanong ng kambal nito na si Jodan habang hinahaplos ang likod nito.

"Napanaginipan ko silang lahat" nakatulalang sabi ni Castriel sakaniyang kapatid.

"Matulog ka muna kuya bukas na natin pagusapan yan." mahinahon na sabi ng kakambal.

Nilingon ni Castriel ang kaniyang kakambal. "Jodan, patawarin moko. Dinamay kita sa trabaho kong ito. Alam kong hindi mo kayang pumatay pero ginawa mo para sa akin." halara sa muka ni Castriel ang pagsisi sakaniyang ginawa.

"Hindi natin maitatama ang mali kuya kung magtatago lang tayo dito." sabi ni Jodan sakaniyang kakambal.

"Bukas na bukas pupunta tayo sa mga pulis. Bibigyan natin ng hustisya. At sisiguraduhin kong makukulong ang mga Jill" matapang na sabi ni Castriel sakaniyang sarili at sakaniyang kakamabal

--------

"Bumangon kana diyan Jodan" paggising ni Castriel sakaniyang kakambal na mahimbing na natutulog.

Agad namang nagising ito at tumingin sakaniyang kuya na ngayon ay nakaayo na.

"Sigurado kana ba? Kuya makukulong tayo ulit." sabi nito sakaniyang kuya habang nagkukusot ng mata.

"Handa akong makulong."

Mabilis na nagayos si Jodan habang ang kaniyang kuya ay nagiintay sa labas. Binalot nila ang muka nila ng itim na tela at saka lumabas ng kanilang bahay at pumunta sa pulisya.

Pagkarating nila sa loob ng pulisya ay nakatingin ang mga pulis sakanila habang ang mga baril ay hawak hawak na.

"Sino kayo?! Magpakilala kayo" sigaw ng hepe ng mga pulis na nakahanda na at hawak ang baril.

Agad na tinanggal ng kambal ang tela na naka balot sakanilang muka at itinaas hanggang balikat ang kanilang dalawang kamay.

"Hulihin sila!" sigaw ng heneral.

Agad namang pinosas ang kambal.

"Magsasalita kami." walang emosyong sabi ni Castriel.

----

"Sila ang kambal" sabi ni Thessaly ng makita sina Castriel at Jodan na nasa balita.

"Ako si Castriel Lee at siya ang kakambal kong si Jodan Lee." matapang na pagpapakilala nito sakanilang sarili.

"Kami ang binayaran ni Mr. Blakely Jill sa lahat ng krimen na nangyare sa pagitan ng Tetronis at d'Urbervilles.

Skye Grayson (Chain Of Hearts Series #1) ON GOINGHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin