Huit

55 24 55
                                    

Habang nagmamaneho pauwi ang binata naalala niya si Olivia na kanina lang ay kaniyang naikama. "Ang babae na yun hays! Bakit kaba nagkakaganyan Skye!? Hindi ka naman ganyan ha!?" sabi nito sakaniyang sarili at hinampas hampas ang kaniyang manobela.  "Hindi kona tatanggapin si Thessaly! Napaka tagal na niyang hindi bumalik! Bahala na siya sa buha niya! Nakakaloko na siya!" nababaliw na sabi ni Skye sakaniyang sarili. 

Pagkadating ni Skye sa gusali ay agad niyang nipark ang kotse niya. Mahilo hilo pa ito kaya ng pumasok ito sa gusali ay pagewang gewang ang binata. 

Sumakay sa Elevator ang binata at binindot ang 18 dahil nasa 18th floor ang kaniyang condo. Paglabas niya ng elevator ay patuloy parin siya sa pag gewang gewang. "Bakit bako sa condo umuwi? Dapat sa bahay e. Pero hayaan mona ayaw kong makita ang bastardang si Hadley!" bangag na sabi nito habang papikit pikit nito na hinanap ang kaniyang room na #118 at pagkadating sa  tapat ng pintuan nito ay dinukot niya ang kaniyang wallet para kunin ang card na pang bukas ng pinto at inswipe ito dito. 

Pagkapasok niya ay dumeretsyo ito sa kaniyang kama at nanlaki ang kaniyang mga mata ng ma makita siyang magandang dalaga na nakahiga dito. "w-wait? m-mali b-ba a-ang r-room na p-pinasukan ko?" nauutal na sabi nito at tumingin sa paligid.

 "Condo ko naman ito" sabi ng binata sa sarili at kinusot niya ang kaniyang mata.

Ng mapagtanto ng binata kung sino ang dalaga "Ah-- Eh Huh? P-pano?"


-----------------

Thessaly's Pov 

Ilang oras nalang at ang eroplanong sinasakyan nito ay bababa na sa pinas. Huminga ng malalim ang dalaga ng tumingin ito mula sa itaas. "Marami akong haharapin dito at aayusin. Lalo na si Skye, wala ako sa tabi niya ng pumutok ang balita sa pagkamatay ng kaniyang ama. At ngayong pauwi na ako tutulungan ko siya sa pagkamit ng hustisya." determinadong sabi ng dalaga sakaniyang sarili at unti unting tumulo ang kaniyang luha at agad niya itong pinunasan. 

Pagkababa ng eroplano ng dalaga ay dali dali itong tumakbo kung saan nagiintay ang kaniyang ina na si Alley habang hila hila ang kaniyang maliit na maletang kulay dilaw na galing sa kaniyang mahal na si Skye. 

"Mamaaaa!" sigaw ni Thessaly ng makita niya ang kaniyang ina at tumakbo ito dito at napayakap. Andito din ang anak niya na si Averil na naunang umuwi sakaniya ng isang buwan. 

"Mommyyyyy! Your here na!" sigaw ng batang babae at yumakap sakaniyang ina. "Ma? Bat sinama niyo pa si Averil? Diba sabi mopo sa akin ay nilalagnat ito?" sabi ni Thessaly sa kaniyang ina habang sapo ang ulo ng kaniyyang anak na nakayakap sakanyang bewang. 

"Anak makulit. Gusto kadaw niyang salubungin" sabi ng kaniyang Ina. 

Lumuhod si Thessaly sakaniyang anak upang maging kasing taas niya ito. "Anak bat pasaway kana?" malambing na sabi ni Thessaly habang hinahamplos ang buhok ni Averil. 

"Eh mommy sabi mopo kasi sakin ipapakilala mona sakin si papa ko" matinis na bigkas ng bata sakaniyang ina. Napangiti naman si Thessaly dito "Opo anak, sa ngayon kasi nasa New york daw si papa mo paguwi nalang niya." sabi ni Thessaly at napatingin sakaniyang ina.

"Tara mommy uwi napo tayo may regalo po ako sayo" Magiliw na sabi ng bata dito at hinila ang kaniyang ina papunta sa parking lot. 

Habang nasa biyahe tahimik lang si Thessaly na nakatingin sa bintana at iniisip nito si Skye kung paano niya lalapitan si Skye, kung pano niya ito kakausapin. At kung paano niya lilinisin ang nasirang reputasyon ng ama paano? At wala na ang sana ay katuwang sa pagsiwalat ng katotohanan na si Mr. Tyler 

Pagdating sa kanilang bahay ay agad na pumaripas ng takbo si Averil sa loob ng kanilang bahay "Averil! Magdahan dahan ka! " sigaw ni Thessaly dito. 

"Yayiiiiii! Si mommy andito naaaaa! Kunin mo ang regalo natin sakaniya" Masiglang masigla na sigaw ng bata dito ng ito ay makapasok sakanilang bahay at dali dali namang kinuha ng kanilang katulong ang sinasabi nitong regalo at ibinigay kay Averil. 

Pumunta si Averil sakaniyang mommy na ngayon ay kakaupo lang sa sofa. "Mommy here oh!" malambing na sabi nito, napangiti naman si Thessaly at hinagkan ang anak sa noo "bubuksan kona anak ha? Para malaman kona kung ano ang maganda mong regalo sakin" nakangiting sabi ni Thessaly at bahagyang pinindot ang ilong ni Averil. 

Excited ang bata ng mabuksan at makita ito ng kaniyang ina. Bakas sa mga mata ni Averil ang tuwa na nararamdaman nito. Ng mabuksan ni Thessaly ang regalo nito ay tumambad sakaniya ang isang frame kung saan andito ang drawing ni Averil na isang buong pamilya. 

"Hey mommy! This is me and you with papa! Diba momm ipapakilala mona kamo siya saken pag uwi niya dito galing New york excited nako mommy!" magiliw na sabi nito, at hindi namalayang tumutulo ang mga luha ni Thessaly "Thankyou anak ko"hinaplos nito ang pisngi ni Averil at naglakbay patungo sa buhok nito at isinukbil ang hibla ng buhok nito sa tainga at sabay niyakap ang bata. 

"Mom? Nasan si papa?" tanong nito sa kaniyang ina ng napansin niyang wala dito ang ama niya. "Umalis anak dito alam kung saan pumunta" sagot ng ina dito.

Skye Grayson (Chain Of Hearts Series #1) ON GOINGWhere stories live. Discover now