Chapter 7

186K 3.8K 515
                                    


#7 wala sa plano

Puputulan ko siya ng ari sa ginawa niya..
-
Yasi

Yasi

Inilapag ko ang mainit na baso ng kape sa harap ni Reeve. "Suwerte ka at nakatingin si Tatay sa'kin. Kung hindi ay kanina pa kita tinusukan ng kutsilyo," ismid ko sa abnoy na tinigil ang pagbabasa sa diyaryo. Inilapag niya iyon sa lamesa.

Nasa kusina kami ngayon at malapit lang si Tatay. Nasa sala siya. Hindi ganoon kalaki ang bahay namin kaya malapit lang ang bawat parte ng bahay. May isang palapag sa taas, simpleng two-storey ang bahay. Dalawang kuwarto sa taas at isa ito na siyang kuwaryo ni tatay. Tinatamad raw kasing pumahik pa sa taas kaya mas gusto niyang siya rito sa kuwarto sa ibaba. Mayroon na ring banyo rito sa baba, may kusina at sala. The common one.

"Ako na nagmagandang loob bilhan ka ng kailangan mo, pinagmumukha mo pa akong masama. Is this how you say thank you?" Sarkastikong sabi niya.

"Well, thank you!" Umirap ako. "May sariling paa ka at mga kamay. Ako pa pinagtimpla mo ng kape mo? Lord ka? Amo ka ba? Tangina mo ah," gusto ko sanang papangitin ang lasa ng kape niya. Pero dahil binilhan niya ako ng napkins, palalampasin ko! Jusko, may kasali pa na hot water bag na siyang kailangang kailangan ko dahil nasira iyong lumang water bag na ginagamit ko at hindi na ako nakapag-isip pa na bumili.

"Salamat sa mga binigay mo kanina. Malaking tulong," inihanda ko ang pagkain ni Tatay.

Itinago ko ang ngiwing gustong lumusot sa mukha ko nang madarama ko ang kirot sa puson ko. It's twisting, getting stabbed by hundreds of needles.

"Naku hijo! Malakas ang ulan sa labas! Kung dumito ka kaya muna sandali hangga't sa humupa kaunti saka ka umalis?" Pansin ni Tatay kay Reeve.

Napatitig ako sa mukha ng abnoy nang ngitihan niya ang Tatay. "Wala hong problema, Tatay Romualdo. That would be a good idea unless..." he looked at me. Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko.

Ngumisi siya at hindi na itinuloy. Nakatitiyak kong ako na naman ay tinutukoy niya na aapela sa sinabi ng tatay! Tama siya! Mas gusto ko nang umalis siya nang makapagpahinga agad ako! Ayokong may anino ng abnoy na naglalakad rito sa munting tahanan namin ni Tatay.

I shot him a fake smile which he returned with an amused look.

" 'Tay, kumain na po kami doon sa bahay ng mga Legaspi. Kumain na rin po kayo," casual kong sabi at lumapit sa kanya tsaka inilapag sa lamesang nasa harap niya ang pinggan na puno ng niluto kong pagkain.

Ngumiti ako nang makitang kumislap ang mga mata ni Tatay nang makita ang pagkain. "Nangangamoy masarap, 'nak!"

Tumawa ako ng mahina. " sus ang tatay! Kain ka na! Lagi namang masarap luto ko," mayabang na sabi ko at iniwan siya roong ngingiti habang kumakain.

'Di ko pinansin ang maririing titig ni Reeve sa akin hanggang sa makaupo ako sa harap niya. "Masarap timpla ng kape ko?" Maangas kong tanong. I'm fishing for compliments, is it bad?

Kita kong bumaba ang tingin niya sa mga labi ko saka siya pasimpleng sumimsim sa kape niya. Nakaramdam ako ng panandaliang alab sa paraan ng pagtingin niya. "Masarap, sarap tikman ng paulit-ulit," his voice was so husky.


Tinamaan ako ng pabigla-biglaang kama na wala akong ideya kung saan galing. Parang timang akong napatayo at sinamaan siya ng tingin. Taragis, oo nga pala, siya ang gagong nagnakaw sa unang halik ko!

His Personal Mistress✔️[18+]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon