CHAPTER 23

98 6 0
                                    

CHAPTER 23: THE EMERGENCY

BRYAN'S POV

Tanghalian na ng umuwi ako. Nakipagkita na rin kasi ako sa kaibigan ko dito at tumambay lang kami sa tabi-tabi.

Naabutan ko si mama na nasa sala na nanonood. Binalingan niya ako. "Kumain ka na." Aniya.

Tumango ako at tumungo muna sa kuwarto para magpalit.

Nakalimutan ko nga palang isara ang pinto kanina ng lumabas ako para magjogging.

Bumaba rin ako matapos maligo at nagtungo na nga sa kusina.

Mag-isa akong kumakain roon ng pumasok si mama na nakadirekta sa akin ang tingin. Naupo siya sa harap na silya at tinititigan ako. Yumuko ako ng makaramdam ng pagkailang.

"Anak..." Rinig kong tawag niya kaya nag-angat ako ng tingin. Hindi ako sumagot at tinitigan rin siya pabalik. Tinititigan ko ngayon ang babaeng nagpalaki at nagpamuwang sa akin. Ang babaeng hinding hindi ko kayang saktan sa kahit anong aspeto dahil malaki ang respeto ko sa kaniya. Na kahit ako na ang magsakripisyo huwag lang siya, kasi mahal ko e. Mahal na mahal ko si mama.

Ngumiti siya at nginuso ang kinakain ko. "Bilisan mo diyan at mag-uusap tayo." Aniya at lumabas na ng kusina.

Nagkibit ako ng balikat. Ano ba ang pag-uusapan namin? Siguro ay iyong tungkol sa tampuhan namin.

Lumabas na rin ako matapos kumain. Naabutan ko siyang nakaupo sa dulo ng mahabang sofa. Tinapik niya ang tabi niya kaya roon ako naupo.

I lowered my pride. Inunahan ko na. "I'm sorry, ma kung nagtampo ka sa akin dahil sa hindi ko sinunod ang sinabi mo–"

"Don't be sorry, son. Alam kong hindi mo pinagsisihan na hindi mo sinunod ang sinabi ko to see her. Am I right?"

Biglang nanlaki ang mata ko. "You know?"

She nod. "Your papa told me. Bakit hindi mo sinabi sa akin that you have a girlfriend?"

Nagbaba ako ng tingin. "I don't want to disappoint you, ma." Mahinang sabi ko. "You wanted Zuri for me kahit na ayoko naman sa kaniya."

"You're not complaining to me, Bryan. Sana sinabi mo sakin na ayaw mo pala. Bakit kabaliktaran ang sinasabi ni Zuri sa amin ng tita Rona mo na nagkakamabutihan naman kayo so I'm totally pushing you to her."

Umiling ako. "Noon 'yon, ma. Noong nasa Pinas pa tayo. Noong selos na selos pa ako noon sa mga kasamang lalaki ni Amara. Wala akong choice kundi ang pakisamahan si Zuri...dahil iyon din naman ang gusto mo." Mas hininaan ko ang boses ko. "You know that I want to be the best son for you. Ayokong i-disappoint ka, ma."

I heard her chuckle. "That's why I love you." Hinapit niya ang ulo ko at hinalikan ako sa noo.

"And I love you too, mama."

"I'm sorry, 'nak. Hindi ko alam and it is a mistake to settle you to Zuri."

"I don't like her, ma. I like Amara the most." Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Kaya pala ayaw mong sumama sa amin noon kasi may binabantayan ka doon." Mama brush my hair using her fingers. "Akala ko ba ay ayaw mo kay Amara, 'nak? Way back in your childhood, iritang irita ka sa kaniya kasi habol siya ng habol sa'yo."

I chuckle. "Akala ko rin, ma. I can't explain pero isa lang ang alam ko, gusto ko rin siya at mahal ko siya."

"No plans for Zuri now?"

Domingo #3: Crush Me BackDonde viven las historias. Descúbrelo ahora