Chapter CPH4-1028-25

39 5 0
                                    

Sisikapin.

Tulung-tulong.

'Di magpapatinag.

Tinatahak ng labinlimang pares ng mga paa ang hagdanan patungo sa TAC 7th floor. Walang ibang maririnig kundi ang mga tunog na nagagawa sa tuwing tumatama ang mga ito sa sahig. Tumigil lamang ang mga ito nang nasa harap na sila ng dobleng pinto ng auditoryum na gawa sa kahoy at kulay-abo.

"Sa oras na bumukas ang pintuang ito, wala nang atrasan pa," seryosong saad ni Ervin sa mga kasama. Tumango lamang ang mga ito bilang tugon. Mababakas sa kanilang mga mukha ang pagiging pursigido sa kanilang gagawin.

Habang nakalapat ang dalawang palad ni Ervin sa makinis na dobleng pinto, pumikit siya at huminga nang malalim na waring humuhugot ng lakas para mangyari ang kanilang nais. Sa muling pagbuka ng kaniyang mga mata ay siya ring pagtulak niya sa dobleng pinto nang buong lakas.

"Umaasa akong babalik din ang inyong mga alaala sa tulong ng video na 'yan. Sa oras na mangyari 'yun, sana muli kayong lalaban kasama ko. Sisiguraduhin nating magwawagi na tayo." Pinindot ni Ervin ang 'SEND' matapos niyang i-encode ang kaniyang mensahe para sa mga kaibigan. Bumuntong-hininga muna siya bago tiniklop ang kaniyang laptop. Bumulong siya sa hangin habang nakatitig sa kawalan. "Sana maalala na nila."

Napalingon sina Dr. Dayagbil, Dr. Armada, Ms. Galon, Ms. Urbano, Lance, at Theo na pawang nakatayo sa ibabaw ng mga malalaking kahong nasa gitnang harapan ng auditoryum nang bumukas ang pintuan at bumungad sa kanila ang labinlimang estudyanteng nakasuot ng puting NSTP t-shirt at ng iba't ibang klase ng pantalon.

"Magandang hapon sa inyong lahat. Mukhang handang-handa na kayo sa duello," bungad na pagbati ni Dr. Dayagbil. Hindi umimik silang magkakaibigan at magkatabi lamang na nakatayo sa gitna ng auditoryum. May dumating na mga lalaking nakasuot ng itim na lab gown kagaya ng mga suot ng mga kasama ni Dr. Dayagbil at may dala silang mga maiitim na mga kasuotang panlaban. "Change your outfits. Use those appropriate outfits for combat. Just like mine," mayumi niyang utos sa magkakaibigan.

"What if... we don't?" sambit ni Ervin.

Kumunot ang noo ni Dr. Dayagbil. "What do you mean? Gusto niyong makipaglaban na ganiyan lang ang suot? Baka mahirapan lang kayo sa pagkilos at isa pa, baka masira ang uniform niyo for NSTP."

"We don't want to fight with each other," matigas na saad ni Athena.

"I don't know what's happening with you but it seems like I have to deal first with the little problems of yours before proceeding to our main agendum." Bumaba si Dr. Dayagbil mula sa ibabaw ng kahon at ganoon din ang kaniyang mga kasama. Naglakad sila patungo sa magkakaibigan. May pumasok ding tatlumpung kataong nakasuot ng itim na pansundalong kasuotan na pati ang mukha ay nakatago at may dalang mga tranquilizer guns.

Nagkatinginan silang magkakaibigan dahil kahit pursigido sila sa kanilang gagawin ay hindi pa rin nawawala ang kaba. Tumayo sila nang matuwid nang nasa harapan na nila si Dr. Dayagbil.

"Follow my command," seryosong wika ni Dr. Dayagbil habang pinapasadahan sila ng tingin. Nagsimulang umusok ang kaniyang ilong nang hindi pa rin siya sinusunod ng mga ito. Sumigaw siya, "Follow my command!" na umalingawngaw sa buong lugar.

UNLOCKED: Serum CPH4-1028 (Completed)Where stories live. Discover now