CHAPTER 07

138 10 1
                                    

CHAPTER 07: THE SMACK

AMARA'S POV

Nalaman nilang tatlo ang pinakatatagong lihim ni Larson.

Natatawa na lang ako dahil kinakabahan siya dito sa tabi ko na halos yakapin na ako. "Amara..."

Binalingan ko ang tatlo na nakasulyap sa braso ni Larson na nakayakap sa akin.

"He has his reason. Sana hindi niyo ipagsabi sa iba." Sabi ko sa kanila to assure Larson.

Naramdaman kong huminahon si Larson ng tumango sila maliban kay Bryan.

"Amara, tara na." Bulong niya sa akin. "Ano ba kasing ginagawa natin dito? Na huli pa ako ng wala sa oras."

Tumango ako sa kaniya na natatawa. Nauna na siyang tumayo. "We have to go." Paalam ko sa kanila. I just remember that we are still not in good terms.

Wala pang tatlong hakbang ang nagawa namin ni Larson ng marinig ko ng pagpigil nila sa akin.

"Puwede ka ba naming kausapin, Amara?"

Dahan-dahan kong binalingan si Larson na gustong-gusto na talagang umalis sa harap ng tatlong iyon. Tumango ako sa kaniya. "Mauna ka na. Ku-kwentuhan na lang kita mamaya." I tap his shoulder before he walks away.

Bumalik ako sa harap ng tatlo ng makaalis na si Larson.

"What?" I said coldly at them. We're not cool anyway.

"We didn't know na ganon iyong kaibigan mo. Akala namin–"

"Boyfriend ko?" Pagtutuloy ko sa sinabi ni Yeshua. "Tsh!"

"Look, Amara..." Ani Vincent na tinabihan ako. "Nandito kami para magkalinawan tayo and to make peace. Anong gusto mo na ganon ganon na lang itong pagkakaibigan natin? Kakalimutan mo na lang ba lahat?"

Bahagya akong dumistansiya sa kanila. "Akala ko mapagkakatiwalaan ko kayo." Sulyap ko kina Yeshua at Vincent. Pareho silang umiling na animo'y hindi nagustuhan ang paratang ko.

Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Nararamdaman at napapansin ko na lang na nagsisisenyasan silang tatlo.

"Bryan, speak." Ani Yeshua at hinarap si Bryan.

Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanila and my eyes immediately directed at Bryan na nasa malayo ang tingin.

"Alam na namin ang dahilan kung bakit kayo nagbreak ni Vann at ni Anton." Ani Vincent na dumirekta rin ang tingin kay Bryan.

"Bro, explain." Tapik ni Yeshua sa balikat ni Bryan.

"Why do I have to explain? I did that for her sake anyway." Sambit ni Bryan na hindi makatingin sa akin. Nakahalukipkip pa siya.

Hindi ko maintindihan ang galawan at sinasabi nila. Anong kailangan kong malaman? And what? They both know the reason why I broke up with the two?

"What did you do?" Baling ko kay Bryan.

Malamig na tingin lang ang binaling niya sa akin. "Tsh!"

Domingo #3: Crush Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon