Chapter CPH4-1028-23

29 2 3
                                    

"Paano? Hindi tayo na-expose sa serum, 'di ba?" puno ng pagtatakang wika ni Bruce.

"Hindi ko alam," sabi ni Ervin at bumuntong-hininga. "Mas mabuti na 'to dahil batid na natin kung paano tayo nagkaroon ng unlocked ability."

"Alam na nating hindi tayo na-engkanto," patawang saad ni Romeo subalit hindi siya pinansin ng mga kaibigan na nagpatuloy na sa paglalakad.

Pagpasok nila sa TAC 605 ay nandoon na si Ms. Urbano at naghihintay lamang sa kanilang pagdating. Bumati sila sa kaniya at pumunta na sa kani-kanilang mga upuan.

"Pasensiya na dahil hindi ko nasabi sa inyo na may pasulit para sa 'Unlocked Class' pero huwag kayong mag-alala dahil madali lamang ito." Isa-isang ibinigay ni Ms. Urbano ang mga palatanungan sa kanila at bumalik sa kaniyang kinauupuan sa harap ng klase pagkatapos.

Tahimik ang buong silid subalit binasag iyon ni Ervin. Napatingin ang lahat sa kaniya nang gumawa ng langitngit ang mga paa ng kaniyang upuan dulot ng kaniyang pagtayo.

"Miss, I have a question," sambit ni Ervin.

"What is it?" usisa naman ni Ms. Urbano. Naghintay si Ms. Urbano sa katanungan ni Ervin pati na rin ang ibang nasa loob ng silid.

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin ang tunay na unlocked ability ko?" Napasinghap ang kaniyang mga kaibigan sa narinig subalit parang wala lamang ito kay Ms. Urbano.

"Ervin, akala ko ba pagkatapos na nitong pasulit?" tanong ni Bryan sa isipan ng kaibigan ngunit hindi siya pinansin nito.

"Gusto mo bang may magdikta ng mga kaya mong gawin? Ayaw kong pangunahan ka," sagot ni Ms. Urbano habang nakatingin nang diretso kay Ervin. "At siya nga pala, alam kong pumasok kayo sa opisina ko at kumuha ng kopya ng mga files." Nagkatinginan silang magkakaibigan dahil sa narinig.

"Kaya pala ginawa mong subject si Hartly," mapang-uyam na wika ni Ervin. Natigilan at naging malungkot ang eskpresyon ng mukha ni Ms. Urbano nang marinig ang pangalang iyon. "Pinahamak mo pa sina Rhea at Jea."

"Ervin, tumigil ka! Hindi iyon kasalanan ni Ms. Urbano," pagpigil ni Athena sa kaibigan.

"Kung hindi dahil sa serum na 'yun, buhay pa sana sila! Namumuhay sana sila-kami-ng normal ngayon kagaya ng ibang estudyante. Tapos sasabihin mong ayaw mo akong pangunahan? Eh, pinangunahan mo na kami noong ginawa niyo 'yung serum," asik ni Ervin. Pinakalma siya ng mga kaibigan niya subalit hindi siya nagpatinag. "Hindi malayong ikaw rin ang may pakana kung bakit kami na-expose sa serum nang hindi namin nalalaman."

Unti-unting kumalma si Ervin nang makitang tumatangis si Ms. Urbano habang nakaupo pa rin at magkadaupa ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesang nasa harapan nito. "Sina Hartly, Rhea at Jea," wika ni Ms. Urbano habang nakatingin sa kawalan.

"Ervin, parang effective 'yung acting skills mo," sabi naman ni Bryan sa isipan ng kaibigan.

"Sila ang mga pinakamagaling na estudyanteng nakasalamuha ko. Itinuring ko silang parang pamilya," malungkot na saad ni Ms. Urbano habang patuloy pa rin sa pag-agos ang kaniyang mga luha. "Pero hindi lamang ako ang gumagawa ng research na 'yun. Hindi lang ako ang magdedesisyon. Nang mawala si Jea, sumuko na ako. Ipinaubaya ko na kay Dr. Dayagbil ang pwesto ko sa pag-aaral na 'yun. Ang tanging hangad ko lang naman sa paggawa ng serum ay ang makagamot ng mga sakit at makatulong sa mga tao na mabuhay pa subalit ang serum ding ito ang nagdala ng kamatayan sa mga malapit sa akin." Pinahid niya ang kaniyang mga luha at tumingin sa kanilang magkakaibigan. Napawi ang lungkot sa kaniyang mukha at napalitan ng galit. "Nang malaman ko ang tungkol sa mga nangyayari sa inyo, pinuntahan ko agad si Dr. Dayagbil at tinanong kung ginamit niya ba ang serum sa inyo." Biglang tumunog ang kaniyang cellphone na nasa ibabaw ng kaniyang mesa. Sinagot niya ito at ibinaba pagkalipas ng ilang sandali bago tumayo. "Class, I'll be right back. Just continue answering," mayuming sabi niya at lumabas ng silid na parang walang nangyari.

UNLOCKED: Serum CPH4-1028 (Completed)Where stories live. Discover now