Treize

41 10 35
                                    

"Hi Ma. Nasan si papa? Si Averil?" tanong ni Thesssaly ng salubungin siya nito at bumeso "Nasa opisina niya anak bakit? Si Averil naman nasa mall kasama si Yayi." tanong ng kaniyang ina. "Wala ma, may tatanong lang sana ako sakaniya. Bat nasa mall?" sabi ni Thessaly at napatango naman ang Ina nito "Sige anak magluluto lang ako ng paborito mong nilagang baka. Nabuburyo dito sa bahay anak" sabi nito, napatango nalang si Thessaly dito at dumeretyo sakaniyang kwarto. 

Pagkapasok sakaniyang kwarto at agad na lumapat ang kaniyang likod sa kama "haaaay! nakakapagod" sabi nito at napabuntong hininga. Maya maya lang ay may naisip ang dalaga. Tumingin sa paligid si Thessaly "Nasan kaya yung box namin dati ni mama?" bulong nito sakanyang sarili at bumangon ito mula sakaniyang pagkakahiga at lumabas ng kaniyang kwarto.

Dahan dahang pumasok si Thessaly sa kwarto ng kaniyang ina pagkapasok niya dito ay agad siyang nag lock ng pinto. "Nasan kaya yung box?" bulong niya sakaniyang sarili habang hinahanap ang kahon. 

Tiningnan niya ang cabinet ng ina, binuksan niya ang lahat. Tiningnan niya ang walk in closet nito, hinalungkat niya ang lahat ng bagay na naririto hanggang sa "ah! alam kona! Agad na lumabas si Thessalyy sa walk in closet nito at dumapa sa sahig para makita ang nasa ilalim ng kama ng kaniyang magulang. "Huli ka! Pero dika kulong!" agad na sumuot ang dalaga sa ilalim ng kama at kinuha ang kahon at pagkatapos ay naupo ito sa gilid ng kama.

Pagkabukas nito ay bumungad sakaniya ang sandamakmak na mga sulat at dali dali niya itong binuksan. Na siyang kinagulat niya kung sino ang nagpapadala ng mga liham na ito.

_______________________________

d'Urberville
Tyrants Village
March 28, 2018

Mahal kong Alley, 

         Paumanhin mahal ko sa nangyareng panggugulo ko  sainyong magasawa kagabi. Patawad dahil hindi ko napigilan ang aking sarili na saktan siya dahil sa mga paratang niya sa akin tungkol sa pagiging sangkot niya sa droga. Si Thessaly lang ang pagasa natin, siya ang magaayos ng lahat. Mahal patawarin mo ako, sana alam mo kung gaano kita kamahal.

Hope to see you soon,Tyler Grayson

__________________________________

"Ano itong nakikita ko ?Ano itong nababasa ko? May affair ba sila ni mama?" tanong nito sakaniyang sarili ng marami pa siyang nakitang litrato ng dalawa na magkasama, magkayakap, masaya at mga liham na galing kay Mr. Tyler ng makita niya pa ang isang liham na siyang nagpakabog ng kaniyang dibdib.  

__________________________

d'Urberville
Tyrants Village
January 13, 2019

Mahal kong Alley, 

             Mahal sana sa araw na ako ay mawala. Sana ang pagiibigan natin ay magpatuloy kahit pa sa kabilang buhay. Alam mo kung gaano kita kamahal at sana sa pagmamahal ko sayo na'to ay naitama ko ang pagkakamali ko bilang asawa dahil minahal kita. Hindi ko kailanman pagsisisihan na minahal kita Alley, kung sana noon palang nakilala na kita. Sana ikaw ang pinili ko. Huwag mong pababayaan ang sarili mo at ang anak mong si Thessaly siya ang magbibigay ng hustisya sa lahat ng nangyayare. Salamat at nakinig ka sa akin na ilayo ang dalaga. Aalagaan ninyo ang pinakamamahal kong apo na si Averil gustuhin ko man siyang makita pero huli na. Huwag niyong ipapakilala si Averil na susunod na taga pagmana ng kompanya hanggat hindi pa tapos ang problemang ito. Patawarin mo ako kung tatanggapin kona lang ang kamatayan ko.

We will meet again,Tyler Grayson

____________________________________________

Skye Grayson (Chain Of Hearts Series #1) ON GOINGWhere stories live. Discover now