Chapter CPH4-1028-05

48 6 12
                                    

Habang naglalakad si Romeo pabalik sa Physics Lab, tinawag siya ni Athena.

"Athena! Wala ba kayong klase ngayon?" tanong ni Romeo.

"Wala na. Kayo rin, 'di ba?"

"Katatapos lang ng huling klase namin ngayong araw. Tara doon tayo sa Physics Lab. Dala ko 'yung violin ko," pagyaya ni Romeo.

"Dala ko rin 'yung akin. Tara!" nasasabik na saad ni Athena. Pareho silang mahilig sa classical music at sila lang ang nagkakaintindihan pagdating dito.

Nadatnan nila sa Physics Lab ang mga kaibigang nagkakasiyahan. Pumunta sila sa kabilang dulo ng silid at doon tumayo para tumugtog. Sinimulan nilang tugtugin ang Symphony No. 3 ni Beethoven.

Napatigil ang mga nagkakasiyahan nilang mga kaibigan. Napalingon ang mga ito na parang walang mga emosyon. Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang matapos ang ginawa nila Romeo at Athena.

Napansin iyon ni Romeo. "Guys?" Nilapitan niya ito isa-isa. "Bruce? Vince? Vincent? Sheina? Ervin? Gerald? Aries? Melody? Bryan? April?" sambit niya habang niyuyugyog ang mga ito.

"Athena, pwede mo ba akong tulungan dito?" Nang tumingin siya kay Athena ay ganoon din ang sitwasyon. Walang emosyon na nakatayo habang hawak-hawak pa rin ang violin nito.

Napaatras si Romeo at natakot sa mga nangyayari. "Huwag naman kayong ganiyan. Hindi 'to magandang biro."

Napagdesisyunan niya na humingi ng tulong kaya tumakbo siya palabas. Dahil sa kaniyang pagkataranta ay natisod siya at tumama ang ulo niya sa pader.

+ + + + +

Ibinuka ni Romeo ang kaniyang mga mata at bumungad sa kaniya ang nakakasilaw na ilaw ng silid. May lumapit sa kaniyang isang babaeng nakaputi-isang nurse.

"Nasaan po ako? Anong nangyari sa akin?" tanong ni Romeo na napapangiwi dahil sa pananakit ng kaniyang ulo.

"Nandito po kayo sa university clinic. Mabuti at hindi masyadong malakas ang pagkakauntog mo sa pader. Wala namang nakitang fracture at pamumuo ng dugo sa ulo mo. Ipagpahinga mo lang muna 'yan," saad ng university nurse habang tiningnan ang vital signs ni Romeo.

"Ang mga kasama ko po, nasaan?" muling tanong ni Romeo.

"Nasa maayos na silang kalagayan. Inabisuhan rin sila ng department chair na umuwi upang makapagpahinga. Maaari ka na ring umuwi mamaya kung hindi na masakit ang ulo mo," sabi ng nurse at pagkatapos ay iniwan na si Romeo.

+ + + + +

"Midterm exam for this semester is fast approaching. We still have four topics to discuss for this course, University Physics," anunsiyo ni Ms. Galon sa klase. "Double time tayo next week, okay? Also, expect for more activities."

"May exact date na po ba para midterm exams?" tanong ni Athena.

"It falls on the 9th to the 13th of March. It's less than three weeks from now," sagot ni Ms. Galon. "May tanong pa ba?"

Walang nagsalita kaya inisip ni Ms. Galon na wala nang tanong. "If there's none, you're dismissed."

Unang lumabas si Ms. Galon ng Physics Lab habang ang mga magkaklase ay nanatili pa sa loob.

"Saan tayo kakain ngayon?" tanong ni Bryan.

"Sa dati pa ring kainan," sagot naman ni Bruce.

"Guys, mauna na ako sa inyo," sabi ni Louie habang nagmamadaling lumabas.

Lumapit si Romeo kay Athena at Gerald at nagtanong. "Wala ba kayong naaalalang nangyari kahapon pagkatapos ng mga klase natin?"

UNLOCKED: Serum CPH4-1028 (Completed)Where stories live. Discover now