Chapter CPH4-1028-21

22 3 0
                                    

"Bakit ba palagi mo na lang akong sinasalungat at pinipigilan? Hindi pa nga tayo mag-asawa, inaander de saya mo na ako. Paano pa kaya kung magkasama na tayo sa iisang bahay? Mas mabuti pa kung hindi na tayo umabot doon."

Muling umalingawngaw sa isipan ni April ang mga binitawang salita ng kasintahan nang sila'y minsang nagkaroon ng away. Apat na araw na ang nakalipas subalit wala pa rin siyang nakukuhang balita tungkol kay Bryan. Nababahala siya dahil hindi nito ugaling lumiban sa klase.

Habang nakaupo sa bench sa labas ng Physics Lab, nilulunod ni April ang sarili sa mga samu't saring kaisipang may kaugnayan sa kanilang dalawa ni Bryan na nagpapasidhi ng bigat sa kaniyang dibdib. Sa kaniyang pagmumuni-muni, hindi niya namalayang dumating ang kasintahan. Nakatingin lang si Bryan sa kaniya habang siya'y nakatungo at nakatitig sa sahig na parang may pinapanood.

Tinapik ni Bryan ang balikat ni April sabay sambit ng pangalan ng huli na siyang nakapagpaigtad rito subalit agad itong napalitan ng pagliwanag ng mga mata ni April nang makita ang minamahal. Tumayo siya at niyakap nang mahigpit ang kasintahan sabay sabing, "Sorry."

Puno ng pagtataka ang mukha ni Bryan sa ikinilos ng kasintahan. "Bakit ka humihingi ng tawad?" tanong ni Bryan habang nakayakap kay April.

"Dahil palagi kitang sinasalungat at pinipigilan," sagot naman ni April habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ni Bryan.

"Ano bang pinagsasabi mo?" muling tanong ni Bryan na bakas sa mukha na siya'y naguguluhan.

"Hindi mo-" Hindi naituloy ni April ang kaniyang sinasabi dahil may biglang umeksena.

"Ano 'yan? Bati na kayo?" bungad agad na panunukso ni Ervin kasama si Gerald na kararating pa lamang. Napahiwalay ang dalawa sa kanilang yakapan at napaharap sa mga kaibigan.

"Bati? Hindi naman kami nag-away." Napakunot ang noo nilang tatlo nang marinig iyon mula kay Bryan.

Tumingin si April sa kaniya at nagtaka kung bakit hindi maalala ng kasintahan ang nangyari. "Wala ka bang naaalala sa mga nangyari noong biyernes?" tanong ni April.

"Biyernes? Umuwi tayo nang maaga pagkatapos kumain. Na-snatch 'yung phone ko that day kaya hindi ako nakatawag at naka-chat sa'yo at sa group chat. Nagkaroon ako ng lagnat noong sabado at kahapon lang ako naka-recover. Hindi ako pumasok kahapon kasi sinabi ng doktor pero huwag kayong mag-alala, okay na ako," wika ni Bryan. Hinarap niya si April at hinawakan ng dalawa niyang maiinit na palad ang magkabilang pisngi nito. "Huwag ka nang mabahala. You're overthinking. Leave those negative thoughts behind." Nakatingin si Bryan sa mga mata ng kasintahan habang sinambit ang mga iyon. Ngumiti siya bago nagsalita sa isipan ni April. "Mahal na mahal na mahal kita with all of the carbons I have."

Napapangiti na lang si April sa mga sinabi ni Bryan. Hinawakan niya ang mga kamay nito na nasa kaniyang pisngi. Napasinghap at napapikit siya nang may nakitang pangyayari.

Nakatayo si Dr. Dayagbil sa harap ni Bryan sa gitna ng lobby habang nakapatong ang kanang kamay sa balikat ng huli. May mga sinabi ang presidente bago umalis si Bryan.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Bryan nang dumilat si April na nakakunot ang noo. Ilang sandaling hindi nagsalita si April kaya muling binanggit ni Bryan ang pangalan nito na siyang nakapagpabalik nito sa ulirat. "Okay ka lang?" Tango at ngiti lang ang sagot ni April.

"Punta muna tayo ng canteen, Gerald. Nakakaumay kasi 'yung eksenang pinapanood natin," yaya ni Ervin sabay hila sa kaibigan.

+ + + + +

UNLOCKED: Serum CPH4-1028 (Completed)Where stories live. Discover now