Quatorze

41 10 37
                                    

"Mrs. Buenaventura wala naman na akong meeting ngayon diba?" tanong ng binata sakaniyang sekretarya. The secretary immediately looked at her handbook "No more sir." Napatango ang binata at saka lumabas ng opisina ang sekretarya.

Agad na iniayos ni Skye ang kaniyang mga gamit at dali daling lumabas ng opisina. Pagkalabas ng gusali ni Skye ay kaniyang nilibot ang kaniyang tingin sa paligid ng mahagip nang kaniyang mga mata ang isang lalaki na naka sumbrerong itim at jacket na itim, ito ay nakasandal sakaniyang kotse at tila nagiintay sakaniya. "Sino yun?" 

Papalapit na sana si Skye sa kotse ng biglang may kumalabit sa kaniyang balikat na nagdulot ng paghinto ng binata sa kaniyang paglalakad at dahan dahan nitong nilingon ito. "Marceline?" 

"Bat parang nakakita ka ng multo?" sabi ng dalaga, hindi ito pinansin ni Skye at ibinalik ang tingin sa lalaking nakasandal sa kaniyang kotse "Nasan na yon?" at nilibot ang kaniyang tingin sa paligid "sino ba ang hinahanap mo Skye?" tanong ng dalagang si Marceline. "None of your business Marceline. I have to go" walang emosyon na sabi ng binata dito at dere deretsyo lang sakaniyang paglalakad papunta sa kotse nito. Hindi niya pinansin si Marceline kahit pa nagsusumigaw ito doon.

Bago pa makapasok ng kotse si Skye ay may nakita siyang maliit na papel na nakadikit sakaniyang bintana at litrato ng kaniyang ama ng ito ay mamatay, ng mabas iyon ng binata ay agad na nagiba ang timpla nito at tila nag hesterikal sa kaniyang nabasa, sinipa niya ang gulong ng kaniyang kotse at napasabunot sakaniyang sariling buhok, tumingin sa buong paligid "Magpakita ka!! Sino kaba?! Wag monang guluhin ang pamilya ko!" sigaw ng binata at pumasok sakaniyang kotse, pinaandar nito ang kaniyang sasakyan at dali dali itong pinaharurot. 

"the game is just getting started Skye. 
 Just give up my beloved Skye :)" 

~~~

"Hi" bati ni Skye sakaniyang ina ng ito ay kaniyang makita na nakaupo sa sofa  sakanilang living room. Unti unti naman itong lumingon at ng kaniyang makita si Skye ay agad na bumakas sakaniyang muka ang saya at dali daling tumayo at lumapit kay Skye, pagkalapit nito ay hinawakan niya ang pisngi ng binata habang ang mga mata ay nagpipigil sa mga luhang nagbabadyang bumagsak "a-andito ka aanak, u-umuwi kana" nauutal nitong sabi sakaniyang anak at agad niya itong niyakap ng mahigpit ang binata.

"Anak, patawarin moko sa lahat ng pagkukulang ko anak" hindi na napigilan ni Mrs. Hadley Grayson ang kaniyang mga luha kaya ito ay napahagulgol ng kaniyang yakapin ang binata, tila nag hahabol ng hininga si Mrs. Hadley sakaniyang pagiyak.  Dahan dahang hinaplos ng binata ang malalambot na buhok ng kaniyang ina habang ito ay pinapatahan sa pagiyak "Hindi dapat ako magalit sayo mama. Kahit na anong mangyare mama kita" muling tinawag ni Skye na mama si Mrs. Hadley na siyang lalong nagiyak dito at paulit ulit na humingi ng tawad at nagpasalamat sa binata. 

Bahagyang kumalas sa pagkakayakap ang binata sa pagkakayakap sakaniyang ina at binigyan ito ng matatamis na ngiti "tahan na ma" mahinahong sabi ng binata sakaniyang ina na ngayon ay humihikbi. 

Inilahad ni Mrs. Hadley ang kamay nito sakaniyang anak. "Let me confess something to you anak" 

Pagkaupo ng magina sa isang mahabang sofa ay bahagyang tumahimik ang paligid na para bang nagpapakiramdaman ang dalawa ng biglang basagin ni Mrs. Hadley ang katahimikan at si Skye ay nakatingin lamang sa litrato ng kaniyang ama na nakasabit sa ding ding. 

"Anak alam moba nung pinanganak kita, sobrang saya ng ama mo" 

"Masaya tayo" 

Skye Grayson (Chain Of Hearts Series #1) ON GOINGWhere stories live. Discover now