Chapter CPH4-1028-02

111 12 2
                                    

Pagkarating nila sa Physics Lab ay nandoon nga ang ilan pa nilang mga kaklase-nakaupo at nakatunganga, nakikinig ng music, naglalaro ng kung anu-ano sa computer, nagseselpon, at may iba ring nag-aaral.

"Saan ba kayo galing?" bungad na tanong ni Gerald, isang BS Physics student at kaklase nila sa University Physics na asignatura.

"Sa canteen lang. Bakit hindi kayo sumama kanina?" Umupo si Athena sa tabi ni Gerald.

"May tinatapos lang kaming gawain sa Computational Physics," sagot naman ni Gerald habang isinisilid sa lalagyan ang kaniyang laptop.

"Ang sipag niyo naman." Tumawa lang si Gerald sa sinabi ni Athena.

"Hoy, Vincent Brian Indac at Sheina Mae Labiste! Pwede bang ihinto niyo na muna 'yang PDA niyo? Kasi nakakaumay nang tingnan," pagsaway ni Bruce sa dalawa na kanina pa sweet na sweet sa isa't isa.

"Bruce, pagbigyan mo na lang sila. Hindi nila alam ang kanilang mga ginagawa," natatawang pagpigil ni Ervin habang itinutulak si Bruce sa pwesto ni Athena.

"Gerald, inimbitahan din ba kayo ni ate Lance sa kaniyang pa-party?" usisa ni Athena.

"Ah, oo. Nagpunta siya rito kanina at personal na nag-imbita."

"Bukas na 'yun ng gabi, hindi ba?" tanong ni Bruce na mababakas ang pananabik. "Sinong pupunta?"

"Ako! Pupunta ako kasama si April," sigaw ni Bryan na nasa kabilang dulo ng silid katabi ang kasintahan nito.

Nagsabi na ang lahat na pupunta sa party maliban kay Ervin.

"Ervin? Hindi ka ba sasama?" untag ni Gerald.

"Sasabihan ko pa sina mama at papa tungkol diyan. Huwag kayong mag-alala malalaman niyo rin bukas." Gusto talaga sana ni Ervin na pumunta sa party subalit hindi pa niya alam kung paano sasabihin upang mapapayag ang mga magulang.

"Before I forget pala, guys. Nag-message sa akin 'yung teacher natin sa Inorganic Chemistry na may gagawin siyang importante kaya hindi siya makakapasok sa klase ngayon. Ipapasa na lang daw 'yung assignments natin," anunsiyo ni Bruce na siyang ikinasaya ng lahat.

+ + + + +

Isa-isang silang nasidatingan sa boarding house ni Gerald. Dito sila magtitipun-tipon bago sabay na magpunta sa bahay ni Lance.

"Sino pa ba ang kulang sa atin?" tanong ni Gerald sa mga kasama.

"Nag-chat 'yung iba na hindi sila matutuloy kasi may gagawin at emergency daw," saad ni Bruce habang nakatingin sa kaniyang cellphone.

"Guys, nag-chat si ate Lance kung ilan at sinu-sino ba tayong pupunta," sambit ni Sheina.

"Sabihin mo 11," ani Athena matapos niyang bilangin ang mga kasama. "Dictate ko sa'yo 'yung names. Okay?" Tumango lamang si Sheina. "Gerald, Bruce, Vince, Bryan, April, Vincent, Aries, Romeo, Melody, Athena, Sheina-"

"Ervin." Nagulat sila nang may nagsalita. "Count me in." Nasiyahan sila nang dumating si Ervin.

"Mabuti at pinayagan ka," sabi ni Athena.

UNLOCKED: Serum CPH4-1028 (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz