CHAPTER 11

121 8 0
                                    

CHAPTER 11: THE ANGER

AMARA'S POV

Friday ay sinisimulan na namin ang project namin. We are five in the group.

Nagkokonsepto kami ng puwedeng gawin nang kinalabit ako ni Bryan. "You're okay?"

I smiled at tumango.

Hindi ko lang kasi mapigilang isipin ang nangyari kahapon.

Muntik na akong mabastos at pinagkamalan pa nilang boyfriend ko si Christian. Gosh! Ni halos wala akong naitulong sa kinokonsepto naming project ngayon dahil lutang ako.

"Sa bahay na lang tayo bukas." Sabi ng kagrupo namin na si Jennifer. "Bukas din ay matatapos na natin 'to. Teamwork and cooperation lang." She added na parang pinapatamaan ako dahil wala ako non sa diskusyon naming ito.

Mabilis lumipas ang oras at lunch break na.

Napasulyap ako kay Larson na maganda ang pakikitungo kay Risha ngayon. Hmm.

Akmang tatawagin ko na si Bryan ng makitang nasa pinto na siya at kausap si Zuri. Nakaramdam ako bigla ng inis. Naglakad ako papunta sa pinto kung nasaan sila at narinig ko pa ang sinabi ni Zuri sa kaniya.

"May pabaon kasi ni mommy. Sabi niya bigyan kita." Aniya. "Doon na lang natin sa room namin kainin iyon."

Nairita ako kaya binangga ko ang braso niya at nilampasan sila ng walang pasabi.

Elementary pa lang kami ay naiirita na ako sa pabebeng boses niya.

Naalala ko bigla iyong transferee pa lang siya ay nakikipagkaibigan na siya kay Bryan. Ayoko sa presensiya niya.

Dumiretso ako sa canteen at naabutan doon ang dalawa.

"Oh, nasan ni Bryan?" Yeshua asked.

I just shrugged my shoulder.

Nasa kalagitnaan kami ng kain ng mamataan ko sina Bryan kasama ulit sina Zuri at ang dalawa niyang kaibigan. Nagtungo sila sa lamesa namin.

"Sasabay sina Zuri sa atin." Paalam niyang hindi ko man lang binalingan.

Mas lalo akong nairita ng tumabi sa akin si Zuri. Naramdaman ko pang gusto niyang umusog ako pero nagmatigas ang pwetan ko. Who you, girl?

"Amara, puwedeng umusog ka?" Saad na niya ng nagmatigas talaga ako. Bahagya na lang akong umusog ng konti. "Sige pa." Aniya muli kaya kumonti ulit ako ng usog. "Konti pa, Amara–"

Nairita na ako at tinaliman ko na siya ng tingin. "Bakit ka ba kasi nandito? Sali ka ba sa barkada?" Tinignan ko siya pataas baba. "Nakikisabit." Bulong ko at inirapan siya.

Nagbaba siya ng tingin na mas lalong kinairita ko pa.

Tumikhim ang dalawang mokong kaya nabaling ang atensyon ko sa kanila. Inilingan nila ako.

"Sorry." Pabebeng boses ni Zuri.

Pumagitna sa amin si Bryan dahilan para mapausog na talaga ako ng tuluyan.

Siya na rin ang nagbukas ng baon na sinasabi ni Zuri kanina. Nagngingitngit ang mga ngipin ko sa nakikita. Nagshare pa sila ng baunan.

Tumayo na ako doon at nagpaalam.

"Kina Christian muna ako."

Umalis ako sa malas na canteen na iyon at nagtungo nga sa room nila Christian.






YESHUA'S POV

"Bumabalik na naman iyong dating Amara na kilala ko." Saad ko sa dalawa habang naglalakad kami patungong building ng senior high para sunduin siya.

Domingo #3: Crush Me BackWhere stories live. Discover now