Dix-sept

20 7 4
                                    


Breaking news:

Mr. Blakely Jill is now dead.

Mr. Blakely Jill is the one who killed Mr. Tyler.

Mr. Blakely Jill is a drug addict.

Mr. Blakely Jill is the leader of a drug syndicate.

Mr. Blakely Jill is a murderer.

"Wala man lang akong kaalam alam ma. Na si Tito yung may kagagawan ng lahat. Bakit kung kelan patay na siya saka lumabas ang lahat ng to?" walang emosyon na sabi ni Skye ng marinig ang balita sa kanilang radyo.

"Hindi man lang siya nagbayad sakaniyang ginawa? Namatay lang siya ng ganon?" naluluhang sabi ng binata sakaniyang ina at agad na pinatay ang radyo at dumeretso sakaniyang silid.

--

"Atty. Sebastian may kailangan kang malaman" salubong ng lalaki kay Thessaly ng ito ay lumabas ng kanilang bahay.

"Mr. Trop, hindi kaman lang nagsabi na pupunta ka dito"

"Napanood moba ang balita tungkol kay Mr. Jill? Siya ang leader ng sindikato at nagpapamurder sa mga tao dito." pagpapaliwanag ni Mr. Trop sa dalaga at napatango naman si Thesaaly dito.

"Pero nawala daw ang katawan ni Mr. Jill ng nasa hospital ito" sabi ng lalaki na siyang kinagulat ng dalaga.

"Ha? Ano? Wait? Akala koba patay na siya?" naguguluhang tanong ng dalaga.

"Hindi namin alam. Parang may kumuha ng katawan niya sa hospital."

"Paniguradong may alam ang kambal kaya sumama ka sakin. Dun talaga ang punta ko"

"Pano mo nalaman?" nagtatakang tanong ng Mr. Trop

"Nakuha ko sng cellphone ni Mr. Jill at dun ko lahat nakita ang informations tungkol sa kambal"

Hindi na nagatubili pa ang dalaga pati na rin si Mr. Trop at dali daling sumakay ng kotse at umalis ang mga ito.

Pagkarating ng dalawa sa isang abandonadong bahay at napakaraming aso ay di sila nagdalawang isip na pasukin ito.

"Sino yan?" sigaw ng isang lalaki na hindi pamilyar ang boses.

Ng labasin sila nito ay nagulat ito kung sino ang kaniyang bisita "T-thessaly?" namumutla na ang lalaki at nauutal utal na.

"Kilala moko?"

"W-wala akong k-kasalanan... Ma maniwala ka ka saskaen"

Humahakbang papalayo ang lalaki na para bang gustong tumakbo palabas.

"Wag kang magalala, hindi kita sasaktan o kahit na ano gusto lang kitang tanungin."

"Sino ka!!?" sigaw ng isa pang lalaki na kambal nito at tinutukan ng baril ang dalaga.

"Wala akong gagawin na masama" napataas naman ang kamay nina Thessaly at Mr. Trop

"Abogado ako, wag kang magalala, andito ako para tumulong." pagpapakalma ni Thessaly sa kambal.

"Pano ako nakakasigurado sainyo?"

Inabot naman ni Thessaly ang kaniyang dalang bag kung saan nakalagay ang mga identity ng dalaga at isang bag ng pera.

Agad naman na binaba ng isang lalaki ang kaniyang baril "Ako si Castriel" pagpapakilala nito sakaniyang sarili at binaling ang kaniyang tingin sa kakambal nito "At siya si Jodan."

Napahinga naman ng malalim ang dalaga at binaba ang kanilang kamay.

"Tuloy kayo." pagpapatuloy ni Castriel sa dalawa.

Pumasok naman sina Thessaly sa bahay nito at bumungad sakanila ang mga armas. Mga baril, latigo, iba't ibang mga kutsilyo at kung ano ano pa.

"May lisensya ba ang mga kagamitan ninyo?" tanong ng dalaga sa dalawa, umiling naman si Jodan na ngayon ay tahimik lang na sumusunod sakanila.

