Chapter 4

93 42 2
                                    

Chapter 4

Katulad ng nang napag-usapan kahapon ay gumising ako nang maaga para hindi ma-late sa pagpunta naming sa kompanya. Pinagmasadan ko ang kagalang galang kong hitsura sa malaking salamin ko sa kwarto. Ang suot ko ay puting long sleeves at pencil cut na palda, kung ibang tao ang makakakita sa akin ay siguradong sasabihin nila na hindi maipinta ang mukha ko. Masama pa rin ang loob ko sa mandatory participation naming na 'to.

"Kira... Naka ayos na ang sasakyan, bumaba ka na." Sigaw sa akin ni mama mula sa baba, halos sabay ang pagbuntong hininga ko at pag irap sa kawalan, kahit kasi ayaw ko 'to ay wala naman akong magagawa.

Pagkatapos kong kunin ang bag ko na nakapatong sa kama ay sumunod na rin ako kaagad at bumaba na. Hindi nga nagbibiro si mama dahil wala pa ako sa kalagitnaan nang pagbaba sa hagdanan ay nakita ko na na nakatayo na sila sa pintuan at hinihintay ako, wala si Madel doon, I'm sure, nasa loob na s'ya ng sasakyan.

"Not bad," sabi ni papa na may halong komplimento. Ang akala n'ya siguro ay hindi ako susunod sa kanya.

I'm stubborn at times. Spoiled brat siguro, hindi ko rin alam. Akala siguro ni papa ay gaganti ako sa kanya at hindi lalabas sa kwarto maghapon, but I've been stubborn enough with this business stuff, I know my limits. Alam ko kung kalian hindi na tama ang mang-inis at magtigas ng ulo.

I smiled weakly to both of them, mama and papa. It's my way of saying na sumusunod lang ako pero hindi ko 'to gusto.

Before I turn my back at them, they give me a — just give it a chance, you might like it — look.

Hindi ko 'yon gaanong pinagtuunan ng pansin, dumiretso nalang ako sa naghihintay na sasakyan sa tapat lang hagdanan pababa mula sa malaki naming pintuan.

Pagpasok ko sa sasakyan ay malakas kong sinara ang pinto para ipaalam kay Madel na nakaupo na sa loob na nandito na ako kaya pwede na s'yang umusod. Narinig ko bahagya n'yang pag ismid bago umusod malapit sa kabilang pinto.

"Ang akala ko hindi ka sasama... Wala ka namang pakielam sa company diba, so, why are you here? Shouldh've stayed in your room and cry." I can hear the mockery in her voice.

"Ba't hindi ikaw ang gumawa?" Mabilis na nawala ang ngisi n'ya.

"You know, for a sister who stole her sister's boyfriend... you have the guts to mock me," my lips curve into a smirk. "I'll give you points for that."

"You know he loves me Kiara."

"He's a boy Madel, he's not even a man. He loves you now, then he'll cheat on you later." I know I have probably hurt her feelings but that felt satisfaying, I know I'll regret this later.

Hindi naman gaanong matagal ang byahe, kalahating oras lang iyon magmula sa bahay kahit na may kaunting traffic.

Pagbaba palang naming ay sinalubong na kami ng bungkos ng mga empleyado para bumati sa amin, par kaming turista, kulang nalang ay sabitan kami noong kwintas na gawa sa bulaklak.

"Good Morning ma'am Kiara, ma'am Madeline."

Parehas kaming bumati ng ngiti ni Madeline.

"My name is Joy, I'll tour you, and help you to be familiar with everything about the company..."

I'd like to commend Joy for being so energetic, kahit yata maghapon s'yang magsasalita ay hindi s'ya mapapagod. Gaya ng sinabi n'ya ay binigyan n'ya kami ng tour sa offices at departments ng company. Madeline and I will train under ninang Lorraine's supervision as the company's currently COO, ang sabi ni Joy, kung sino daw ang mas may magandang performance sa amin ni Madeline ang papalit kay ninang as she retires from being Alcala builders's COO. Of course, there'll be a competition. Papa is like a wise man playing chess, you'll never know his next move.

