CHAPTER 08

148 7 1
                                    

CHAPTER 08: GENERATION TWO

LARSON'S POV

Gabi na nang nakauwi kami sa bahay. Sina mama at papa ay dumiretso na sa kwarto nila kaya ganon rin ako dahil napagod kaming tatlo sa lakad namin. May nilalakad kasi kaming mga dokumento sa city hall.

Habang nakahiga sa kama ko ay nag-open ako ng messenger para kamustahin sana si Amara but Risha's messages shock me.

Risha: I knew it! Sabi na nga bang you didn't change at all.

Risha: Kaya ba sumasama ka sa Domingo na 'yon para hindi ako magtaka sa kasarian mo?

Risha: Akala ko ay girlfriend mo 'yon. Now I know hindi pala.

Risha: Bakla!

She's online. Nainis ako sa huling niyang sinabi because she just insulted who I am. Ang bruhang 'to!

Larson: What do you need, Risha? Can you please stop what you are doing? Ano bang pake mo sa buhay ko?

Risha: Wow, as in wow! So hindi ka nga nagbago? You're still the malambot Larson I knew before? And fyi, I do care for you, bakla.

Sobra na akong naiinis sa mga sinasabi niya. Argh! Bakit ba hindi na lang niya tantanan ang buhay ko.

Larson: Stop chatting me or else ibo-block talaga kita!

Risha: Tinakot mo pa talaga ako niyan? Alam mo bang nasa labas lang ako ng bahay niyo at anytime ay kakatok na ako para isumbong ka kina tita at tito. Remember noong mga bata pa tayo, you always played with girls at ikaw lang ang lalaki sa amin. Pinagalitan ka ni tito dahil nagmumukha kang bakla sa ginagawa mo at sa pakikipaglaro sa amin. Well in fact that was the truth, bakla ka nga talaga.

Risha: Ano kaya ang sasabihin at gagawin nila tito at tita sa iyo kapag sinabi ko sa kanila ang totoo? Hmm, sounds nice.

Mabilis akong tumanaw sa bintana ko matapos mabasa ang mensahe niyang iyon. Naroon nga siya with her motor hawak ang phone niya.

Larson: Umalis ka na nga diyan! Umuwi ka na, Risha!

Risha: Nope bakla. Not until you go outside at harapin mo ako.

Huminga muna ako ng malalim at minura-mura siya sa isip bago ako padabog na lumabas ng kuwarto. Mabilis akong lumabas kahit na magulo ang itsura ko.

"Ano ba talagang kailangan mo, Risha? Ganiyan ka na ba ka-bitter dahil ayaw ko sa iyo at patuloy mong pinipilit ang sarili mo sakin?" Sumbat ko pagkabukas ng gate. Naabutan ko siyang ngumingisi na parang walang epekto sa kaniya ang sinabi ko.

"Nope. Hindi ako bitter Larson because I know you'll be better if you stay with me." Kinindatan niya ako na siyang nagpatindig ng balahibo ko. Napaestatwa na lang ako ng lapitan niya ako saka bahagyang hinaplos ang aking panga. "Knowing na wala kang girlfriend and you're a gay... nasisiyahan ako." Bigla niyang nilapit ang labi niya sa tainga ko para bumulong. "I still like you kahit ganiyan ka, I know you know that."

Bahagya ko siyang tinulak ng akmang dadampian niya ako ng halik sa pisngi ko. "Stop it, Risha! Hindi ka nakakatuwa."

Gano'n na lamang ang pagestatwa kong muli ng binalik niya ang labi sa tainga ko na ngayon ay mas malapit kaysa nong una. "Babalik at babalik talaga ako sa iyo, Larson." Lumayo na siya ng bahagya sa akin matapos niyang sabihin iyon sabay ngumiti. Nakahinga naman ako ng maluwag sa paglayo niya. "At ngayon, papasok na ako sa bahay niyo para isumbong ka."

Domingo #3: Crush Me BackWhere stories live. Discover now