Chapter CPH4-1028-13

41 2 2
                                    

Papalabas silang magkakaibigan mula sa Physics Lab nang makasalubong nila si Khalil.

"Guys, may conference daw lahat ng faculty members ngayong alas tres," bungad ni Khalil.

"Eh, ano ngayon?"

"Aries, wala tayong klase."

"Confirmed na ba 'yan?" tanong ni Bryan. Lumingu-lingo lang si Khalil bilang sagot.

Kinuha ni Bruce ang kaniyang cellphone at nagbabasakaling may mensahe mula sa professor dahil siya ang kinokontak nito kapag mayroong mga anunsiyo. Nang ito'y kaniyang binuksan ay tumambad sa kaniya ang isang mensahe. "Guys, nag-message sa akin si sir UTS na hindi na raw niya tayo kikitain ngayon dahil may meeting sila." Nagbunyi naman sila dulot ng kanilang narinig.

"Makakauwi rin ako nang maaga," bulalas ni Khalil.

"Uuwi ka nga ba talaga o may dadaanan ka pang iba?" usisa ni Melody.

"Mauna na ako sa inyo," paalam ni Khalil na hindi pinansin ang sinabi ni Melody. Umalis ito nang patakbo.

"Nagsisinungaling siya," saad ni Melody. Natawa na lang sila dahil dito.

"Mabuti pa kayo, wala nang klase. Hindi pa nag-confirm si sir Calculus, eh," sabi ni Sheina.

"I-message ko na lang sa group natin sa WeChat," ani Gerald.

"Kung wala rin kayo, punta tayong TAC 605," yaya ni Athena. Naghilom at nawala na ang kaniyang sugat na parang walang nangyari.

Ilang sandali ang lumipas ay tumunog ang cellphone ni Gerald. Binuksan niya ito at nakita ang isang message.

"Tara! Punta na tayo sa TAC 605," sabi ni Gerald nang nakangiti. Ikinatuwa nilang lahat ito at nagpunta ng TAC 605.

Pagkarating nila sa TAC 605 ay inilagay nila ang kanilang mga bag sa kani-kanilang mga upuan.

"Guys, can we talk about our unlocked abilities?" tanong ni Ervin habang nakatayo at nakaharap sa kaniyang mga kaibigan.

"Sige! Tutal wala naman tayong ginagawa, eh," pagsang-ayon ni Vince.

"Para naman malaman natin kung may developments and changes ba at matulungang ma-assess 'yun," ani April.

"Hindi ko alam kung may developments ba kasi hindi ko sinubukan. Ayaw kong uminom muli ng tubig na may lason," saad ni Vincent.

"Baka may maitulong sila Ms. Urbano sa'yo. Maghintay na lang tayo," wika ni Bruce. "Ako naman, nakakausap ko pa rin ang mga hayop at insekto. 'Yung parang nakikipag-usap lang ako sa mga tao. Nasanay na nga rin ako."

"Medyo nakokontrol ko na ang ability ko. Hindi ko lang kayang gamitin ito kapag maraming tao ang papadalhan ko ng mensahe nang sabay. Pero sa bilang natin, kaya naman."

"Gaano naman kalayo ang naabot mo?" tanong ni Ervin.

"Hindi ko pa alam. Sa malapit ko pa lang nasusubukan, eh."

"Sa akin naman, nakakakita pa rin naman ako ng nakaraan pero-" Natigilan si April nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ms. Urbano. Bumalik sila sa kani-kanilang mga upuan.

"Good afternoon, miss," sabay nilang bigkas.

"Good afternoon. Hindi ako magtatagal dahil may meeting kami. Gusto ko lang na pumunta kayo sa TAC 7th floor dahil magkakaroon ng further tests sa inyo. Any questions?"

"None so far, miss," sabay rin nilang sagot.

"I'll leave you now and you may go to TAC 7th floor right away." Unang lumabas ng silid si Ms. Urbano at sumunod naman silang magkakaibigan.

Pagkarating nila sa TAC 7th floor ay sinalubong sila ng mga nakasuot ng puting lab gown at dinala sa iba't ibang mga silid na naaayon sa mga test na kailangan nilang pagdaanan. Sumunod na lang sila at walang nagsalita.

Iba't iba ang itsura ng bawat silid at nakabase sa kung ano kanilang unlocked ability. Ilang oras silang nanatili roon habang tinitingnan sila kung ano at hanggang saan ang kanilang kayang gawin. Hindi na muna sila pinalabas ng mga silid pagkatapos ng mga tests.

Nang dumating si Ms. Urbano ay pinalabas sila at pinaupo sa gitna ng auditorium. "Bukas ay malalaman niyo na kung ano talaga ang nangyayari sa inyo and we can use that in developing your unlocked abilities. You may go now."

Kinabukasan ay muli silang bumalik sa TAC 605 at doon sila sinabihan ni Ms. Urbano sa resulta ng mga tests. Kasama niya si Lance na may dalang mga folders. Sa mga folders na iyon nakapaloob ang kanilang mga laboratory test results.

"Bruce, your brain can receive and transmit wave signals at a frequency that depends on what animal or insect you want to communicate with. The animal or insect can understand what you are talking because your brain will send a wave signal that temporarily stimulates the brain of an animal or insect." Tumangu-tango lang si Bruce sa narinig.

Binuklat ni Ms. Urbano ang folder na iniabot ni Lance. "Bryan, your brain can transmit waves of excitation or nerve impulses to other nerve fibers that are not yours."

"Vincent, you have a very strong immune system. When you're exposed to poisons and other foreign substances like bacteria, germs and viruses, your immune system immediately develops macrophages, antibodies, and other immune responses." Seryosong nakikinig silang lahat lalo na si Vincent.

"Melody, you have synesthesia. Aries and Sheina, your abilities are brought by the abnormal secretion of epinephrine, a hormone secreted by the medulla of the adrenal glands."

"Should we worry about it?" tanong ni Sheina.

"Just know your limits," sagot ni Ms. Urbano. "Vince, your ability has something to do with quantum physics and on the theory of relativity."

Namangha sila sa narinig. "Shift na 'yan! Chemist to physicist na 'yan," kantiyaw ng mga kaibigan kay Vince. Napakamot na lang ng ulo si Vince.

"Romeo, the sound waves received by your brain when playing musical instruments are converted into impulses and transmitted to cause disturbances in the brain function of other people around you that will result to memory obliteration. April and Athena, your abilities are related to metaphysics. Gerald, I am very interested with your ability. I know you can do more with your ability. Remember that you are a technopath," pagpapatuloy ni Ms. Urbano.

"What do you mean, miss?" nagtatakang tanong ni Gerald.

"It's for you to discover what a technopath can do," saad ni Ms. Urbano na may ngiti sa labi.

Iniabot ni Lance ang huling folder. "Ervin." Umupo nang maayos si Ervin at nakinig nang mabuti dahil hindi niya alam kung ano ba talaga ang tunay na nasa loob niya. Batid niyang malakas ito at kapag mayroon siyang masidhing emosyon lang lumalabas.

"Only the increase in air pressure around you ang nakuhang datos ng mga researchers during the conduct of tests yesterday but I think your unlocked ability is kind of special." Sumeryoso silang lahat sa pakikinig dahil sa sinabi ni Ms. Urbano. "Maybe it's for you to find out." Ngumiti lang ito sa kaniya.

Kinuha ni Lance ang mga folders at umalis ng silid na dala ang mga ito.

"Ngayong may nadagdag na impormasyon kayong nalaman, magagamit niyo ito upang makahanap pa ng mas maraming kaalaman. Pumunta kayo ng library at maghanap ng mga aklat na may kinalaman sa inyong mga unlocked ability. That will be your assignment at sasabihan ko na lang kayo kung kailan tayo magkikitang muli dito dahil magiging busy ako sa mga darating na araw. Kung may gusto kayong ipaalam sa akin, sabihan niyo lang si Lance. Understood?" wika ni Ms. Urbano.

"Yes, miss," sabay nilang bigkas.

____________

UNLOCKED: Serum CPH4-1028 (Completed)Where stories live. Discover now