Chapter 16

182K 4.1K 940
                                    



Na-engkanto ba siya? Mahirap aminin pero shet, kinikilig ako!

Yasmin

Yasi
Everything has consequences. Life is all about choices. It was never fate or destiny that leads the path you take over. Nasa kamay mo ang karapatan kung tatanggi ka ba o hindi. May karapatan kang mamili. Nasa sa'iyo rin kung pipiliin mo ba ang tama o ang mali.

Pero ang sa akin, pinili ko ang alam kong mali.

I've distance myself from what is truly right and chose to live with a life full of lies, deceits and wrongdoings.

Pinili ko ang maling pagmamahal kesa sa tamang pamumuhay. I chose to follow my heart than listen to what my mind tells me. Mas pinili kong kainin ang ipinagbabawal na prutas kaysa ang niresetang pagkain para sa akin.

I should be full aware now of the consequences that I would reap for choosing Reeve. I've chosen the risky way, now I should face the repercussions of my actions.

"Napakatigas kasi ng ulo mo. Sabi ng huwag kang magsuot ng ganyan, nagpumilit pa din. Babe, ang daming nakatingin sa'yong mga lalaki oh! Nangangati na kamao ko," kalmado boses niya pero bakas sa mukha niya ang kaseryosohan.

"Kulang pa ng gulay tapos ilang gamit sa banyo," iwas ko. I don't get it why he's taking my wearing of shorts too seriously.

Inilagay ko sa cart na tulak-tulak niya ang ilang de lata. Naglakad na ako pasulong ngunit hinawakan ako ni Reeve sa braso. "Umiiwas pa eh," he stated and pulled me back to him.

Sinalubong ko ang mga titig niya. I sighed.

"Ayaw mo ba ng suot ko? Hindi ba bagay?" Kasi ito ang unang beses na magsuot ako ng shorts. Dati naman ay puro long pants at boyfriend jeans ang suot ko. I wanted to try something new.

He pursed his lips. "Kung ano-ano tinatanong," sabi niya. "Hindi naman sa hindi ko gusto Babe. Bagay mo 'yan. Bagay na bagay pero para lang dapat sa paningin ko 'yan," para siyang batang ayaw maagawan ng pagkain.

"Sinusumpong ka lang ulit. Isusuot ko kung ano ang gusto kong isuot, Reeve. Kung ayaw mong mag-shorts ako, edi ayaw mo. Pero gusto ko kaya wala ka nang magagawa," hindi ko maintindihan kung bakit parang big deal sa kanyang magpakita ako ng konting balat.

Ang init kaya! "Halos lahat ng mga babaeng nasa paligid, naka-shorts. Pare-pareho kaming naiinitan sa panahon. Ikaw rin naman naka-cargo shorts ah!" dagdag ko pa.

"Iba pagdating sa'yo. Tsk, kung may maupakan ako ngayon, 'wag mo 'kong pagalitan," simangot niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at muling naglakad.

Parang ang bilis lang dumaan ng mga araw. Halos apat na araw na ang nakalilipas matapos maghiwalay sina Carla at Reeve. And four days ago, we became officially together. Masasabi kong hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sina Tita Monic at Tito Brandon na hiwalay na ang anak nila at si Carla. She was hysterical when she found it out Carla was gone the next morning after the break up. Pero wala siyang magagawa dahil iyun ang gusto ni Reeve. He didn't explain to them much further, typical of him though.

Ang nakakalungkot, bukas na ang balik ni Reeve sa states. Sobrang bilis pala ng oras.

Sinamahan niya akong mag-grocery. Balak kong pumunta mag-isa pero biglang dumating siya sa bahay habang wala si Tatay. Tinanong kung saan ako pupunta, syempre sinabi ko naman. Ang loko sinabi rin na may bibilhin kaya ihahatid na daw niya ako at sasamahan. E wala naman pala siyang bibilhin! Nagdahilan lang!

His Personal Mistress✔️[18+]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon