Dix

41 17 57
                                    

Irish's Pov

Papunta ang dalaga ngayon sa condo ni Skye habang dala dala niya ang kaniyang niluto na carbonara para sa binata. Habang siya ay nagmamaneho ay napatingin siya sa paligid, malalim ang iniisip ng bigla siyang napatingin sa kalsada at bigla siyang napapreno dahil mayroong batang babae na muntik na niyang masagasaan dahil ito ay papatawid. Agad itong bumaba para tingnan ang bata kung ito ay nasaktan. 

"Are you okay?" alalang tanong nito dito, tumingin ang bata dito at binigyan ng isang matamis na ngiti "I'm okay po ate ganda" sabi ng bata habang itinatayo ang kaniyang sarili. Agad naman na lumapit ang mga guwardya "Miss, school zone po ito kaya dapat po kayong magingat" sabi nito sa dalaga. 

Tumango si Irish sa guwardya at muling binaling ang kaniyang atensyon sa bata "Are you sure? Gusto mo dalin kita sa hospital? Pacheckup kita. Ano bang pangalan mo?" pagaalala nitong tanong. 

"Naku, hindi napo ate ganda. I'm Averil Caspienne Sebastian po. Kayo po?" masiglang sabi ng bata sa dalaga. "Sebastian? Sino ang ina mo? May kamuka kadin kasi. I'm Irish Victoria" nakangiting tanong nito at tila nagtataka dito. 

"Si Attorney Thessaly Sebastian, CPA din po siya. Lawyer CPA po kaya siguro pamilyar po ako sainyo dahil isa din po siyang Author ng maraming akda" pagmamalaki ng bata dito na siyang kinabulat ng dalaga at ikinabilog ng mata nito dito "Ahhh g-ganon b-ba" nauutal nitong sabi. 

"Yayiiiii andito po ako!" sigaw ng bata ng makita niya ang kaniyang tagapagbantay. "Una napo ako! Babye po, nagagalak po akong makilala ka ate Irish" nakangiti itong kumaway at tumakbo papunta sakaniyang yayi. 

Tiningnan ito ni Irish habang ang kaniyang mga kamay ay kumakaway padin dito at ang bata ay tumatakbo papunta sakaniyang yayi. Ng makita niya itong kasama na ang katulong nito ay sumakay na siya sakaniyang kotse at nagpatuloy papunta sa condo ni Skye. 

Habang nagmamaneho si Irish papunta sa condo ay hindi na maalis ang bata sa kaniyang isipan simula ng ito ay kaniyang makita "Anak ba nila yon? Ang muka niya ay parang pinaghalong Skye at Thessaly. Hindi kaya? pero hindi e. Edi sana sinabi na ni Thessaly yon" sabi nito sakaniyang sarili, napailing at napasapo nalang sakaniyang noo. 

 Pagkadating niya sa gusali ay ipinarada nito ang kaniyang kotse sa paradahan dito at huming ng malalim ang dalaga bago bumaba ng kaniyang sasakyan at saka pumasok sa gusali. Sumakay ito sa elevetor at pinindot ang #18 . Pagkalabas niya dito ay agad niyang hinanap ang Room #118 at ng marating niya ang room #118 muli itong huminga ng malalim at akmang pipindutin ang doorbell nito ng may biglang magbukas na mula sa loob nito. 

Nagkatinginan ang dalawa sa mata ng biglang magsalita ang babaeng nagbukas ng pinto "What can I help you? Sino sila?" magalang na tanong nito dito. "I-I'm Irish" nauutal nitong sagot dito "And you are Thessaly?" dugtong nito. 

"Ah! You know me. Papasok kapa rin ba kung sasabihin kong wala dito si Skye?" sarkastikong sabi ni Thessaly. "Ahmp, of course papasok p-parin a-ako" nauutal na sabi ni Irish. "Good" nakangiting sumagot si Thessaly. 

Pagkapasok nila sa condo ay dumeretsyo sila sa living room, iniabot naman ni Irish ang dala nitong carbonara na para sana kay Skye ngunit kinain ito ni Thessaly "Your carbonara is good, magaling magluto nito si Skye" sabi nito kay Irish. 

"Really? Ahmpp. Kelan kapa umuwi?" tanong ni Irish. 

