CHAPTER 17

90 6 0
                                    

CHAPTER 17: THE APPRECIATION

BRYAN'S POV

The next day, Amara and I were on the library. Naibigay na sa amin ang mga pointers to review kaya heto kami at nagrereview. Well, siya lang talaga 'yong nagbabasa dito. Ako? Ito pinagmamasdan lang siya.

Napakatanga at napakatorpe kong nilalang, kung sana hindi mahina ang loob ko noon, kung sana hindi ko siya sinusungitan, kung sana umamin kaagad ako, edi mas nakasama ko siya ng mas matagal, hindi iyong ganito. Kung saka ako aalis.

"Review, Bryan. Hindi porket matalino ka na, pa-chill kana lang diyan." Saad niya habang nasa binabasa ang tingin.

I smirk.

Hindi ko siya pinakinggan, imbes ay pinatong ko ang baba ko sa lamesa at pinakatitigan siya. Naramdaman kong nailang siya kaya mas lalo ko siyang ininis.

"Can't wait to grow older." Bigkas ko sa kawalan.

"Huh?"

Inabot ko ang kamay niya at pinisil iyon. "Sabi ko gusto ko nang lumaki na tayo."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Tapos?"

I laugh. Slow.

"Siyempre, para makasama na kita nang wala nang hadlang."

Tinitigan niya ako at napansin kong lumunok siya. "G-gusto mo pa rin akong makasama sa future?"

I nod. Kaya dapat makapagtapos na kami ng pag-aaral namin.

Tumayo ako at tumabi sa kaniya. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. "I know its too late or should I say its too fast." Tinitigan ko siya. "As we separate sooner or later, can we say our promise together now?" 

Naramdaman ko ang mabilis niyang paghinga. "Bryan..." Pumiyok ang boses niya. "H-huwag ka na lang umalis." Sinapo niya ang mukha niya at doon umiyak na parang labag sa loob niyang banggitin ang sinabi niya.

I pat her back. "Kung sana kaya ko nang tumayo sa sarili kong paa, mananatili ako. Kung sana hindi na ako nakadepende sa mga magulang ko, mananatili ako dito, sa'yo. Pero hindi e, bata pa tayo." I hug her kahit may sumusulyap na sa amin, wala akong pake. "Bibisitahin naman kita, siguro once or thrice a year? Okay ba 'yon?"

Nagpunas siya ng luha gamit ang manggas ng hoodie niya. "Kakausapin mo pa rin ba ako kahit nandoon ka na?"

I nod. "It's a must."

Nagpunas muli siya nang natitirang luha. "Nagre-review kasi ako e pinapaiyak mo 'ko! Nakakainis! Magreview ka na lang kasi diyan!" Maktol niya.

I laugh at bumalik na ako sa dati kong puwesto.




———



Hanggang alas dos ay magkasama kami ni Amara sa library. Nagkahiwalay lang kami ng pinatawag siya ng isang teacher sa faculty kaya ako ay nakisama na muna kina Yeshua.

"Sinusulit ah? Mami-miss mo siya no?"

Naiiling na lang ako sa tukso nila sa akin. Nasa benches kami ng highschool department. Anila e tapos narin silang magreview kaya chillax na sila.

Domingo #3: Crush Me BackΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα