Chapter 7

80 36 1
                                    

Chapter 7

I spent my time going home anxious. I think I'm a little overthinking what happened earlier with coke. I've never been that kind of a bitch. I'm only a bitch to Madel and no one else. Well, he stole Marc for one.

Did he saw the coke? Should I even asked for Truce? Is it right that I wanted to say sorry? Paulit ulit kong tanong sa sarili habang na sa sasakyan

Nang makarating kami sa bahay ay sinalubong ako ng mga tanong mula kina mama at papa; "how's the site?" tanong ni papa.

"Exhausting..." sagot ko habang hinahatak ang upuan ko sa dining table. Sakto sa dating ko ang paghahanda ng hapunan. Buti nalang at hindi ako kumain sa labas.

"Anong ginawa mo? Did they go easy on you?" There is a slight chuckle under his breath.

I shake my head as an answer.

"Office was great," ani Madel na malaki ang pag-ngiti. And then there was silence. A deafening one. All eyes were on her for a while, pero ang atensyon na 'yon ay mabilis ding nawala. I saw how the enlightment on her face fades, nawalan iyon ng pag asa na tatanungin namin s'ya sa kung paano ang naging araw n'ya.

I'm mad at her. I really am. But seeing how much she wants attention kind of breaks my heart. I believe that Madeline is a good soul, just a little lost.

I didn't talk the rest of dinner. I don't want her to feel alone.

Walang nagsalita hanggang sa makatapos kami sa pagkain.

Nang matapos kami ay sa labas dumiretso si Madel, nahagip s'ya ng mata ko nang dumaan ako sa sala paakyat sana sa kwarto. Tinitigan ko si Madel habang naninigarilyo sa labas ng pintuan. She looks annoyed, siguradong sa akin. But there's also a hint of sadness in her eyes. Palagi siyang gano'n, I don't think I ever once saw her with genuine happiness. Her lips always smiles but her eyes never.

Lumapit ako kay Madel. Hawak ko ay isang malaki na chichirya na sadya ko pang kinuha sa kusina para lang magkaroon lang ako ng conversation starter ko sa kanya.

"Gusto mo?" alok ko.

Matalim n'ya akong tinignan. Sumalit ang mata n'ya sa akin at sa hawak kong chichirya. She looks disappointed. Para bang halatang halata n'ya na paraan ko lang 'yon para kausapin s'ya.

Pinatay n'ya ang hawak na sigarilyong at saka tumalikod sa akin. I grabbed her wrist, hindi ako papayag na hindi kami mag uusap ngayon.

She stopped. Hindi s'ya gumalaw. Kahit na nakatalikod ay alam kong inis ang mukha n'ya sa akin.

"Do you love him?" Sa tingin ko ay pareho kaming nabigla sa sinabi ko. Ramdam ko ang pagbabago ng mukha n'ya, pati na rin ang paghinanon ng katawan n'ya na kanina ay tensyonado.

Ang gusto ko sanang gawin ay pagaangin ang loob n'ya. Damayan s'ya, at ipaliwanag na hindi big deal ang pagtahimik namin sa lamesa kanina. Pero naging traydor sa akin ang bibig ko, mas nanalo ang mga tanong na matagal ko nang gustong sabihin sa kanya. Sa kanila.

Pagkatapos ng katahimikan na bumalot sa amin ay narinig ko s'ya. She scoffed and smirk, amused by my question.

"Hindi ka pa nakaka move on?" Sabi n'ya sabay ang pagharap sa akin. Ang tono ng pagsasalita n'ya ay may halong pang iinsulto.

"Madel..." Pagtawag ko sa kanya para sagutin n'ya ang tanong ko.

"Don't call me that, you know I hate it." tukoy n'ya sa palayaw na ayaw n'yang marinig.

Hindi ako sumagot. Instead, I looked at her demanding an answer.

Nawala ang ngiti sa labi n'ya nang mapagtantong seryoso ako, "yes." sagot n'ya.

"Yes, I do love him."

I nod in defeat. Masakit pa din pala, ang akala ko ay hindi na ako tatablan pero nagkamali ako. Kahit na lumipas na ang ilang buwan ay ganoon pa din kasakit. Akala ko ba ay time heals? Bakit kahit na may mga lumipas ng araw ay ganoon pa rin?

"You didn't do it to hurt me... diba?" Sa loob ko ay hinihiling kong hindi ang isagot n'ya. Sa isip ko ay hinihiling ko na sana ay talagang nagmamahalan lang sila at hindi iyon para lang saktan n'ya ako. It's way too far if she did it just to see me cry. It's too low, ever for her.

"I did..."

Hindi ko na alam kung alin ba ang mas masakit. Iyon bang hindi ko alam ang dahilan o ngayon ba na alam ko na? Paano n'ya ako nagagawang tignan sa mata kahit na alam n'yang nasaktan ako dahil sa kanya?

I looked directly in her eyes, hoping for a glimpse of remorse, pero hindi iyon ang nakita ko.

My poor sister, Madeline. Her eyes screams pain.

Is it for me? Is she in pain because I am? I can see it somehow. I feel like my pain reflects on her.

"But it back fired," nagsimulang mamuo ang luha sa kanya."I fell, And I do love him now."

"I love him not because I want to hurt you, but because he made me feel loved... Let's be real Kira, ikaw lang naman ang mahal dito sa bahay..." tears starts to form in her eyes, her pain is so visible. "I've never felt loved, even by you... You never felt like a sister. You're more of a..." huminto s'ya saglit para pigilan ang pag iyak. "...competition." pagpapatuloy n'ya.

Umiling ako, ang luha ko ay pumatak kasabay ng kan'ya. Humakbang ako palapit sa kanya para ipaliwanag na hindi iyon kailan man ang intensyon ko na iparamdam sa kanya, pero hindi n'ya ako hinayaang makalapit at humakbang s'ya patalikod para maiwasan ako.

"No, I just stole your man. Hindi ba pwedeng magalit ka muna sa akin?"

Nagsalubong ang kilay ko, Nalilito.

"I hate you, you're too kind. I've been trying for you to hate me since we're kids, pero lalo ka lang bumabait. I want you to hate me the way I hate you. I want a fair battle Kira."

"Madel..." I called of confusion.

"I want you to hate me. Dahil kapag gano'n siguradong gaganti ka. Matatalo ako paminsan and then I'll finally have attention and sympathy... I've tried being good Kira, I mean it. Pero wala naman akong napala. Then I tried to be bad and guess what? I get my fucking attention! Kahit pinapagalitan ako but I'm happy because they see me. I'm not invisible. Nakikita n'yo pala ako?"

My heart breaks for her. All this time, I never knew she felt that way. It never crossed my mind that she just wants to feel like she belongs in the family.

"I'm sorry Madel..." I didn't know what to say. To her, I'm competition. Papa is relatively unfair, and even though my mom never really hated her, she did not get to treat her like her own as well.

"Tss!" Paglayo n'ya pang lalo sa akin. She scoffed and mocked me, pati ang kilos ng mga kamay niya ay gano'n din. It's as if I'm not sincere.

"Buhay pa ako Kiara, but I've always felt like a fucking ghost! Good grades? No! Suspension? Yes, I have my attention! So I just decided to be like this Kira. I was forced to be like this! Only if they were fair! Only if they were fair!"

She was sobbing. Sunod sunod ang patak ng mga luha n'ya pero kahit na gano'n ay hindi n'ya pa din mapigilan ang impit na hagulgol na kumakawala sa bibig n'ya.

"I never wanted to hurt you. I hate myself for what I did with Marc. Wala naman akong intensyon na agawin s'ya. My plan is to make him think you're not worth it, but I fell, Kira. Masisisi mo ba ako? It's my first time being loved. The very kind of attention I starved since I was a child..."

Lumapit sa akin si Madel, hinawakan n'ya ang dalawa kong kamay gamit ang kanya... "I'm so sorry Kiara but please, I'm begging you. Can you leave him alone? Can I please... have Marc?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Memories Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon