Neuf

48 20 46
                                    

Maagang nagising ang binata at nag-unat ng kaniyang katawan, inilibot ang kaniyang mata sa paligid ng hindi na niya nakita si Thessaly na nasa kaniyang kama "sabi na bangungot lang yun, hindi naman na magpapakita sakin yung babae na yun" sabi sakaniyang sarili at napabuntong hininga.

Maya maya lang ay may naamoy siya na gustong gusto niyang amoy "kare kare? sino naman ang maluluto nun?" bulong nito sakaniyang sarili, bumangon siya mula sa pagkakahiga niya sa coach at dali daling pumunta sa kusina para malaman kung sino ang nagluluto. 

"Andito nga siya" nakangiti niyang sabi sakaniyang isipan at dahan dahang lumapit dito bago pa man siya makalapit ay binalik niya ang pagsusungit dito. 

"Andito kapa?" malamig na sabi sa dalaga at naupo sa isang silya.

Napangiti ang dalaga habang nagsasandok ng kare kare "Good Morning cupcake" sabi ni Thessaly habang papalakad papunta sa lamesa kung nasaan si Skye. "Kagabi kopa ito niluto kaso hindi ka naman nauwi agad kaya ngayon ininit ko nalang para matikman mo" nakangiting saad nito at inilapag ang luto niya sa  harap ng binata at pinagsilbihan ito. 

Tumayo naman ang binata at pinigilan ito sa mga ginagawang pagsisilbi dito "maupo ka don, ako na ang bahala" mahinahon nitong sabi habang magaan niyang hinawakan ang dalaga sa kaniyang braso "ako napo, hayaan mo akong bumawi" pagmamatigas ng dalaga at dahan dahang tinanggal ang kamay ng binata sakaniyang braso. 

Seryosong tumingin ang binata kay Thessaly at nagtama ang tingin ng dalawa. Napalunok naman ang dalaga dahil sa tingin nito at pinaubaya na kay Skye ang kaniyang ginagawang pagsisilbi dito "good, marunong kang makuha sa tingin" hinila ni skye ang isa sa mga silya na uupuan nito pagkatapos ay pinagsilbiyan niya ito. 

Tahimik silang kumain at nagtitinginan lamang ng biglang basagin ni Skye ang katahimikan "Bakit ka umalis?" walang emosyong pagtatanong nito dito. 

Napalunok nalang si Thessaly sa tanong nito "Skye?" 

"Bakit hindi mo masagot?" sabi ng binata dito at parehas silang napatigil sa pagkain. Dahan dahan namang hinawakan si Thessaly ang kamay ng binata "Makinig ka mahal ko. Hindi naman kita masisisi kung bakit ganiyan ang pakikitungo mo sa akin ngayon" mahinahong sabi ng dalaga habang ang luha ay nanggigilid sa mga mata nito. 

"Umalis ako dahil sabi ni papa ipagpatuloy ko ang gusto ko bilang isang journalist at nilayo niya ko dahil gusto niya na ako ang maglinis ng pangalan niya sa publiko." mahinang paliwanag nito. "hindi ako nagsabi sayo mahal dahil alam kong hindi ka papayag" nagsimulang magpatakan ang mga luha sa mata ng dalaga at inialis ang pagkakahawak niya sa kamay ng binata. 

"Nalaman mona ba ang katotohanan?" seryosong tanong ng binata. "Si papa ba talaga ang dahilan ng pagbagsak ng pamilya ninyo?" dugtong nito.

Takang tumingin ang dalaga sa mga mata ni Skye "Papa? Papa mo? Uncle Tyler?  Ha? Anong sinasa---" naputol ang pagsasalita ng dalaga ng tumunog ang telepono ni Skye.

"Wait, sagutin kolang ang tawag" sabi ng binata at kinuha ang telepono sakaniyang bulsa. 

"Sino yan?" tanong ni Thessaly "sekretarya ko" sagot nito ng makita kung sino ang tumatawag sakaniya at sinagot ang tawag. Napatango nalang ang dalaga.

"Hello?"   

"Sir good morning, you have a meeting with Mr. Blakely Jill our COO. The start is 10am" sabi ng seretarya na nasa kabilang telepono.

"Tungkol saan ang meeting?" 

"About po sa ipapalit na Theme ng restaurant"

"Pwede bang icancel nalang yan?" pakiusap ng binata dito habang nakatingin kay Thessaly na ngayon ay kumakain. 

Skye Grayson (Chain Of Hearts Series #1) ON GOINGWhere stories live. Discover now