"Kahapon lang" maikling sagot nito habang inaayos ang lalagyan dahil naubos na niya ang carbonara na para kay Skye. 

Napatango naman si Irish dito "Kelan at saan kayo nagkakilala ni Skye?" agad na tanong ni Thessaly ng maayos na niya ang pinaglagyan ng carbonara. "May nangyare naba sainyo?" walang pakundangang dugtong nito.

"Nag kakilala kami sa bar hindi kona tanda pero nagkita kami ulit after 6years." sagot nito.

"Walang nangyare sa amin" deretsyong sagot ni Irish.

Humagikgik naman si Thessaly dito "Ow really? Ang banal naman pala ng asawa ko" madiin nitong sabi.  "Hindi ako maniniwala sayo. Bakit? Nagiwan ka ng mensahe dito. At hindi ako maniniwala na palalagpasin mo ang asawa ko" pagyayabang na tono nito. 

"Nakakainsulto kana" seryosong sabi ni Irish at binigyan ito ng matulis na tingin "Mygad Irish? Ikaw paba ang magagalit?" humahagikgik na sabi ni Thessaly. 

Napatayo si Irish sa inis dito "Ano bang gusto mong  palabasin Thessaly?! Na ikaw ang mahal kahit na ikama niya ang sinumang babae? Sayo parin uuwi?! Bakit? Nasan ka nung mga araw at gabi na kailangan niya ang presensya mo? Diba wala?! Ako yung andito Thessaly kaya siguro naman may karapatan ako sakanya" nanggigilid na mga luha ni Irish ng bitawan niya ang mga katagang kaniyang sinambit.

"Ano bang alam mo Irish? Nakapanghusga kana agad sa akin, kilala moba ako? O kinilala molang ako sa mga kwento ni Skye at sa mga litratong nakapaskil dito sa loob na silid na ito. Parang si Skye lang ang nahirapan? Hindi ba pwedeng mahirap din ako sa desisyong hindi ko gusto?" tumayo mula sakaniyang pagkakaup si Thessaly at hinarap si Irish na ngayon ay nakatayo sakaniyang harapan. 

"Masakit bang tanggapin na naging parausahan ka?" ng sabihin ni Thessaly ang ilang kataga na ito ay dali daling lumapat ang mga kamay ni Irish sa mapulang pisngi ni Thessaly na siyang kasabay ng pagpasok ni Skye. 

"What's happening here!?" sigaw ni Skye ng makita nitong lumapat ang kamay ni Irish sa mga muka ng kaniyang mahal. "What are you doing Irish?" sabi ni Skye na may halong galit sakaniyang mata ng kaniyang tingnan si Irish sa mga mata at niyakap si Thessaly sa harapan nito.

"Skye? Yang asawa mo! Minamaliit ang pagkababae ko! Skye? Alam mo na kahit papano ay may pinagsamahan tayo. Sana naman ipagtanggol mo ako kahit ngayon lang" nagsituluan ang mga luha ni Irish. 

"Irish? Kaibigan lang kita. Pinahalagahan kita kahit papano, pero hindi ako papayag na saktan mo ang mahal ko sa sarili niyang pagmamay-ari. Irish nakaapak ang mga paa mo sa tinutuluyan ng taong kaharap mo" malumanay na saad ni Skye dito at dahan dahang nilalapitan si Irish habang ang mga paa ni Irish ay papalayo sa dalawa at sabay na tumakbo papalabas ng condo habang punong puno ng luha ang kaniyang mga luha. 

Pagkalabas ng condo ni Irish ay agad itong tumakbo palabas ng gusali at dumeretsyo sa kaniyang sasakyan pagkasakay niya dito ay pinagsasasampal ang kaniyang sarili at sinabunutan ang sariling buhok habang ang mga mata ay basang basa ng mga luha "Bakit ganto? Binuo ko siya ng mga araw na durog na durog siya at ngayon na bumalik ang babae na yon itatapon niya ako dahil don?! Dahil sa babae na walang ginawa kundi iwan at pagmukain siyang tanga!" sambit sakaniyang sarili habang nahihibang na sa sakit ng kaniyang nararamdaman at inihampas ang kaniyang kamay sa manibela ng kaniyang kotse. 

----------------------------------------

A/N: Ayan kasi inlababu pamur!

Skye Grayson (Chain Of Hearts Series #1) ON GOINGWhere stories live. Discover now