SIMULA

2.2K 33 3
                                    

"Akala ko ba gusto mo ng jowa? Ayan na! Nahanapan na kita! " singhal ni Marie nang makaupo sa upuan niya.

Palaging late ang gaga! Recess na naman siya pumasok at nag-skip na naman ng three subjects namin.

"Oo nga! Gustong-gusto ko na magka-jowa! " singhal ko rin. "Asan ba? Patingin nga ng picture, tignan ko kung pasok sa panlasa ko. " sambit ko at lumapit sa upuan niya.

Maingay man ang mga kaklase namin dahil sa kanya kanya nilang ginagawa ay hindi ko na pinansin. Walang kwenta ang president namin at panay paganda lang. Tch!

"Inang yan! Sinend ko na nga sa'yo pangalan niya kagabi e! Hindi ka ba nag online? " reklamo niya.

Hinampas ko ang braso niya dahil nabibingi ako sa bunganga niya.

"Kagabi mo sinend kaya malamang ay tulog na ako! Asan na kasi! Patingin na lang dyan! " banas kong sabi.

"Aba! Ikaw na nga 'tong nagpapahanap ng jowa ikaw pang galit! "

"O sige na, pakita mo na lang sakin yung picture niya para makilatis ko na. "

Nakailang pindot siya sa cellphone niya bago ito inabot sakin. Kinikilig na naman ang gaga.

"Kilala mo ata yan e! Mutual kayo oh! " sambit niya.

Pinindot ko ang profile picture ng lalaki. Whole body ang litrato niya dito at naka-costume ng pang-sundalo.

"Schoolmate pala natin e! " usal ko at tinignan pa ang profile ng target ko.

Single siya at may 509 na followers sa Facebook. Famous ang lolo mo!

"Ano? Pogi di ba? Diyan ka na lang! "

"Wait! Tinitignan ko pa nga kung walang sabit e! "

Baka kasi mamaya may naka-tag siyang girlfriend dito tas hindi ko lang nakita.

"Ano na? Bilisan mo at may kachat pa ako! "

"Kilala mo ba yan? I-chat mo tas sabihin mong crush ko siya. Send mo mga magaganda kong picture ah! " bilin ko.

"Oo na, oo na! Akin na yang phone ko. May cellphone ka naman ikaw na mag-chat! " singhal niya sakin.

Kumunot ang noo ko. Namula ng todo ang pisngi ko dahil sa isiping gagawin ko nga iyon. Arghh! Nakakahiya!

"Anong pangalan ulit? " tanong ko habang hinihintay magbukas ang aking Facebook app.

"Darius Langomez! Search mo! " sambit niya na naiistorbo na ng husto dahil sakin.

Buti nga! HAHAHAHA!

Nilagay ko ang Darius Langomez sa search section. Maraming lumabas pero nanguna yung profile niya. Tama si Marie, friends na nga kami nito sa Facebook.

Napasandal ako sa inuupuan ko at pinag-iisipan kong ime-message ko ba. Hindi naman kasi ako sanay na mag-first move sa chat. Gusto ko ako yung unang ichachat. Mahiyain pa naman ako.

Aish! Bahala na!

Pinindot ko ang message at nagtipa ng mensahe para sa kanya.

Ako:
Hi krass.

Nakapikit kong pinindot ang send button.

"Aaaahhhh! " malakas kong tili nang mag-delivered ito. Dahil don ay napatingin sakin ang mga kaklase kong busy kanina.

"Hoy, Lalaine! Napakaingay mo! "

Hindi ko sila pinansin at hinintay na lang na ma-seen ni Darius and message ko.

Flirt (Sa Una Lang Pala Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon