CHAPTER 28

118 8 0
                                    

CHAPTER 28: I DO

AMARA'S POV

Naging hands-on kami ni Bryan sa paghahanda sa kasal namin. Lahat planado na.

Titig na titig si Bryan sa akin habang naglalakad ako palapit sa kaniya. Nasa magkabilang gilid ko si mama at papa. Si mama na umiiyak sa hindi ko malamang kadahilanan.

Napatingin ako sa bandang likod ni Bryan at naabutan ko roon ang pamangkin ko habang kinakausap siya ni Brylie. Pareho silang flower girl at ang ganda nilang picturang dalawa.

Napabaling rin ako kay Tracey na umiiyak habang nakatingin sa akin. Ang drama talaga ng babaeng 'to kahit kailan. Pinangangalandakan niya noon na mauuna siyang makasal kaysa sa akin pero heto...naunahan ko pa siya.

Napalingon rin ako sa mga magulang ni Bryan na nasa gilid lang din niya. Umiiyak rin ang mama niya habang pinagmamasdan ako.

Napalingon ako sa bestman ni Bryan na si Vincent, sinundan ko ang tinitignan niya at nakita ko ang umiiyak na si Marianne habang pinagmamasdan rin ako.

Nang makatapat na kami sa pamilya Arellano, nagyakapan ang parehong nanay namin at naghagulgulan sa isa't isa.

"Balae..."

"Balae..."

Sabay nilang saad at nag-iyakan sila. Napatingin ako kay papa na nasa tabi na ni tito Breyson habang pinagmamasdan ang kanilang asawa na parang sila pa ang nahihiya sa pinag-aakto ng mga ito.

Naglahad ng kamay si Bryan sa akin kaya sa kaniya bumaling ang atensyon ko. Naabutan ko siyang naluluha kaya kinuotan ko siya ng noo.

"Iniiyak-iyak mo diyan?"

Natatawa siyang nagpupunas ng luha. "Hindi ko alam, masaya lang ako kasi official ka ng magiging akin maya-maya. Asawa na kita."

Tinapik siya ni papa. "Alam kong aalagaan mo ang anak ko, pero sasabihin ko paring alagaan mo siya. Lagi lang akong nandito para sa inyo." Aniya.

Si tito Breyson naman ang lumapit. "Matanda na kami at kailangan na namin ng apo. Kaya pakibilis-bilis." Nagkatitigan kami ni Bryan at pareho kaming umiwas ng tingin sa isa't isa.

Awkwardness was evident.

Naglakad na kami patungo sa harap ng pari na siyang magkakasal sa amin at hindi na namin pinansin pa ang ina naming nagdra-dramahan pa rin doon.

"Ready to be my mrs. Arellano?" Bulong ni Bryan sa akin.

"Yes, hubby." At kinindatan ko siya.

Nagsimula na ang seremonya na may ngiti sa mga labi namin ni Bryan, kabaliktaran sa aming mga nanay at sa iba pang bisita.

"Bryan Everson Arellano, do you take Ielle Amara to be your wedded wife, to live together in marriage?  Do you promise to love her, comfort her, honor and keep her for better or worse, for richer or poorer, in sickness and health, and forsaking all others, be faithful only to her, for as long as you both shall live?" Anang father.

Nakatitig lang sa akin si Bryan.

"I do, father."

Domingo #3: Crush Me BackWhere stories live. Discover now