"Maupo kayo" magalang na sabi ni Castriel sakanilang bisita.

Umupo ang dalawa at pinaghandaan ito ng kambal ng kanilang makakain at inumin.

"Thessaly, sigurado kaba dito? Baka may gawin sila satin." bulong ni Mr. Trop da dalaga habang ang kambal ay abala sa pagaasikaso.

"Shhh. Just trust them. I need them, they know everything." Pagpapakalma ng dalaga sakaniyang sarili at kay Mr. Trop.

Ng matapos ang kambal sa pagaasikaso ng makakain at inumin ng mga ito ay agad itong naupo sa tapat ng dalawa.

"Pagpasensyahan niyo na ang bahay namin, alam niyo naman siguro na wanted kami kaya kailangan namin magtago." sabi ni Castiel habang si Jodab ay tahimik na nakatingin sa dalawa.

"Ano bang kailangan niyo sa amin?"

Hindi nagatubili ang dalaga at inabot nito ang lahat ng dala niyang mga death threats at litrato ng mga biktima "Kilala niyo ba sila?" tanong ni Thessaly sa dalawa.

Tiningnan ni Catriel ang iniabot ng dalaga at nagiba ang itsura nito "Anonga gusto mong iparating? Kami ang may kagagawan nito?"

Napatayo si Catriel at bahagyang hinampas ang mesa "Kung andito kayo para pagbintangan kami. Umalis na kayo!" galit na sabi nito habang ang mga nata ay nanglilisik sa galit.

Napahawak naman si Jodan sa brasong kaniyang kapatid na tila pinapakalma ito. "Kuya, huminahon ka."

Matalim na nilingon ni Catriel ang kaniyang kakambal "Huminahon? Pinagbibintangan nila tayo!" nangingig sa galit nitong sabi.

Napatayo naman si Thessaly at hinarap ang binata "No. Gusto kolang sabihin niyo ang totoo, malaki ang maitutulong non samin"

Muling hinampas ng binata ang mesa at sa pagkakataon na ito ay may pwersa niya itong hinampas at bahagyang nahulong ang baso at nabasag ito sa sahig. "At kapag umamin kami makukulong kami ulit! Hindi moba naiintindihan yon?!"

Napapitlag naman ang dalaga sa ginawa ni Catriel at bahagyang hinawi ito ni Mr. Trop para mailayo sa binata "Kumalma ka. Gusto namin na mag witness ka. Dahil biktima ka din." mahinahon na sabi ni Mr. Trop

"Wala kaming alam sa sinasabi mo!"

Agad na hinila ni Castriel ang dalawa palabas ng kanilang bahay at binulyawan ito ng paulit ulit.

"Kuya tama na" pagawat ng kakambal nito na si Jodan.

"Huwag na Huwag na kayong babalik dito para sa mga kahibangan ninyo" nanginginig sa init nitong sabi.

"Iintayin kopa rin ang kusa ninyong pagtulong" mahinahon na pagkakasabi ng dalaga at sabay bukas ng pinto ng kaniyang kotse at sumakay ito.

"Atty. Ano bang naisip mo at ganyan ang ginawa mo? Bat hindi tayo nagsama ng mga pulis mga kriminal parin ang mga yon. Pano kung sinaktan ka ng nga yon?" pagaalala ni Mr. Trop sa dalaga.

"No. Mas lalo silang hindi magsasalita. Remember ilang beses na silang nahuli pero wala namang napala ang pulisya sa dalawa." kalmadong sabi ng dalaga "Hindi nila tayo sinaktan ngayon, ibig sabihin mabubuti silang tao. At biktima lang sila ni Mr. Jill." dagdag ng dalaga.

"Sigurado naman na tayo na si Blakely Jill ang ang mastermind ng lahat ng to."

______________
Hays!

Skye Grayson (Chain Of Hearts Series #1) ON GOINGWhere stories live. Discover now