Chapter 6

85 35 3
                                    

Chapter 6

I don't know if I underestimated this day or did I just expect them to go easy on me on my first? We did a lot for a first day. We inspect materials and equipment, and constantly checks whether or not the employees are following the safety protocols.

Kahit sa mataas na sikat at tirik na araw ay nakasuot kami ng helmet at vests. Ngayon lang ako pinawisan ng ganito sa buong buhay ko.

Malalim ang naging buntong hininga ko nang makaupo rin sa wakas. Ang akala ko talaga ay introduction lang ang gagawin ko ngayon. Hindi naman ako naabisuhan na game on pala kaagad ang mga tao dito kumpara sa company... Company, naalala ko tuloy si Madel. Si Madel na t'yak na nakaupo sa komportable na upuan at naka A/C pa sa opisina habang pinagsisilbihan at ibinibili pa ng mamahalin n'yang starbucks.

The thought of her makes me furious of her even more.

Pa-slouch akong nakaupo sa upuan na may kapiraso lang na foam dito sa loob ng site office. Luminga ako sa paligid para maghanap ng aircon pero wala. Walang makakapawi ng init na nararamdaman ko bukod sa malamig na tubig na sa ngayon ay wala din.

Nahagip ng mata ko ang bulletin board na nanahimik sa pader, "kailan ka ba matatapos...?" Paglalabas ko ng frustration na hindi ko pwedeng ipakita kahit na kanino. Hindi ko nga alam kung bakit ko kinakausap 'yong building plan na nakadikit sa bulletin board, isang araw palang yata ay mababaliw na ko.

Kinuha ko ang isang lapis na nakalagay sa pencil holder sa lamesang kaharap ko at saka ko 'yon inihagis na parang dart sa bulletin board. Mabilis 'yong lumipad papunta sa bulletin at pabagsak sa sahig, nagkataon naman na biglang bumukas ang pinto kaya kung sino man ang papasok ay tiyak na may ideya kung papaano nauwi ang kawawang lapis sa ganoong sitwasyon.

"Ma'am Alcala, I need your signature here..." It's coke. Tinignan n'ya muna saglit ang lapis sa sahig bago n'ya 'yon pinulot para ibalik sa desk ko... sa desk n'ya.

"Bakit..?" Nagtataka at mabagal n'yang tanong habang sumasalit ang mata sa lapis na hawak at kung saan n'ya 'yon nakuha. Hindi na n'ya tinuloy ang tanong, sa halip ay itinabi nalang ang lapis na hawak sa tabi ng nakapilang folders sa lamesa.

Malakas ang pagbuga ko sa bawat hinga na ginagawa ko habang pumipirma sa documents n'ya.

"Uh-uh," sabi n'ya sabay ang sunod sunod n'yang tsk.

"Dapat ay binabasa mo muna bago ka pumipirma..." Pangaral n'ya sa akin.

"Gravel and sand supplies... PHP 23,000..." pairap kong sagot sa kanya. Oo at hindi ako fully knowledgeable sa pagsu-supervise dito sa site, pero hindi naman ako ganoon katanga.

"I read, marunong ako magbasa."

Napawi ang ngiti n'ya. Ngayon ko lang napagtanto na pabiro n'ya 'yong sinabi at hindi painsulto, tsk!

"Sorry, pagod na kasi ako e." Paliwanag ko na sinuklian n'ya lang ulit ng mahinang ngiti, 'di 'yon katulad ng palagi n'yang natural na ngiti na may buhay at masaya.

Kinuha n'ya ang mga pinirmahan ko at umalis na.

I'm a terrible boss, isip ko.

Napasandal tuloy ako sa upuan ko dahil sa disappointment ko sa ginawa kong trato kay coke... Do I say sorry? Am I even supposed to say sorry kahit na anak ako ng company owner? If I'm papa, I know he won't. Wala naman sa bokabularyo n'ya ang humingi ng pasensya, kung tutuusin nga ay parang sa amin lang na pamilya n'ya s'ya may kaunting puso.

Nakatitig lang ako sa pintuan kung saan lumabas si coke, iniisip kung paano ako hihingi ng pasensya sa kanya. Then I remembered how I embarrassed myself in front of him. I've always wanted to forget that convenience store moment but now it's my perfect way to say sorry.

Mag i-inventory check kami ni coke mamaya para tignan kung tama ang reflection ng inventory dito at sa records na nakalagay sa company excel sakto kasi na mag e-end of the month na kaya kailangan na namin 'yong i-check.

Pumunta ako sa tindahan na pangkaraniwan lang at hindi grocery, convenience, o mall. May kaunti pa akong naramdaman na kaba habang bumibili dahil first time ko sa sari sari store. Maybe I need to go out more para hindi ako inosente sa mga pangkaraniwan na bagay.

"Ano 'yon miss?" Tanong noong ale na nagtitinda. I paused for a moment. Hindi ko maalala ang bibilhin...

"Anong iyo?" Tanong n'ya ulit.

It took me more or less than 30 seconds to remember. Segundo lang kung tutuusin pero parang ang haba.

Nang makabalik ako sa site ay nagsisimula nang magsiuwian ang mga trabahador. Gumaganti ako ng ngiti sa mga employee na nakakasalubong ko na bumabati sa akin bilang paalam na uuwi na sila.

Tanaw ko si coke kahit na medyo malayo pa ako sa kanya. Nagsisimula na s'ya sa inventory. Mag isa lang s'ya at wala ng kasama dahil oras na ng uwian.

Kinuha ko ang isang clipboard na laan para sa akin. Nandoon ang listahan ng inventory na i-che-check ko.

Tinitignan ko si coke na sa ngayon ay tahimik lang habang busy sa ginagawa n'ya. Hindi ko alam kung busy ba talaga s'ya o guilty lang ba ako dahil sa tingin ko ay iniiwasan n'ya ako.

Ang sungit ko naman kasi kanina.

Hindi ko nagawang ibigay sa kanya ang coke na binili ko, nanatili kaming tahimik habang ginagawa ang dapat gawin.

I didn't find the courage to talk or even say sorry for acting like a bitch earlier.

I watched coke assemble his things. Nagpauna ako sa paglabas para ipatong sa hagdan ang binili kong coke mismo sa tindahan kanina. Wala silang tinda na coke sa can na katulad sana noong inagaw ko sa kanya. I settle with this coke mismo. I'm pretty sure na naalala ako ni coke kapag nakakakita s'ya ng coke, ganoon kasi ako. Kadamay na s'ya sa ala ala ko tuwing makakakita ako ng coke, the embarrassment I felt, sukdulan na ginusto kong maglaho noong oras na 'yon.

I want to forget it but honestly, it's a fun story to tell. Maybe I don't want to forget it anymore.

Hindi ko alam kung makikita n'ya iyon paglabas, asahan ko nalang na mapansin n'ya 'yon.

Idinikit ko ang sticky note na sinulatan ko kanina.

We're not enemies, but...
Truce?             
   -K

Memories Of YouOnde histórias criam vida. Descubra agora