CHAPTER 22

95 6 0
                                    

CHAPTER 22: DONE

BRYAN'S POV

That one day isn't enough for us to catch up.

Hindi din kami nagtagal ni papa dahil may emergency abroad tungkol sa trabaho niya kaya agad rin kaming bumalik. Aniya e at least nakausap, nahawakan at nakita ko na siya kahit papaano.

Hindi ko na nakitaan ng lungkot sa mukha ni Amara noong sinabi kong babalik rin kami agad.

Alas dos ng madaling araw kami nakauwi ni papa. Saktong nagliligpit at nagbabaklas na ng mga disenyo galing sa kaarawan ni Zuri nang napatingin ako sa bahay nila.

Nauna ng pumasok si papa sa bahay.

Napalingon ako sa gate ng bahay nila Zuri nang maabutan ko siyang nasa tapat nito at masama ang tingin sa akin. Lalapitan ko na sana siya para kahit paano naman ay mabati pero bigla na siyang naglakad pabalik sa bahay nila.

Umiling na lang ako at pumasok na sa bahay. Naligo at nagpahinga na.

Sa hapag ay tahimik kami ni mama. Ilang linggo na akong hindi iniimik ni mama simula noong nakabalik kami galing Pinas dahil sa hindi ko pagdalo sa birthday ni Zuri. Wala na naman si papa dahil maaga siyang pumapasok sa trabaho. Akmang magsasalita ako ng tumayo siya at madiin ang lakad na lumabas ng kusina.

Ano pa ba ang gusto ni mama? Ang maging kami ni Zuri?

Hindi pa ba sapat na pinagtutulakan na nila kami at gusto pa nila ng mas higit pa don? Ni ang pagparito ko abroad ay walang akong kaide-ideya na magkakasama kami rito.

Gusto ko na lang maging selfish at nang hindi ko na iisipin na masasaktan si mama.

Bumuntong hininga ako saka lumabas ng dining matapos kumain.

Naabutan ko si mama na kausap si Tita Rona sa labas ng gate at mukhang seryosong seryoso sila sa pinag-uusapan nila.

Bumalik ako sa kuwarto para magpalit ng damit dahil mas gugustuhin kong mag jogging na muna kesa narito ako't iniiwasan rin ako ni mama at ng hindi na rin muna makita si Zuri. Halatang galit siya sa akin nitong mga nakaraang linggo dahil panigurado sa debut niya.

"Jogging lang ako, ma." Paalam ko at hindi na ako naghintay pa ng sagot niya.

Nagsimula na akong mag jogging at huli na ng naalala kong naiwan ko ang cellphone ko sa kuwarto.






AMARA'S POV

Nakatunganga ako sa bintana ng kuwarto ko at nakatingin lang sa kawalan.

Iniisip kung anong Amara ako sa future. Nasa huling taon na ako sa senior high kaya kailangan ko ng magsettle ng mga bagay-bagay. Hindi na ako pabata.

If you're asking what's happening to my kuya now? Masaya pa siya sa masaya.

Katatapos lang naming tunghayan ang pagpropose niya kay ate Gianna through video call. Imagine, nagkita sila kung saan siya nadestino ng trabaho niya at naroon rin si ate. Is it fate? In the first place, alam ko naman talagang gusto ni kuya si ate, ewan ko lang sa kuya ko at puro babae dito, babae doon ang hobby noon.

Domingo #3: Crush Me BackWhere stories live. Discover now