Buong umaga ay iyon lang ang ginawa namin. Kahit na paikot ikot lang kami sa kompanya at pangiti ngiti lang sa mga empleyado ay nakakapagod din pala. Maaga kaming natapos, imbis na 5pm pa ay 3:30 lang. Saglit na pahinga lang ang naranasan naming noong nag lunch break kanina.

"Kira! Lalabas kami, hindi ka ba sasama?" Plastik. Palibhasa ay maraming tao, kailangan ay mabait s'ya sa akin.

I saw Marc outside waiting for her, I'll admit that there's still a pinch in my heart. I will always say that I've already moved on but whenever I see them I'm not so sure anymore. Madeline and Marc started their relationship after I ended ours, paminsan ay hinihiling ko parin na maghiwalay sila pero baka nga sila talaga ang para sa isa't isa, maybe I'm just a piece of their puzzle, maybe I should start to feel happy for them.

I waved my hand "no" to Madel, bukod sa ayaw ko s'yang kasama ay hindi ko na din talaga kaya pang maglakad. Ang sakit ng paa ko ay sukdulan, parang hindi ko na kayang maglakad. I tried to caress my ankle, hoping for relief, pero wala naming epekto. Hindi yata ako sanay sa maghapon na lakaran habang nakasuot ng heels. Napatingin tuloy ako sa papalayo nang si Madel, I wonder, hindi kaya sya nahihirapan? Five inches pa naman iyong suot nya. Napayuko tuloy ako para tignan ang paa ko... mukhang kawawa, bahagya pang namamaga.

"Ma'am Kiara?" Shit! Sa lahat naman ng makakakita sa akin ay s'ya pa. Mabilis akong napatingin na binawi ko din kaagad nang makilala ko kung sino s'ya. Hindi ko tanda ang pangalan pero alam kong s'ya si coke, iyong inagawan ko ng coke!

"Hi!" Awkward kong sagot.

"Namamaga ah..." lumuhod s'ya para tignan pa ng mas maigi ang paa kong nagmamakaawang magpahinga, hinayaan ko lang s'ya. Kung matutulungan n'ya ako ay kailangan ko no'n.

"Wait lang," tumayo s'ya at umalis. Gusto ko na magka amnesia para makalimutan ko na 'yong ginawa ko sa kanya. Ang dami kong nakakalimutan na bagay pero bakit hindi pa 'yon masama sa nakakalimutan ko?

Maya maya lang ay bumalik si coke na may dala dalang cup, "tinapon ko nalang yung juice," bahagya s'yang tumawa. "Wala kasi akong makita na yelo, kaya nag vending machine nalang ako, puro yelo lang naman ang laman ng inumin do'n e," biro n'ya. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi pansinin ang dimple n'ya sa kanang pisngi sa tuwing tatawa s'ya ng bahagya sa sarili n'yang biro. Nakakamangha lang na meron silang nuscle anomaly pero iyon pa ang nagpapaganda ng mukha nila.

He asked permission if he can help me, possibly give me some relief. I told him sure. He take my shoes off, binalot n'ya sa panyo ang yelo na galing sa cup at inilagay sa paa ko. It wasn't an instant relief but it did help. Tinuro n'ya lang sa akin kung paano ang gagawin at tumayo na rin. "Ice for relief, and sandals for comfort," turo n'ya habang ibinababa ang hawak na paper bag. Pinagmasdan ko 'yon habang hinuhulaan kung ano ang laman. Sandals siguro dahil sabi n'ya ay sandals for comfort?

He smiled one last time and then left.

Our first meeting was very bad, nakakahiya. But he never once made a big deal out of it, instead, he humors it, making me less awkward about the situation.

Kinuha ko ang paper bag, at isang pares nga ng soft sole sandals ang laman no'n. I watch him walk away... hindi man lang ako nakapag pasalamat.

I'll thank you next time coke...

Memories Of YouWhere stories live. Discover now